Ogie Diaz-MJ Felipe DZMM radio show goes off air

by Arniel C. Serato
Aug 27, 2020
MJ Felipe (right) announces on Instagram the cancellation of his radio show with Ogie Diaz (left): "Next month, would have been my 7th year in DZMM, hosting the weekly entertainment radio program OMJ with @ogie_diaz. Today, I received a call informing me that our show will no longer continue."
PHOTO/S: Courtesy: DZMM Teleradyo on Facebook

Tuliyan nang kinansela ang radio show na OMJ nina Ogie Diaz at MJ Felipe sa DZMM.

Showbiz-oriented ang palabas na ito na narinig sa DZMM at napanood sa Teleradyo tuwing Sabado ng gabi.

Nagkaroon din ito ng online version sa Facebook, pero hindi ito station produced.

Sa kanyang Instagram kahapon, August 26, inanunsiyo ni MJ na dapat ay magpipitong taon na siya at ang programa nila ni Ogie sa DZMM.

Saad ng TV Patrol reporter, "Next month would have been my 7th year in DZMM, hosting 'OMJ' w/ @ogiediaz.

"Today, I received a call informing me that our show will no longer continue.

"RADIO has a different kind of discipline. A discipline that I embraced for six years."

Bago ng DZMM, nagkasama na rin sa isang showbiz-oriented show sa DZXL ang dalawa.

Ani MJ, "Since 2006, tandem na kami ni Kuya Ogie even sa DZXL days namin.

"Kabisado na namin ang timing at punchline ng isa't isa. Learned a lot.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, nagpasalamat si MJ sa DZMM management at staff sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

"Grateful and thankful to DZMM management for the TRUST.

"It could have been given to someone else, but they gave that hosting slot to me."

Pati sa loyal listeners at viewers nila ay nagbigay-pugay si MJ.

Mensahe niya, "At sa lahat ng aming masugid na tagapakinig. Salamat.

"Hanggang sa muli, tayo ay magkakarinigan ulit in God's good time. Radio is heart."

Continue reading below ↓

Wala pang post si Ogie ukol dito.

NEW PROGRAMS

Sa August 31, sampung porsiyento na lamang ng workforce ng ABS-CBN Corporation ang matitira dahil sa malawakang retrenchment.

Ito ay kasunod ng pagbasura ng Kongreso, bilang pagtalima sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ibasura ang franchise application ng Kapamilya network noong July 10, 2020.

Pati ang mga bigating personalidad ng DZMM ay nawalan na rin ng programa at trabaho.

Ilan sa kanila ay sina Gerry Baja at Anthony Taberna ng Dos Por Dos; si Dra. Bless Salvador ng Dra. Bless @ Ur Serbis; sina Jeff Canoy, Ted Esguerra, at Mahar Lagmay ng Red Alert (Response In Emergencies and Disasters); at si Bro. Jun Banaag ng Dr. Love.

Sa kabila nito, may mga bagong programa ang Teleradyo na sisimulan sa darating na weekend.

Ito ay ang Telebalita nina Julius Babao at Zen Hernandez (Saturday and Sunday, 7-8 a.m.); Your Daily Do’s, isang wellness program na ihu-host nina Luisa Puyat at Harris Acero (8-9 a.m.); at ang Winner Sa Life ni Winnie Cordero (9-10:30 a.m.).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MJ Felipe (right) announces on Instagram the cancellation of his radio show with Ogie Diaz (left): "Next month, would have been my 7th year in DZMM, hosting the weekly entertainment radio program OMJ with @ogie_diaz. Today, I received a call informing me that our show will no longer continue."
PHOTO/S: Courtesy: DZMM Teleradyo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results