Senators Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian push for Ramon Revilla Sr. as National Artist

by Jet Hitosis
Aug 26, 2020
For Senators Manny Pacquiao (left) and Sherwin Gatchalian (right), the late film icon and former Senator Ramon Revilla Sr. (center) is "an embodiment of talent, intelligence, and artistry that makes him befitting of the title of National Artist."
PHOTO/S: @mannypacquiao, @stgatchalian74 on Instagram, PEP file

Hinihikayat ang Senado na irekomenda ang namayapang actor-producer at dating senador na si Ramon Revilla Sr. bilang National Artist for Film.

Naghain ng magkahiwalay na resolusyon sina Senator Manny Pacquiao, 41, at Senator Sherwin Gatchalian, 46, para i-nominate ng Senado si Revilla sa Order of the National Artist screening committee.

Sa Senate Resolution No. 477 ni Pacquiao, na inihain noong July 27, 2020, kinilala niya si Revilla bilang “renowned entertainment icon, actor, producer, writer and director, and a public servant” na ang kontribusyon sa larangan ng sining ay hindi raw matatawaran.

Dagdag ni Pacquiao, “Through the years, he has contributed immensely in the development of Philippine art. His movies depicted not only the Filipino way of life, but also our unique culture and strong ideas.”

Binigyang-diin naman sa Senate Resolution No. 482 ni Gatchalian, may petsang July 29, 2020, na ang kontribusyon ng dating senador "to Philippine society in general and to the Philippine entertainment in particular should not go unrecognized as he is a genuine gem who contributed much to the proliferation and appreciation of the arts in our country.”

Continue reading below ↓

Incumbent senator ang anak ni Revilla na si Ramon “Bong” Revilla Jr.

FILM ICON: “HARI NG AGIMAT”

June 26, 2020 nang pumanaw si Revilla dahil sa heart failure, sa edad na 93.

Nagbida siya sa mahigit 70 pelikulang produced ng kanyang film company, ang Imus Productions.

Si Revilla rin ang scriptwriter ng mga pelikula niyang tungkol sa pakikipaglaban sa kakatwang mga nilalang gamit ang agimat—ang Pinoy version ng pagkakaroon ng superhuman powers.

Dahil dito, binansagan si Revilla sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang “Hari ng Agimat.”

Kabilang sa mga pelikula niya ang Nardong Putik: Ang Kilabot ng Kabite (1972), Pepeng Agimat: Sa Daigdig ng Kababalaghan (1973), Hulihin si Tiagong Akyat (1973), Tonyong Bayawak (1979), Pepeng Kuryente (1988), at Ang Mahiwagang Daigdig Ni Elias Paniki (1989).

Nanalo siya ng FAMAS Best Actor Award para sa Hulihin si Tiagong Akyat noong 1973.

Taong 2011 naman nang tumanggap si Revilla ng Lifetime Achievement Award sa 33rd Catholic Mass Media Awards Night.

Nagsilbi siyang senador simula 1992 hanggang 2004.

Sakaling maaprubahan, mapapahanay si Revilla sa iba pang National Artists for Film—tulad ng mga direktor na sina Lamberto Avellana, Gerardo de Leon, Manuel Conde, Lino Brocka, at Ishmael Bernal, at ang tinaguriang “King of Philippine Movies” na si Fernando Poe Jr..

THE NATIONAL ARTIST AWARD

Ang Order of National Artist ang pinakamataas na pambansang pagkilala sa mga Pilipinong may dakilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng sining.

Kinikilala ang mga National Artists sa mga kategoryang Music, Dance, Theater, Visual Arts, Fashion Design, Literature, Film and Broadcast Arts, at Architecture and Allied Arts.

Ang National Artists Award secretariat ang tumatanggap ng mga nominasyon kada tatlong taon.

Ang secretariat ay binubuo ng mga kinatawan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ang NCCA at CCP ang bubusisi sa bawat nominasyon para makabuo ng final list na irerekomenda sa Pangulo ng bansa.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito, mag-iisyu ang Pangulo ng presidential proclamation upang opisyal na kilalanin ang bagong National Artist Awardee.

Bukod sa titulong National Artist, ang recipient ng parangal na ito ay tatanggap ng insignia ng Order of National Artist, citation, at PHP100,000 cash sa mga nabubuhay pang awardees. PHP75,000 cash ang sa posthumous awardees.

Entitled din ang nabubuhay na awardee sa buwanang pensiyon at medical at hospitalization benefits, life insurance, at karapatang bigyan ng state funeral at paghihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Nitong July 30, 2020, inihayag ng NCCA at CCP na tumatanggap na ito ng mga nominasyon para sa mga susunod na National Artists ng bansa. Ang deadline ay sa December 15, 2020.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For Senators Manny Pacquiao (left) and Sherwin Gatchalian (right), the late film icon and former Senator Ramon Revilla Sr. (center) is "an embodiment of talent, intelligence, and artistry that makes him befitting of the title of National Artist."
PHOTO/S: @mannypacquiao, @stgatchalian74 on Instagram, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results