Atom Araullo red-tagged following Lumad docu; gets support from journalists’ groups

by Jet Hitosis
Aug 24, 2020
Kapuso journalist Atom Araullo's latest I-Witness documentary about displaced students of the Lumad tribe is under fire from a government task force and some Indigenous Peoples' leaders taking the same line as the task force.
PHOTO/S: @atomaraullo on Instagram

Biktima ng red-tagging ang broadcast journalist na si Atom Araullo.

Ito ang iginiit ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) nang depensahan nito ang 37-year-old Kapuso journalist laban sa mga kumokondena sa bagong dokumentaryo nito.

Si Atom ay isa sa hosts ng GMA-7 weekly documentary program na I-Witness, substitute anchor sa primetime newscast na 24 Oras, at host ng online news program na Stand for Truth.

Bukod dito, si Atom ay isa ring United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) Goodwill Ambassador.

Kinondena ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ng ilang leaders ng Indigenous Peoples (IP) ang huling I-Witness documentary ni Atom na tungkol sa mga estudyanteng Lumad.

Ipinalabas nitong August 14, sa episode na pinamagatang “Ang Iskul Kong Bakwit," sinundan nito ang buhay ng mga batang Lumad na nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa Kamaynilaan, matapos ipasara ng gobyerno ang mga eskuwelahan nila sa Mindanao.

Continue reading below ↓

Reklamo ng NTF-ELCAC, “replete with gross inaccuracies and outright lies” daw ang dokumentaryo.

Batikos naman ng IP leaders ng Surigao del Sur, “biased” ang documentary. Sa halip daw na talakayin ang tunay na sitwasyon ng mga Lumad, isinulong nito ang "agenda of NPA.”

Sinuportahan ng task force ang argumentong ito ng IP leaders laban kay Atom.

Continue reading below ↓

Ang NPA ay ang New People’s Army (NPA), ang armed wing ng 51-anyos na revolutionary organization na Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

Isinusulong ng gobyerno ang ideyang terrorist group ang NPA.

NUJP AND IFJ BACK ATOM AND I-WITNESS

Mariing inalmahan ng NUJP ang red-tagging—o pilit na pag-uugnay sa NPA—kay Atom.

Ang NUJP ay tatlong dekada nang nagtataguyod ng press freedom sa bansa at kumikilos para protektahan ang kapakanan ng mga miyembro ng media.

Sa official statement ng NUJP nitong August 19, sinabi nitong hindi tamang iugnay ng gobyerno ang isang mamahayag sa grupong itinuturing nitong terorista dahil lang hindi pumabor sa administrasyon ang report nito.

Ayon pa sa NUJP, ang NTC-ELCAC “should stop attempting to control the narrative by vilifying those that present a contrary view.”

Hayagang kinondena ng NUJP ang ginagawa ng task force “to insinuate that the documentary, by going against its point of view, is somehow supporting the ‘enemy.’”

Continue reading below ↓

Ang "enemy" na tinukoy ng NUJP ay ang NPA.

Ito raw, ayon sa NUJP, ang “incredulous tactic” na ginagamit din ng gobyerno laban sa mga kritiko nito—ang iugnay sila sa communist insurgency.

“It is ironic that an agency that professes to defend democracy seeks to stifle freedom of the press and freedom of expression, without which no society can claim to be democratic.

“We stand solidly behind I-Witness, Mr. Araullo, and ‘Ang Iskul Kong Bakwit,’” saad ng NUJP.

Continue reading below ↓

IFJ APPEALS FOR RESPECT TOWARDS MEDIA INDEPENDENCE

Nagpaabot din ng suporta kay Atom at sa I-Witness ang International Federation of Journalists (IFJ).

Umapela ang IFJ sa mga awtoridad sa Pilipinas na irespeto ang independence ng media organizations at ng mga mamamahayag.

Bilang miyembro ng media, binigyang-boses lang daw ni Atom ang mga katutubo bilang isa sa “underrepresented groups.”

Mababasa sa press statement ng IFJ nitong August 21: “The International Federation of Journalists (IFJ) joins its affiliate the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) to denounce the accusation and urge the authorities to respect the independence of media institutions and journalists.

“Journalism’s role is giving voice to underrepresented groups. What the reporter did with the documentary is simply present the challenges of indigenous people.

“IFJ joins NUJP to stand solidly behind I-Witness and Atom Araullo.”

Ang NUJP ay affiliate ng IFJ, na kilalang kumakatawan sa mahigit 600,000 na mamamahayag sa 140 na bansa.

Continue reading below ↓

THE DOCUMENTARY: “ANG ISKUL KONG BAKWIT”

Sa “Ang Iskul Kong Bakwit,” sinabi ni Atom na unti-unting ipinasara ng gobyerno ang Lumad schools sa Mindanao sa kadahilanang hindi pagsunod sa curriculum ng Department of Education (DepEd) at pagkakaroon ng hindi lisensiyadong mga guro.

Iniuugnay rin daw ng militar ang Lumad schools sa rebeldeng NPA.

May bahagi rin sa documentary kung saan ikinuwento ng mga batang Lumad kay Atom ang mga karahasang nararanasan ng kanilang hanay.

Lumad ang tawag sa iba’t ibang grupo ng mga katutubo mula Mindanao.

Puna ng NTF-ELCAC, bakit hindi idinetalye ni Atom ang tunay na kaugnayan ng NPA sa pagpapasara ng Lumad schools, at sa paglikas ng mga katutubo mula sa kanilang komunidad?

Sa Facebook post ng NTF-ELCAC nitong August 17, sinabi ng task force na ginagawang “terrorist training camps” ng NPA ang Lumad schools.

Iyon daw ang dahilan kaya ipinasara ng pamahalaan ang mga eskuwelahan.

Continue reading below ↓

Taong 2018 nang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NTF-ELCAC upang matuldukan na ang limang-dekadang communist insurgency sa bansa.

"PROMOTED THE AGENDA OF NPA"

Sa parehong Facebook post ng NTF-ELCAC, ibinahagi nito ang alegasyon ng IP leader na si Datu Rico Maca na “biased” ang dokumentaryo ni Atom.

Si Maca ang Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) ng bayan ng San Miguel, Surigao del Sur.

Ang isa pang IP leader, quoted sa pagsabing pabor sa "propaganda" ng NPA ang mensahe ng "Ang Iskul Kong Bakwit."

Sa report ng Philippine News Agency (PNA) nitong August 18, quoted si Jawudon Jumar Bucales, IPMR sa bayan ng Lianga, sa pagsabing ang dokumentaryo ni Atom “promoted the agenda of NPA.”

Ang PNA ay isang government agency sa ilalim ni Martin Andanar, ang chief ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Bucales sa PNA: “Unfortunately, the tune of the documentary of Mr. Araullo is not on our side. The show promoted the agenda of the [NPA] and propaganda on their beliefs why they are fighting our government.”

Continue reading below ↓

Nagpadala ng direct message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atom upang hingan siya ng komento sa isyu.

Pero wala kaming natatanggap na sagot hanggang sa mailathala ang report na ito.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso journalist Atom Araullo's latest I-Witness documentary about displaced students of the Lumad tribe is under fire from a government task force and some Indigenous Peoples' leaders taking the same line as the task force.
PHOTO/S: @atomaraullo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results