Clint Bondad on chapter with Catriona Gray: "it's over"; posts photos of mystery woman

by Bernie V. Franco
Aug 27, 2020
Filipino-German model-actor Clint Bondad (center) responds to netizens making comments about him and his former girlfriend, Miss Universe 2018 Catriona Gray (left). Clint also posts photos of a mystery woman (right) who he refers to as "Goddess Hera."
PHOTO/S: Instagram

Sinagot ni Clint Bondad ang mga netizens na patuloy na nag-uugnay ng pangalan niya sa dating girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Maayos ang pagsagot ni Clint sa isang netizen na kumutya sa kanya, habang inis na iginiit niya sa isa pang netizen na tapos na ang lahat sa kanila ni Catriona.

Kinumpirma ni Catriona ang paghihiwalay nila ni Clint noong February 2019, matapos ang anim na taong relasyon.

Dalawang buwan pa lang noon ang nakalilipas mula nang hiranging Miss Universe si Catriona.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa Thailand si Clint at nasa poder ni Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip, na may reputasyon bilang Thai transwoman billionaire.

Bagamat iniintriga ang dalawa, naninindigan si Anne na magkapatid ang turingan nila ni Clint, na isa raw corporate talent ng media company ni Anne.

Bago maging talent ni Anne, nakagawa ng teleserye si Clint sa GMA Network noong 2019, ang Love You Two, na pinagtambalan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Si Anne ang chief executive officer ng JKN Global Media Public Company Limited, isang global content provider at channel operator ng iba't ibang TV series at movies.

Bahagi ng kanyang trabaho ay pagiging distributor sa Thailand ng ilang teleserye mula sa GMA-7 at ABS-CBN.

Samantala, inanunsiyo ng ABS-CBN actor na si Sam Milby noon lamang Mayo na magkarelasyon sila ngayon ni Catriona.

CLINT COMMENTS on CATRIONA

Nito lang Martes, August 25, ipinost ni Clint sa Instagram ang larawan niya kasama si Anne, dalawang bata, at isang di-kilalang lalaki.

Agaw-pansin ang sumunod na entries sa comments section, kasama na ang pangungutya sa Filipino-German model turned actor.

May malisyosong komento tungkol sa pagpatol daw ni Clint sa mayamang transwoman: “From a real woman to a lesser woman but has $$”

Banat ni Clint (published as is): “don’t call yourself Christian. Yiu are a 100% fake”

Ang tinutukoy ni Clint ay ang description ng netizen sa kanyang account profile na isa itong Kristiyano.

Continue reading below ↓

Pang-aalipusta pa rin ang inabot ni Clint sa isa pang comment. Pinuna rito ang katinuan ni Clint at hiniritan siya tungkol sa pang-iiwan daw sa kanya ni Catriona.

Komento ng netizen: “Insane. No wonder why Queen Catriona broke up with you.”

Malumanay ang sagot ni Clint. Aniya, naaawa siya sa netizen. Handa raw niyang tulungan ang netizen para ayusin ang sarili.

Continue reading below ↓

Inalok pa ni Clint dito ang serbisyo niya, na tila gustong tahakin ang pagiging fitness guru.

Published as is: “I feel sorry 4 you. You look like yiu laxk energy all the time. Ask yourself. Would you pee yoir pants if I were to appear infront of yiu?

“buy my teaching. I will make it free partly even… You can workout and start feeling yourself again!

“truly mean it… Love you”

Continue reading below ↓

Inanunsiyo rin ni Clint na maglalabas siya ng fitness routines via YouTube para matulungan ang iba.

Naging sunud-sunod naman ang sagot ni Clint sa isang netizen na nagsabing gusto nitong magkatuluyan pa rin sina Clint at Catriona.

Iritableng iginiit ni Clint na tapos na ang lahat sa kanila ni Catriona at huli na sa balita ang netizen.

Narito ang mga sagot ni Clint: “hahahahahahaha duuuuuuuuuuuuude. PLEASE XAN SIMEONEEE HELLP MEE??

“NO! it’s over. Dine fin. And u need a brain upgrade! F---g taking 2 f---g long”

Continue reading below ↓

Nang aminin ni Catriona ang paghihiwalay nila ni Clint noong Pebrero 2019, may ilang araw na sunud-sunod ang posts ni Clint.

Inako ni Clint ang kasalanan sa kanilang paghihiwalay, ngunit tila ibinalik naman kay Catriona ang problema. Naghiwalay raw sila dahil hinayaan ni Clint na umikot ang mundo niya sa dating kasintahan.

does CLINT have a new girlfriend?

Kamakailan lang, makahulugan ang posts ni Clint tungkol sa isang babaeng hindi niya pinangalanan.

Nag-post si Clint noong Lunes, August 24, ng larawan ng seksing babaeng hindi kita ang mukha.

Pero kita ang nararamdaman ni Clint sa kanyang caption: "My Mama Mia [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Kinabukasan, Martes, nag-post si Clint ng selfie niya na naka-topless at ng babae na nakasuot ng seksing puting damit.

Bahagyang natatakpan ng cell phone ang mukha ng babae.

Caption ni Clint: "Young Zeus & Goddess Hera Our kids will have Olympic God Names."

Sa Greek mythology, sina Zeus at Hera ay mag-asawang gods na namumuno ng Mount Olympus.

Continue reading below ↓

Sa comments section, may mga nagtanong sa kaugnayan ni Clint sa mystery girl.

Hindi tinumbok ni Clint ang estado ng kanilang relasyon, pero sinabi niyang matagal na niyang kilala ito.

Tinanong ng isang netizen kung girlfriend niya ito.

Sagot ni Clint: “we kinda know eachother 4 a long time already.”

Sabat ng netizen, sa wakas ay nahanap na raw ni Clint ang kanyang "perfect one."

Sagot ni Clint: “she all my fetishes in ONE PERSON..”

Continue reading below ↓

Pang-uusisa ng isa, modelo raw ba ito at taga saang bansa?

Ani Clint: “international one”

Giit na tanong ng isa, "Is she you gf?"

Sagot ni Clint: “my Domina,” na tumutukoy sa isang babaeng may mataas na posisyon sa lipunan.

Tila nais iparating ni Clint na mataas ang tingin niya sa hindi pa kilalang babae.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-German model-actor Clint Bondad (center) responds to netizens making comments about him and his former girlfriend, Miss Universe 2018 Catriona Gray (left). Clint also posts photos of a mystery woman (right) who he refers to as "Goddess Hera."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results