Watch Now

Nikko Natividad breaks down how he earned the P4M he lost to scammer

by Arniel C. Serato
Aug 25, 2020
Hashtags member Nikko Natividad: "Pag ang artista hindi naka ipon PINAGTATAWANAN NYO. Pag naman nakaipon sasabihin nyo ‘SAN GALING?’”
PHOTO/S: Courtesy: @hashtag_nikko on Instagram

Gigil na gigil ang Hashtags member na si Nikko Natividad sa mga taong kumukuwestiyon kung saan galing ang apat na milyong pisong nadikwat ng isang investment scammer mula sa kanya.

Sa kanyang Twitter kagabi, August 24, napilitan ang actor-dancer na ilahad kung paano siya nakapag-ipon ng malaking halaga mula nang nagsimula siya sa showbiz may limang taon na ang nakararaan.

Nag-ugat ito sa post ng isang tabloid writer na tahasang nagtanong kung bakit mayroon siyang ganun kalaking pera.

Diin ni Nikko, “Lahat ng pera ko pinaghirapan ko. 5yrs kong pinaghirapan sa showbiz at pag nenegosyo. Kaya hindi imposible yun.

“Kung di ka makapaniwala isip ka nalang ng blind item tutal dun ka kumikita sa paninirang puri.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Nikko, pinapatos niya ang anumang klaseng trabaho makaipon lang. Kahit daw umekstra at walang speaking lines sa mga teleserye at pelikula ay tinatanggap niya.

Bukod sa regular stint niya sa noontime show na It's Showtime, naging segment host din siya sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Saad ni Nikko: “Sa mga nagtataka pa, para isahan nalang.

"Gumigising ako madaling araw para mag @ukg tapos deretcho @itsShowtimeNa

“Tapos tatanggap ako teleserye kahet wala akong linya basta magkatrabaho ako.

“Tapos sideline sa mga pelikula kahet small role wala ako pakealam basta kumita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, pinapatulan din daw niya kahit anong klaseng out-of-town shows at pagbebenta ng kung anu-ano, makadagdag lamang sa ipon.

“Sinusuyod ko mga fiesta mall show bday sa buong pilipinas para rumaket.

“Nagtitinda ako grahams sa abs at sa labas. Bedsheet, sandals at youtube. Ngayon pag nagduda pa kayo may MALI na sainyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“NAKADAPA NA YUNG TAO”

Kahapon, isiniwalat ni Nikko na nabiktima siya at ang kanyang partner na si Ceilo Eusebio ng isang investment scam.

Apat na milyong piso raw ang natangay mula sa kanila.

Isang negosyanteng nagngangalang Shagoptha "Sha" Punzalan, na may lending business at may connection sa online gaming, ang nagtakbo umano ng pera.

Nahuli si Punzalan sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) noong August 14.

Ito ang naghudyat sa pag-amin ni Nikko na naloko sila ni Punzalan.

Inilabas ng Kapamilya talent ang kanyang hinaing ukol dito sa pamamagitan ng Instagram. Dito ay inamin ng binata na dumanas siyang ng depresyon dahil sa nangyari.

Kaya masakit daw sa kanya ang mga paratang at espekulasyon kung saan niya nakuha ang kanyang milyones.

Hamon pa ni Nikko sa mga nagdududa: “Silipan ng ITR.”

Ang ITR o income tax return ay record o katibayan na ikaw ay nagbabayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Nikko sa naysayers: “Nakadapa na yung tao. Pero nginungudngud mu pako. Inano kita?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Himutok pa niya: “Pag ang artista hindi naka ipon PINAGTATAWANAN NYO.

"Pag naman nakaipon sasabihin nyo 'SAN GALING?'”

Sa huli, humingi ng dispensa si Nikko kung naglabas siya ng saloobin sa social media.

“Tama na kalma nako. Pasensya na kayo. Hirap kasi nakadapa nako nginungudngud pako”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtags member Nikko Natividad: "Pag ang artista hindi naka ipon PINAGTATAWANAN NYO. Pag naman nakaipon sasabihin nyo ‘SAN GALING?’”
PHOTO/S: Courtesy: @hashtag_nikko on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results