No more field work for Bernadette Sembrano: “I was told that I was retrenched.”

Bernadette Sembrano will remain as TV Patrol co-anchor.
by Jet Hitosis
Aug 25, 2020
Kapamilya broadcast journalist Bernadette Sembrano has been with ABS-CBN since 2004, working as a field reporter, program host, and news anchor.
PHOTO/S: Bernadette Sembrano-Aguinaldo on Facebook

Na-retrench si Bernadette Sembrano bilang field reporter ng ABS-CBN.

Ang 44-year-old broadcast journalist mismo ang nag-anunsiyo nito sa video na ipinost niya sa Facebook ngayong Martes ng hapon, August 25.

Hanggang August 31 na lang sa serbisyo ang libu-libong manggagawang na-retrench sa ABS-CBN.

Matapos tuluyang pagkaitan ng Kamara ng prangkisa ang network nitong July 10, napilitan ang kumpanyang magtanggal ng libu-libong empleyado nito.

Kabilang sina Korina Sanchez at Ces Drilon sa kilalang Kapamilya news personalities na unang binitiwan ng ABS-CBN noong nakaraang buwan.

At ngayon ngang Martes, sinabi ni Bernadette na nasisante na rin siya bilang field reporter para sa “Lingkod Kapamilya” segment ng ABS-CBN primetime newscast na TV Patrol.

Sa kabila nito, mananatili si Bernadette bilang co-anchor ng TV Patrol, tuwing weekdays.

THE GOOD NEWS: FILSCAP WELCOMES BERNADETTE

Sa video na ipinost ni Bernadette sa kanyang Facebook page, ikinuwento niyang magtatanghali ngayong Martes nang natanggap niya ang “medyo not so good news."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkataon namang maganda raw ang umagang iyon para sa kanya dahil sa isang “good news.”

Unang ibinahagi ni Bernadette ang good news: “We are awaiting our membership sa FILSCAP.”

Ang FILSCAP ay ang Filipino Society of Composers, Authors and Publishers.

“Grupo siya ng mga Filipino composers and songwriters,” paliwanag ng broadcaster.

“Another big surprise, right?” nakangiting sabi niya.

Kamakailan ay sumabak sa pagsusulat ng kanta si Bernadette.

Siya ang lyricist ng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” ang theme song ng bagong Kapamilya teleserye na may parehong titulo.

Sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Maricel Soriano ang mga bida sa Ang Sa Iyo Ay Akin.

THE BAD NEWS: “I WAS TOLD THAT I WAS RETRENCHED”

Makalipas ang ilang oras, tinawagan daw si Bernadette ng kanyang boss sa ABS-CBN.

Kuwento niya: “By noontime, I got a call from my superior, sa aking trabaho as a reporter for ABS-CBN.

“Yung mga ginagawa nating field work for Lingkod Kapamilya, iyon yung aking field work na assignment. That’s my staff work.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And I was told that I was retrenched.”

Saglit na huminto ang Kapamilya broadcaster bago nagpatuloy.

“Masakit din,” aniya, at sinabing inaasahan na niyang mawawalan din siya ng trabaho sa ABS-CBN gaya ng ibang empleyado.

“But this isn’t the first time that this happened to me. That I was enjoying the morning, and then pagdating ng hapon, medyo not so good news.”

Ang "Lingkod Kapamilya" ay ang public service segment sa TV Patrol, kung saan itinatampok ang sari-saring pagtulong ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. sa mga nangangailangan.

HOT STORIES

“DAPAT TALAGA SA BUHAY SAKTO LANG”

Sa gitna ng pagpipilit na ngumiti, ibinahagi ni Bernadette ang kanyang realizations sa nangyari.

Napaisip daw siya kung paanong sa loob lang ng ilang oras ay dalawang pangyayari ang makakaapekto sa kanyang buhay.

“Kung may kirot, may kirot. Kung may sakit, may sakit. Ang sabi ko, ‘Ang galing talaga ni God magbalanse ng buhay.’

“Well, ang una kong naisip was, dapat talaga sa buhay, sakto lang. Para alam mo kung kanino pa rin nanggagaling ang totoong kaligayahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi pag sumobra, baka makalimot ka na."

BERNADETTE REMAINS GRATEFUL

Para kay Bernadette, mananatili siyang grateful sa kabila ng mga nangyari.

“And today, I remain grateful,” napangiting sabi niya.

Nagpasalamat si Bernadette sa ABS-CBN sa napakarami niyang natutuhan bilang field reporter.

“Thank you for my many years as a field reporter. I am a changed person because of my field work. I know that every moment I had as a field reporter, wala akong inaksayang panahon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, may isa pang ipinagpapasalamat si Bernadette: “I am also grateful because, officially, I am a songwriter.”

Ang mahalaga raw, ayon kay Bernadette, ay manatiling positibo sa buhay, at ugaliing magpasalamat sa lahat ng tinatanggap na biyaya.

Sa GMA-7 unang nakilala si Bernadette. Siya ang original host ng Kapuso public-service program na Wish Ko Lang!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2004 nang lumipat si Bernadette sa ABS-CBN, kung saan naging host siya ng morning shows na Magandang Umaga, Pilipinas at Umagang Kay Ganda.

Naging reporter din si Bernadette para sa investigative documentary program na The Correspondents, at nag-host ng weekly health program na Salamat Dok.

Kalaunan, nagkaroon rin si Bernadette ng regular radio programs sa DZMM.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya broadcast journalist Bernadette Sembrano has been with ABS-CBN since 2004, working as a field reporter, program host, and news anchor.
PHOTO/S: Bernadette Sembrano-Aguinaldo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results