Ex-CBCP President Oscar Cruz succumbs to COVID-19 complications

by Jet Hitosis
Aug 27, 2020
Lingayen-Dagupan Pangasinan Archbishop Socrates Villegas (right) kisses the coffin containing the cremated remains of retired Archbishop Oscar Cruz (left) at the St. John the Evangelist Cathedral in Dagupan City on Wednesday evening, August 26.
PHOTO/S: CBCP News on Facebook

Pumanaw ang dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president na si Archbishop Oscar Cruz, 85, dala ng kumplikasyon ng COVID-19.

Kinumpirma ito ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa isang Facebook post ilang oras matapos sumakabilang-buhay ang walungpu't-limang taong retiridong arsobispo nitong Miyerkules ng umaga, August 26.

Ayon sa post ni Villegas, “multi organ failure caused by critical COVID19 infection” ang ikinamatay ni Cruz, habang ginagamot sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Sinabi ni Villegas, 59, na alinsunod sa health protocols, kaagad ike-cremate ang labi ni Cruz.

Pagkatapos ng cremation, dadalhin ang labi ni Cruz sa Cathedral of Saint John the Evangelist sa Dagupan City, Pangasinan.

Si Cruz ay Archbishop Emeritus ng Lingayen-Dagupan sa Pangasinan simula 1991 hanggang sa magretiro siya noong 2009.

Si Villegas ang humalili sa puwesto ni Cruz labing-isang taon na ang nakalipas.

ARCHBISHOP CRUZ’S INTERMENT ON AUGUST 28

Sa update ng CBCP News ngayong Huwebes, August 27, nasa Cathedral of Saint John the Evangelist na sa Dagupan ang cremated na labi ni Cruz.

Continue reading below ↓

Dumating ito sa cathedral nitong Miyerkules ng gabi.

Ngayong Huwebes, maghapong nagdaos ng misa sa simbahan para kay Cruz.

Dinaluhan ito ng mga Katolikong nagbigay-pugay sa arsobispo.

Dakong 9:00 ng umaga bukas, Biyernes, August 28, idaraos ang funeral mass sa cathedral.

Alinsunod pa rin sa health protocols kaugnay ng COVID-19 pandemic, sinabi ni Villegas na tanging ang pamilya ni Cruz, mga pari, at mga obispo ang dadalo sa funeral mass.

Continue reading below ↓

May livestreaming naman sa social media ang liturgical rites, at doon makakapanood ng seremonya ang publiko, ayon kay Villegas.

Pagkatapos ng misa, ilalagak ang cremated remains ni Cruz sa Santuario de San Juan Evangelista sa Dagupan.

THE PROTÉGÉ OF CARDINAL SIN

Sa Balanga, Bataan, isinilang si Cruz noong November 17, 1934.

Continue reading below ↓

Nag-aral siya sa University of Santo Tomas Central Seminary at sa Lateran University sa Rome hanggang sa maordinahan bilang pari noong 1962.

Naging auxiliary bishop si Cruz ng Maynila, kung saan naging protégé siya ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Si Sin ang isa sa mga nanguna sa EDSA People Power Revolution, na nagpatalsik sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong February 25, 1986.

Naging arsobispo si Cruz ng San Fernando, Pampanga, at arsobispo ng Pangasinan, hanggang sa humawak siya ng matataas na posisyon sa CBCP.

Naging CBCP president si Cruz simula 1995 hanggang 1999.

Sa ilalim ng pamumuno ni Cruz, aktibong naglalabas ng official statements at pastoral letters ang CBCP sa paninindigan nito tungkol sa maraming social at political issues sa bansa.

Kabilang sa mga usaping ito ang Charter Change, Mindanao peace process, at kurapsiyon sa gobyerno.

OUTSPOKEN CHURCH FIGURE VS PHILIPPINE PRESIDENTS

Nang bumaba sa puwesto mula sa CBCP, mas naging agresibo si Cruz sa pagbabantay sa pinakamatataas na opisyal ng gobyerno.

Continue reading below ↓

Regular na binabatikos noon ni Cruz si dating Pangulong Joseph Estrada (1998-2001) dahil sa illegal numbers game na jueteng. Jueteng din ang naging dahilan sa pagkaka-impeach at pagbaba sa puwesto ni Estrada noong 2001.

Isa rin si Cruz sa pinakamatitinding kritiko ni former President Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010) dahil sa sari-saring alegasyon ng kurapsiyon.

Nakabangga naman ni Cruz si dating Pangulong Noynoy Aquino (2010-2016) dahil sa Reproductive Health (RH) Bill, na mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko.

Bukod dito, isa si Cruz sa nag-endorso sa impeachment complaint laban kay Aquino noong 2014, kaugnay ng anomalya sa budget-spending program nitong Disbursement Acceleration Program (DAP).

Si Cruz din ang isa sa mga unang umalma sa serye ng patayan sa kontrobersiyal na anti-illegal drugs campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, na naging bukambibig bilang Tokhang.

Hindi lang mga presidente ng bansa ang binabatikos ni Cruz.

Pinangunahan din ni Cruz ang imbestigasyon laban sa mga kapwa niya obispong sangkot sa katiwalian noong 2011, at pagsisiyasat sa isang pari na inakusahan ng sexual misconduct noong 2017.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lingayen-Dagupan Pangasinan Archbishop Socrates Villegas (right) kisses the coffin containing the cremated remains of retired Archbishop Oscar Cruz (left) at the St. John the Evangelist Cathedral in Dagupan City on Wednesday evening, August 26.
PHOTO/S: CBCP News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results