Supreme Court junks ABS-CBN petition challenging NTC shutdown order

by Arniel C. Serato
Aug 25, 2020
Supreme Court spokesperson Brian Keith Hosaka on ABS-CBN's petition for certiorari and prohibition: "According to the Court, in light of the supervening denial of the pending House Bills for the renewal of ABS-CBN Corporation’s legislative franchise on July 10, 2020, the Court finds it appropriate to dismiss the case on the ground of mootness.” Inanunsiyo ang desisyon ng Korte Suprema nito lang August 25, 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Moot and academic, sabi ng Korte Suprema.

Ibinasura ng Supreme Court (SC) en banc ang ABS-CBN petition for certiorari at prohibition para makakuha ng temporary restraining order (TRO) laban sa cease and desist order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC).

Inihain ito ng broadcast giant sa Korte Suprema noong May 7, dalawang araw matapos maglabas ang NTC ng shutdown order noong May 5 laban sa ABS-CBN.

May 4, 2020 nagtapos ang 25-year legislative franchise ng ABS-CBN na iginawad ng Kongreso noong 1995.

Ayon sa pahayag na inilabas ni SC Spokesperson Brian Keith Hosaka ngayong Martes, August 25, nagkasundo ang lahat ng mga mahistradong present sa session na ibasura na ito.

Ito ay dahil “moot and academic” na raw ang petisyon o nawalan na ng saysay dahil natapos na o wala nang dapat pang desisyunan.

Nabasura na kasi ang aplikasyon ng panibagong prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso noong July 10, 2020.

August 25, 2020 na nang lumabas ang judgment ng Korte Suprema.

Saad ni Hosaka, "According to the Court, in light of the supervening denial of the pending House Bills for the renewal of ABS-CBN Corporation’s legislative franchise on July 10, 2020, the Court finds it appropriate to dismiss the case on the ground of mootness.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa sa pahayag ng tagapagsalita ng Korte Suprema, "Because of this supervening event, there is no actual substantial relief which ABS-CBN Corporation would be entitled to regardless of the Court’s disposition of the merits of the Petition."

Ibig sabihin, katigan man ng Korte ang petisyon ng ABS-CBN, huli na ito.

Si Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe ang Member-in-Charge na nagsulat ng desisyon.

Kasalukuyang naka-leave si Justice Priscilla Baltazar-Padilla.

Continue reading below ↓

Kahit maghain pa ng motion for reconsideration ang ABS-CBN Corporation sa desisyong ito ng Mataas na Hukuman, wala rin daw itong patutunguhan dahil hindi nagbabaligtad ang Supreme Court ng unanimous vote sa kanilang mga desisyon.

THE ABS-CBN FRANCHISE BID SAGA

Kalagitnaan ng 2019, uminit ang usapin tungkol sa panibagong aplikasyon ng ABS-CBN ng kanilang prangkisa nang hindi ito matalakay ng House Committee on Legislative Franchises sa pag-adjourn ng huling session ng 17th Congress noong June 11, 2019.

Ayon pa sa ilang sources noon, hindi raw aaksiyunan ng committee ang anumang panukalang batas na may kaugnayan sa franchise renewal ng ABS-CBN hangga't hindi naaayos ang reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa istasyon.

Banggit pa ng isang source, “They have to thresh out and resolve their issues with the President. That's the key to get the bill moving."

Hayagang sinabi ng Pangulo sa ilan sa kanyang mga talumpati noon na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil ginantso diumano siya ng network noong 2016 presidential elections.

Continue reading below ↓

Hindi raw kasi inere ng network ang kanyang political ad kahit bayad na ito.

Nang magsimula ang 18th Congress noong July 22, 2019, lampas sa sampung panukalang batas ang inihain ng mga mambabatas na naglalayong mabigyan ng panibagong prangkisa ang network.

Pero hindi natalakay ang mga ito sa Kongreso kahit nangako si House Speaker Alan Peter Cayetano na bibigyan nila ng karampatang oras ang pagdinig ukol sa prangkisa ng Kapamilya network.

Dumating ang taong 2020, hindi pa rin napag-usapan sa Kongreso ang mga panukalang batas na ito.

Hanggang sa nagkaroon ng trahedya sa bansa dulot ng Taal Volcano eruption noong January 12.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Cayetano na may sapat pang panahon para mapag-usapan ito sa komite ng Kongreso.

Dumating ang Pebrero, naghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General (OSG), sa pamamagitan ni Solicitor General Jose Calida, sa Supreme Court upang bawiin ang prangkisa ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nakitaan daw kasi nila ng paglabag ang network sa ilang probisyon ng kanilang franchise to operate.

May 5, nagpaalam sa himpapawid ang ABS-CBN dahil sa CDO na inihain ng NTC.

May 25, sinimulan ng Kongreso ang pagtalakay sa franchise application ng ABS-CBN.

Sa mga isinagawang pagdinig ay ginisa nang husto ng ilang mga mambabatas ang executives at ilan pang kinatawan ng ABS-CBN kaugnay ng mga akusasyong ibinabato laban sa network.

Sa kabila ng pagtanggi at paglilinaw ng ABS-CBN representatives at iba't ibang ahensiya ng gobyerno, tuluyan pa ring ibinasura ng Kongreso ang aplikasyon ng network sa botong 70-11.

Sa Lunes, August 31, halos 90 porsiyento ng ABS-CBN workfore ang tuluyan nang magpapaalam sa kanilang trabaho sa istasyon dahil sa malawakang retrenchment.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Supreme Court spokesperson Brian Keith Hosaka on ABS-CBN's petition for certiorari and prohibition: "According to the Court, in light of the supervening denial of the pending House Bills for the renewal of ABS-CBN Corporation’s legislative franchise on July 10, 2020, the Court finds it appropriate to dismiss the case on the ground of mootness.” Inanunsiyo ang desisyon ng Korte Suprema nito lang August 25, 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results