Maureen Wroblewitz asked: "Is that a hickey on your tummy?"

by Rachelle Siazon
Aug 26, 2020
Asia's Next Top Model Cycle 5 winner Maureen Wroblewitz does not mind showing bruise-like mark on her abs. She just says: "btw that‘s not a hickey I burned myself using my clothing steamer."
PHOTO/S: @mauwrob Instagram

Agaw-pansin ang pagbilad ni Maureen Wroblewitz ng kanyang balingkinitang pangangatawan sa isang summer-inspired photo shoot.

Si Maureen ang Filipino-German model na nanalo sa reality show na Asia's Next Top Model Cycle 5 noong 2017.

Dati rin siyang co-host ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Sa kanyang Instagram post kagabi, August 25, makikitang nakasuot siya ng matching tie-dye crop top at short skirt.

Dito napuna ng netizens na tila may pasa si Maureen sa bandang itaas na bahagi ng kanyang tiyan.

Napaisip daw ang ilan sa kanila kung "hickey" o kiss mark daw iyon.

Tanong ng isang netizen: "is that a hickey on your tummy? LOL."

Segunda ng isa pa: "lol same question."

Sa mga sumunod nilang comments ay napagtanto ng dalawang netizens na peklat at hindi kiss mark ang nasa tiyan ni Maureen.

Sumingit din si Maureen sa kanilang usapan.

Paglilinaw ng Filipina-German model, "hey yeahh I burned myself using my clothing steamer."

Continue reading below ↓


CONCERNED NETIZENS

Isa-isa ring sinagot ni Maureen ang iba pang netizens na nag-alala nang makita ang tila pasa sa kanyang katawan.

"Oh nooo what happened to ur tummy," tanong ng netizen.

Sundot ng isa pa, "what happen to ur stomach? is that a scar?"

Ulit na tanong ng isa pa, "Is that your scar po ba?"

Continue reading below ↓

May kalakihan din ang peklat sa tiyan ni Maureen.

Pero kung nasaktan man siya nang aksidenteng paso ng mainit na clothing steamer, tinawanan na lang ito ng dalaga ngayon.


MAUREEN POSTS DISCLAIMER ABOUT HER SCAR

Para klaro sa kanyang followers, in-edit ni Maureen ang caption ng kanyang Instagram post at sinabi niya ritong hindi kiss mark ang nasa tiyan.

Continue reading below ↓

"no i didn’t find what i was looking for," tukoy ni Maureen sa kanyang camera pose na tila may tinatanaw sa di kalayuan.

Dagdag niya kalakip ng laughing with tears emoji, "btw that‘s not a hickey I burned myself using my clothing steamer."

May humirit pang netizen kung ano raw ba ang hinahanap ni Maureen.

Kuwelang biro ni Maureen, "my boobies."

Continue reading below ↓

TAGGING JK LABAJO

Kapansin-pansin ding naka-tag sa post ni Maureen si JK Labajo, na waring nagsilbing photographer para sa pictures ng dalaga.

Noon lamang Marso tuluyang inamin nina Maureen at JK na sila ay magkasintahan.

Kinakiligan ng kanilang followers ang TikTok videos kung saan ipinahiwatig ni Maureen na first boyfriend niya si JK.

Si Maureen ay 22 years old habang si JK naman ay 19.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Next Top Model Cycle 5 winner Maureen Wroblewitz does not mind showing bruise-like mark on her abs. She just says: "btw that‘s not a hickey I burned myself using my clothing steamer."
PHOTO/S: @mauwrob Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results