Hashtags' Nikko Natividad falls victim to investment scam, loses P4M

by Arniel C. Serato
Aug 24, 2020
Nikko Natividad on losing P4-M to an investment scammer: "Sobra sobrang depression binigay nito saken."
PHOTO/S: Courtesy: @hashtag_nikko on Instagram

Apat na milyong piso diumano ang nawala sa Hashtags member na si Nikko Natividad dahil sa isang investment scam.

Ayon sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN noong August 14, nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Shagoptha "Sha" Punzalan sa pamamagitan ng isang entrapment operation.

Ayon din sa ulat, lending business ang negosyo ni Punzalan at may connection din daw ito sa mga online gaming.

Sa Instagram ngayong araw, August 24, inamin ng It’s Showtime member na naloko sila ng partner niyang si Cielo Eusebio ni Punzalan.

Pahayag niya (published as is), “Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag invest at na scam dito.

“Alam ko mas galit pa ang mga tao samen kesa sa ng scam na kesyo baket kasi kame naghahangad ng malaking pera. (Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namen).

“Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala ng maloko pa kagaya ng ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis daw na-depress si Nikko sa pangyayari.

Pinaghirapan at pinag-ipunan daw nila ang nasabing halaga, pero napunta lamang sa wala.

Saad ni Nikko, “Napaka saket sakin at sameng mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinagipunan sa isang iglap lang.

“Sobra sobrang depression binigay nito saken.

“Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao.

“Dugot pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala.”

“HUSTISYA NA BAHALA SA INYO”

Hindi na rin daw umaasa ang dancer-actor na mabawi pa nila ang malaking halaga ng perang napurnada.

Umaasa na lamang daw siyang mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima ni Punzalan, kabilang na siya at ang kanyang partner.

Saad ng Hashtags member, “Hindi nako umaasa na mabawi pa yung pera na nakuha nya samen dahil alam ko na wala yung pera.

“Hustisya na bahala sayo.

“Nawalan man kami ni cielo ng pera Hindi naman kame nawalan ng pangarap at inspirasyon para magpatuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaket dahil walang wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko.

“Hindi namen kasalanan na nagtiwala.

“Kasalanan NYA na niloko nya ang mga tao na nagtiwala sakanya.”

Sa isa pang Instagram post, sinabi ni Nikko na darating daw ang araw na baka pagtawanan na lamang nila ni Cielo ang pangyayari dahil naging “tanga” sila sa kanilang investment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Balang araw. Sabay nalang natin Tatawanan tong nangyare satin.

“At sasabihin naten na “tanga naten na uto tayo nun,kumustahin mo nga at baka kailangan pa nya ng pera.”

Samantala, payo naman ng NBI sa mga tao na huwag maniniwala sa mga investment offer na nagsasabing ibabalik ang kanilang puhunan sa loob ng isang linggo na may tubong 20 porsiyento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magduda na raw kapag may mga nag-aalok ng mga ganitong investment.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikko Natividad on losing P4-M to an investment scammer: "Sobra sobrang depression binigay nito saken."
PHOTO/S: Courtesy: @hashtag_nikko on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results