Pauleen Luna wants to interview, work with idol Sarah Geronimo: “I’m a Popster. Super.”

by Bernie V. Franco
Aug 26, 2020
Now that she has a talk show, Pauleen Luna (left) says her dream interviewee is her idol Sarah Geronimo.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto and @sarahgeronimoshots on Instagram

Hindi naitago ni Pauleen Luna ang pagiging Sarah Geronimo fan niya sa ginanap na press conference ng kanyang daily morning talk show sa TV5.

Si Pauleen, kasama sina Pokwang at Ria Atayde, ang hosts ng Kapatid talk show na Chika, BESH (Basta Everyday Super Happy).

Sa digital presscon noong Martes, August 25, tinanong ang tatlong hosts kung sino ang artistang gusto nilang ma-interview.

Mabilis ang sagot ni Pauleen: “Si Sarah Geronimo. I’m a Popster. Super!”

Popster ang tawag sa mga masugid na tagahanga ni Sarah, 32, na tinaguriang Popstar Royalty.

“Gusto ko talaga siyang ma-interview, especially now that she’s married,” dagdag ni Pauleen, 31.

Ikinasal si Sarah sa aktor na si Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.

Sabi pa ni Pauleen, “It would be nice to ask her how she is, and how is her married life, and all her plans, and it would be nice to interview her.”

Natanong din ang hosts kung sinong mga artista mula sa ibang networks ang gusto nilang makasama sa isang show.

Continue reading below ↓

Mabilis ang tugon ni Pauleen: “Ako pa rin, si Sarah G. My Popster heart. Sarah Geronimo.”

Si Pauleen ay mula sa GMA Network, samantalang prime artist ng ABS-CBN si Sarah.

Dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN, nagsimula nang mapanood ang Kapamilya stars sa ibang TV networks, partikular na ang TV5, na napagsasama ang mga artista ng ABS-CBN at GMA-7.

PAULEEN A CERTIFIED POPSTER

Nang maikasal sina Sarah at Matteo noong Pebrero, may rebelasyon pa si Pauleen na “neighbor” niya ang newlywed celebrity couple.

Nag-post noon si Matteo sa Instagram ng wedding toast nila ni Sarah, at isa sa mga bumati ay si Pauleen.

Komento ng Eat Bulaga! host: “Congratulations neighbor!!!”

Sina Sarah at Matteo ay nakatira sa Alabang.

Continue reading below ↓

May pruweba rin sa mga post ni Pauleen na tagahanga siya ni Sarah.

Noong Enero, nag-post siya ng kanyang video kasama si Baeby Baste, na isinasayaw ang dance steps ng hit song ni Sarah na “Tala.”

Ani Pauleen, nahumaling siya sa kanta ni Sarah.

Pinuri ng celebrity choreographer na si Georcelle Dapat-Sy, aka Teacher Georcelle, si Pauleen.

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Pauleen: “@teachergeorcelle teach!!! Haahaha i’m addicted”

Ipinost din ni Pauleen noong January ang video ng anak na si Tali, dalawang-taong gulang, na isinasayaw ang sikat na kanta ni Sarah.

PAULEEN VS. SARAH

Noong July 2013, sa interview ni Pauleen sa GMA talk show na Tonight with Arnold Clavio, ibinunyag ng aktres na nakalaban niya si Sarah sa isang TV kiddie competition noon.

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Pauleen ang tungkol sa pagsali niya sa "Little Miss Philippines," ang beauty pageant for kids ng Eat Bulaga!, noong 1995.

Anim na taong gulang noon si Pauleen.

“Talunan ako! Thank-you beauty ako,” pagbabahagi ni Pauleen.

Matapos matalo, sumali raw siya sa "Princess Asia," ang kiddie contest ng ‘Sang Linggo nAPO Sila, ang katapat na programa ng Eat Bulaga! sa ABS-CBN.

“'Tapos sumali ako sa kabila, dun sa kalaban,” pagbabalik-tanaw ni Pauleen.

Sa talent portion, inulit daw ni Pauleen ang sayaw niya sa talent portion ng “Little Miss Philippines,” ang “La Cucuracha.”

Pero pinanghinaan daw siya ng loob dahil sa husay ng kanyang kalaban. Kuwento ni Pauleen: “Contestant number two ako. Yung contestant number one, ang galing niya talaga sa talent portion. Nawalan na talaga ako ng pag-asa."

Punchline ni Pauleen: "Alam niyo kung sino ang kalaban ko? Si Sarah Geronimo! E, dapat lang naman talagang manalo siya doon!"

Continue reading below ↓

Biro ni Pauleen, kahit paano, masasabi niyang minsan sa kanyang buhay ay nagkatapat sila ni Sarah.

“Oh, well, at least ngayon masasabi ko na…at one point, magkapantay tayo sa ating mga career! Hahaha!”

Naibahagi rin ni Pauleen sa programa ni Arnold Clavio na bata pa lamang siya ay hilig na niya ang pag-aartista.

“Pero pangarap ko talagang mag-artista. I was always the performer in the family.”

PAULEEN ASKED ABOUT “SUCCESS” OF TALK SHOW

Samantala, sa presscon noong Martes, nausisa si Pauleen kung paano niya masasabing successful na ang kanilang TV5 morning talk show.

Hindi raw kasi maiiwasang ikumpara ito sa mga katapat na shows at mga dating morning talk shows.

Sagot ni Pauleen, “Siguro yung successful na kami, if we really don’t think about competition. If we look inwards instead of outwards.

“I think, masasabi namin na successful kami if kami-kami dito sa show na ito, alam namin na nakakatulong kami and nakakapagbigay kami ng inspirasyon, ligaya, and in our own little way, nakakapagbigay kami ng ngiti sa ibang tao.”

Continue reading below ↓

Bukod sa Chika, BESH, tuloy pa raw si Pauleen sa pagiging co-host ng Eat Bulaga! ng Kapuso network.

Kasama niya rito ang asawang si Vic Sotto, 66.

Malaking adjustment daw para kay Pauleen ang oras dahil parehong daily ang shows niya mula sa magkabilang TV networks.

“Now, I do onscreen na rin [sa Eat Bulaga],” ani Pauleen, na work from home kasama ni Vic.

“Yun naman ang perks ng work from home, nakakasama pa rin natin yung family natin kahit nagtatrabaho tayo.

“I think yun lang ang major adjustment ko, parang now we tape twice a week for Chika, BESH.

“Yung asawa ko kasi, sanay siya na magkadikit kami 24 hours a day, seven days a week, so siguro yung medyo mag-let go siya nang slight.

“He’s very supportive. He lets me be when I want to, do what I wanna do, pero clingy pa rin.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Now that she has a talk show, Pauleen Luna (left) says her dream interviewee is her idol Sarah Geronimo.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto and @sarahgeronimoshots on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results