Chynna Ortaleza gustong magkaroon ng sariling network; emosyunal sa pagpapasara ng ABS-CBN
Aug 24, 2020

Sa pangatlo't huling bahagi ng PEP Exclusives interview ni Chynna Ortaleza, ipinagpatuloy nila ng nag-i-interview sa kanyang si Jimpy Anarcon ang kanilang throwback discussion.

Kung nung huling video ay ang pag-start ni Chynna sa TV at pagiging miyembro ng kiddie reportorial team ng 5 and Up ang napag-usapan, sa video na ito ngayon ay ang pagpasok na ng Kapuso actress sa pag-arte ang naging simula ng kuwentuhan nila.

Binalikan ni Chynna kung paano siya naging bahagi ng GMA-7 teen-oriented show na Click at kung gaano kalayo ang character niya rito sa tunay na pagkatao niya.

Nabanggit din ni Chynna ang ilang karanasan bilang member ng cast na madalas madamay sa mga kumprontasyon sa set dahil sa kanyang pagiging outspoken at pagiging saksi sa ilang "awayan" ng members ng cast.

"You're kids. So, you're exploring the world. Marami talagang riot in terms of... super-saya siya, or minsan may mag-aaway sa set... Sobrang kulit!

"Siyempre ngayon, looking back, I think it's funny. Pero nung panahon na yun, siyempre, super serious na serious."

Sa tingin pa raw ni Chynna, katulad niya ay pinagtatawanan na lang marahil ng ka-batch niya sa show ang mga pangyayari noon sa set ng Click.

"I'm sure pag naiisip namin yun, parang, 'Oh, my God. Sobrang nakakatawa!'

"Kasi everybody was trying to fight for identity, di ba, and a place in the industry," pag-flashback pa ni Chynna.

Going personal, napagkuwentuhan din nila ng senior staff writer ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging hands-on mom ni Chynna.

Naibida tuloy ng mother of two na ito kung paano nila sinimulan ng kanyang asawang si Kean Cipriano ang OC Records/Artists House.

Bago pa nagsimula ang pandemya, pinasok nilang mag-asawa music recording at talent management business.

Tulong na rin daw nila ni Kean sa talented individuals na gustong magkaroon ng puwang sa showbiz ang OC Artists House.

Samantala, naging emosyunal naman si Chynna at pigil ang luhang naglahad kung paanong galit na galit siya nung ipinasara ng gobyerno ang ABS-CBN.

Marami raw kasi talagang tao ang naapektuhan at ilan pa roon ay kanilang mga kaibigan.

Para mapasaya ang pagwawakas ng exclusive interview nila, sumalang naman si Chynna sa Guilty or Not Guilty challenge ni Jimpy.

Para sa iba pang bahagi ng interview ni Chynna, i-click ang mga link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=qMbvXf51O7Q

https://www.youtube.com/watch?v=08EbDiaRcbI

HOT STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results