Ai-Ai delas Alas praises Sandara Park: "Napakabait pa rin na bata"

by Nikko Tuazon
Aug 23, 2020
Ai-Ai delas Alas (left) is amazed by the "kabaitan" of Sandara Park (right). The comedian/entrepreneur appreciates how the "super sikat" South Korean star took the time to reply to her message and, what's more, still used "po" in her sentences.
PHOTO/S: Courtesy of Nice Print Photography / @daraxxi on Instagram

Napahanga si Ai-Ai delas Alas sa kababaang-loob na ipinamalas ng K-Pop star na si Sandara Park.

Nitong Sabado, August 22, 2020, ibinahagi ng Kapuso comedienne sa Instagram feed nito ang screenshot ng maiksing usapan nila ni Sandara, na kilala rin bilang Dara.

Makikitang nag-send si Ai-Ai ng litrato ng "Mang Tae nightmare catcher doll" kay Dara.

Ang "Mang Tae nightmare catcher doll" ay sumikat dahil sa K-drama series na It's Okay Not To Be Okay, na pinagbibidahan nina Kim Soo Hyun at Seo Ye Ji.

Sa caption, ikinatuwa ni Ai-Ai na nag-reply pa rin si Dara kahit na "super sikat" na nito sa South Korea.

Aniya (published as is): "Sobrang ang saya saya ko .. kasi follow ko si kim soo hyun nung isang araw ..

"tapos nakita ko name ni sandara kaya follow ko sya ..

"kinamusta ko sya nagulat ako sumagot kasi super sikat ma sikat na sya sa korea icon na nga sya ..

Continue reading below ↓

"pero napakabait pa rin na bata .. may opo pa din sumagot .."

Sa pagtatapos ng kanyang post, muling nagpasalamat si Ai-Ai kay Dara sa oras nito.

Aniya, "baby girl salamat sa tsika at salamat napaka bait mo pa ding bata...

"may GOD BLESS YOU MORE AND MORE ..

"take care always be safe and i love you baby girl..

"sorry sa storbo para kay mang tae doll..

"hahaha tawa sya saken ako din bigla oo nga ano ba yan nakita ko kasi kay gabbi garcia natuwa ako ...

"basta thank you sa kabaitan mo @daraxxi"

Continue reading below ↓

Matatandaang nagkaroon ng cameo role si Dara sa superhero movie ni Ai-Ai na Volta (2004). Ito ay matapos manalo ni Dara bilang runner-up sa reality artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest.

Kilala rin si Dara bilang dating miyembro ng K-Pop girl group na 2NE1.

Sa kasalukuyan, si Dara ay busy sa pag-host ng ilang talk show, kasama ang Video Star and Follow Me Review On.

Kamakailang lang ay naging star siya ng musical theater adaptation ng K-drama series na Another Oh Hae Young.

Noong Hunyo, may cameo role si Sandara sa K-drama series na Dinner Mate, starring Song Seung Heon at Seo Ji Hye.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas (left) is amazed by the "kabaitan" of Sandara Park (right). The comedian/entrepreneur appreciates how the "super sikat" South Korean star took the time to reply to her message and, what's more, still used "po" in her sentences.
PHOTO/S: Courtesy of Nice Print Photography / @daraxxi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results