Sarah Balabagan to Arnold Clavio: “Magpakalalaki ka. Aminin mo yung ginawa mo sa akin.”

by Bernie V. Franco
Aug 27, 2020
Sarah Balabagan on revelation that Arnold Clavio is the father of her 21-year-old daughter. “Nasa kanya na iyon kung aaminin niya. Huwag lang niya idi-deny. Pag idinenay niya, ibang usapan na iyon.”
PHOTO/S: Facebook (Sarah Balabagan) / @akosiigan on Instagram

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik si Arnold Clavio, 54, tungkol sa rebelasyon ni Sarah Balabagan, 41, na may anak sila ng beteranong GMA News broadcaster.

Ito marahil ang dahilan kaya hinamon ni Sarah si Arnold na "magpakalalaki" at aminin na meron silang anak.

Isang pasabog ang pinakawalan ni Sarah sa kanyang Facebook Live noong August 21, Biyernes.

Direkta niyang pinangalanan si Arnold na ama ng kanyang panganay na anak na babae, na beinte-uno anyos na raw ngayon.

Si Sarah ay isang dating overseas Filipino worker sa United Arab Emirates (U.A.E.).

Noong 1994, napaslang ng 14-anyos na si Sarah ang kanyang amo dahil tinangka siyang pagsamantalahan nito.

Si Arnold, na noon ay reporter ng GMA News, ang tumutok sa kaso ni Sarah.

Batay sa kwento ni Sarah, pagkatapos ng coverage ng kaso niya ay nagpatuloy ang ugnayan nila ni Arnold.

Nauwi raw ito sa isang lihim na relasyon, sa kabila ng pagiging pamilyado ni Arnold.

Continue reading below ↓

Ayon kay Sarah, nagtagal ang relasyon nila ni Arnold mula 1996 hanggang 1997.

Nagbunga ang kanilang relasyon ng isang anak na babae.

SARAH TELLS ARNOLD: "MAGPAKALALAKI KA."

Sa kanyang Facebook Live ay mahinahon si Sarah at buong pagpapakumbabang humingi ng tawad sa misis ni Arnold.

Sinabi rin ni Sarah na pinatawad na niya si Arnold at nakapag-move on na siya.

Pero sa exclusive interview sa kanya ni Ben Tulfo sa YouTube channel ng Bitag Live noong Martes, August 25, tila nag-iba ang tono ni Sarah.

Sa isang punto ng interview, binanggit ni Sarah na ngayong nailantad na raw niya ang katotohanan, ang “burden” daw ay na kay Arnold na.

Ani Sarah, desisyon ni Arnold kung aamin siya, huwag lang niyang itatanggi na may anak sila ni Sarah.

“Aminin ni Arnold o magsalita siya, wala na po akong ano… basta ang importante, naipasa ko na yung burden sa kanya.

“Nasa kanya na iyon kung aaminin niya. Huwag lang niya idi-deny. Pag idinenay niya, ibang usapan na iyon.”

Continue reading below ↓

Sinundot ito ng tanong ni Ben kung gusto ba ni Sarah na umamin sa publiko si Arnold tungkol sa kanilang anak.

Tanong ng broadcaster: "So do you expect na this time nasa burden na, nasa balikat na ni Arnold? Na aminin na sa publiko na ‘Anak ko si Ara.' May anak. 'Please say it, she’s my daughter.'"

Dito sumagot si Sarah ng mabilis na: "Yeah. Magpakalalaki na siya, hello.

"Twenty-two years na yung ibinigay kong pagkakataon sa kanya, and I hope and pray na ready na siya."

Sa tagal ng panahong iyon, dapat daw ay naihanda na ni Arnold ang sarili na lalabas din ang katotohanan.

Mensahe pa ni Sarah, “Arnold, tutal, twenty-two years naman na ang nakakaraan. Binigyan kita ng pagkakataon. Nakinig ako sa iyo.

“So, ngayon, it’s about time na iklaro ko na at sabihin sa mga tao na ikaw nga ang ama, para ma-clear ang mga pangalan ng mga tao na itinuturo ng iba na sila ang ama ni Ara.

Continue reading below ↓

“At the same time, tutal malaki na yung anak natin, 21 years old, at malaki na rin ang mga anak mo.

“And I’m sure ready ka na emotionally, mentally, para harapin yung ginawa mo sa akin.”

Sa panayam niya sa Bitag, nagpahiwatig si Sarah na "minanipulate" siya ni Arnold, na hindi niya ginawang isyu sa kanyang original video. Hindi rin naman siya nagdetalye tungkol dito sa programa.

Saad niya, “Pasalamat ka dahil after twenty-two years… aminin mo na lang. Magpakalalaki ka. Aminin mo yung ginawa mo sa akin.

“Hindi ko sasabihin kung ano, kung paano mo ako minanipulate.”

Ayon pa kay Sarah, hindi siya nagmamalinis sa nangyari sa kanila ng broadcaster.

“Hindi ko idya-justify kung ano yung mga ginagawa ko, o kung paano nangyari yung mga pagkakamali ko.

“Pero sasabihin ko lang ang totoo… na ikaw ang ama ni Ara,” pagtukoy niya sa anak nila ni Arnold.

Sa Facebook Live ni Sarah noong August 21, sinabi niyang mahigpit ang bilin sa kanya ni Arnold na huwag ipaalam sa iba ang kanilang ugnayan.

Continue reading below ↓

Pumayag din daw si Sarah, na noon ay 17 anyos.

HOT STORIES

SARAH CLAIMS ARNOLD REFUSED TO GIVE HIS CONTACT INFORMATION

Ayon kay Sarah, walang direktang komunikasyon ang kanyang anak kay Arnold dahil ayaw raw ibigay ng Saksi news anchor ang contact information nito.

Dumadaan daw muna sila sa ina at kapatid ni Arnold para makausap ni “Ara” ang ama.

Pero nagkikita at nagkakausap daw ang mag-ama.

Lahad ni Sarah sa panayam niya kay Ben Tulfo, “Wala silang direct communication kay Arnold dahil ayaw ibigay ni Arnold yung number niya.

“Pero kapag may mga request iyon [Ara], kailangan dumaan kami doon sa nanay niya [Arnold] o di kaya sa kapatid niya, at sila yung nagre-relay kay Arnold.

“Kung gustong makita ng bata si Arnold, ganoon din, ipinapaalam sa kanila, and then ina-arrange na magkita yung mag-ama.”

Inamin naman ni Sarah na ayaw ng anak na lumantad siya at pangalanan si Arnold.

“Ayaw po niya lumabas ako. Alam niyo, nung nagkikita sina Arnold at si Ara, sinabihan siya ni Arnold, ‘Kapag nagsabi sa public ang mama mo, makukulong ako.’

Continue reading below ↓

“So, ngayon, yung anak ko, nasa kanya [Arnold] yung simpatiya, kaya ayaw ng anak ko na magsalita ako.”

Hinintay raw ni Sarah na tumuntong sa tamang edad ang kanyang anak at saka siya nagsalita.

Inusisa ni Ben si Sarah kung bakit nasabi ni Arnold sa anak na "makukulong ako."

Paliwanag ni Sarah, “Seventeen years old lang po ako nung mabuntis ako ni Arnold... Kaya alam ni Arnold na kapag nagreklamo ako, o di kaya nag-open ako sa media, at inamin ko na siya ang ama, alam niya na may kalalagyan siya.

“So siguro, kaya pinangunahan na niya po yung anak ko.”

Young Sarah Balabagan and Arnold Clavio

Continue reading below ↓

Kumusta ang relasyon ng kanyang anak kay Arnold?

Ayon kay Sarah, “Okay naman” sila.

“Pag nagkikita naman po kasi, once in a blue moon lang sila magkita. I think okay naman po.”

Pero pakiramdam daw ni Sarah, may mga pagkakataong nangungulila noon ang anak at nais nitong makasama ang ama.

Lahad niya, “Napi-feel ko po na malungkot yung anak ko, like po, nung high school graduation niya, hindi niya [Ara] ibinigay sa akin yung address, yung invitation, for the parents nung school.

“Kasi iniisip niya siguro na pag di ako pumunta, pupunta yung tatay. E, hindi naman talaga pupunta yung tatay niya. Kaya di po ako nakapunta sa graduation niya.

“So, yung mga ganoong sitwasyon po, alam ko po na yung anak ko, siyempre po, naglo-longing po ng tatay.”

NO POLITICAL AGENDA

Itinanggi ni Sarah na may halong pamumulitika ang kanyang ginawang rebelasyon.

Hindi kasi maiwasang bigyang kulay ng iba ang ginawang paglantad na inabot ng mahigit 20 taon.

Continue reading below ↓

Ang iba, inaakusahang paninira raw ito kay Arnold dahil sa pagiging vocal ng TV-radio personality laban sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Sarah na bago siya lumantad, kinausap muna niya ang kanyang asawa at pamilya para ihanda ang mga sarili dahil hindi lahat ay papaburan siya.

Inasahan na raw niyang pupunahin siya, lalo na ng mga tagasuporta ni Arnold.

“May mga fans siya, may mga supporters siya, at gagawa nang gagawa…kung noon nga, e, kung anu-ano ang sinasabi nila.”

Giit ni Sarah, ngayon ang nakita niyang tamang pagkakataong magsalita, matapos lumabas sa social media ang meme tungkol sa tunay na ama ng anak.

Ipinost ni Sarah ang meme na ito sa kanyang Facebook page bago siya nag-Facebook Live.

Sa meme, kinukuwestiyon kung si Arnold ang nakabuntis kay Sarah noong siya ay menor de edad pa.

Si Sarah ay nakatira na ngayon sa U.S. kasama ang kanyang pangalawang asawa at limang anak.

Continue reading below ↓

Aniya, “Eto, nandito na ako sa Amerika, nananahimik ako, may sarili na akong pamilya. 'Tapos, eto na naman, lumabas na naman.

“So, naisip ko din talaga, siguro may kalaban na naman ito [Arnold], kasi ganoon naman po talaga.

“Every time na may kalaban siya, kakalkalin yung isyu sa amin. So, una, naisip ko talaga yung mga anak ko.”

Diin ni Sarah, “Paano na lang kung wala ako sa mundo, may nakalaban siya [Arnold], kakalkalin na naman yung isyu, and then wala na ako to explain?

“Paano naman yung mga anak ko? Baka mamaya gamitin against sa kanila.”

Sa puntong ito, sinabi ni Sarah na ito na rin ang pagkakataon para mahinto ang mga espekulasyon sa kung sino ang nakabuntis sa kanya.

Ang mga napagbintangan noong ama ng ipinagbubuntis ni Sarah ay ang negosyanteng si William Gatchalian, ang yumaong dating Philippine Ambassador to U.A.E. na si Roy Señeres, at ang brodkaster na si Rey Langit.

Continue reading below ↓

Ang totoo raw, ang tatlong taong ito ang mga tumulong nang malaki sa kanya noon.

Si Gatchalian ang umako sa U.S.$40,000 blood money na binayaran ni Sarah nang mahatulan siya.

Si Señeres ang kumupkop kay Sarah nang mabuntis siya, para mapangalagaan ang kanyang reputasyon at ni Arnold.

Si Rey naman ang nakasama ni Sarah sa OFW service program na Biyaheng Langit mula 2000 hanggang 2003.

L-R: William Gatchalian, Roy Señeres, and Rey Langit

Continue reading below ↓

Saad ni Sarah, “Sabi ko nga, naisip ko, I need to do this. Kailangan ko na magsalita, once and for all.

“Wala naman akong sinabing against sa kanya, once more.

"Kung ikinuwento ko pa kung paano niya ako minanipulate, baka lalong masuka yung mga tao na makakaalam o makakapanood.

“Bakit ngayon lang? E, kasi po ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity, e, ngayon lang lumabas uli, e.”

Ayon pa kay Sarah, kung ginusto niya ay matagal na niyang ginamit ang kanyang sitwasyon laban kay Arnold.

Tinanggihan daw ni Sarah noon ang mga pulitikong lumalapit sa kanya para isiwalat ang ugnayan nila ng Kapuso news anchor, kapalit ng pera.

“Nung noon pa po, na nasa Pilipinas po ako, siyempre po, ilang pulitiko ang lumapit sa akin and pinakiusapan ako na ireklamo ko si Arnold Clavio. In return, dodoblehin yung sustento na ibinibigay sa akin ni Arnold o sa anak namin.

"Pero hindi po ako pumayag, dahil ayaw ko pong magamit ako sa pulitika. Kung magpapagamit lang ako sa pulitika, noon pa.

Continue reading below ↓

"So, wala po akong intensiyon kung hindi yung sabihin lang yung katotohanan.”

Labas na raw siya kung anuman ang isyu ni Arnold pagdating sa pulitika. Itinutuwid lang daw niya ang sa tingin niya ay totoo.

Naisip raw noon ni Sarah na lumantad na, pero pinigilan umano siya ni Arnold.

“Dati po kasi kapag nababanggit na gusto ko nang magsabi ng totoo, si Arnold, pinipigilan ako.

"There was a time na lumuluhod pa siya sa akin at sasabihin niya, ‘O, kapag umamin ka, mamumundok na lang ako.’”

Maaawa raw si Sarah at hindi na itutuloy ang planong magsalita.

Pero iba na raw ang sitwasyon niya ngayon.

“This time, siyempre, may sarili na akong pamilya. Magpakalalaki siya this time.”

Ipinaliwanag ni Sarah kung bakit mas pinili niyang idaan ang pag-amin sa isang video at hindi sa isang statement.

Saad niya, “Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nagkaroon ng opening dahil nga po doon sa nag-viral na post, kaya ko po naisip talaga na magsabi ng totoo.

Continue reading below ↓

"Bakit po Facebook Live, hindi na lang sulat? Para sa akin na magmumula mismo, sa bibig ko, yung pag-amin ko po."

Panawagan niyang muli kay Arnold: “Magpakalalaki ka na, at harapin niya ang ginawa niya. Hndi naman po lahat maitatago. Wala pong sikreto na di mabubulgar.”

NO HARD FEELINGS toward ARNOLD

Matapos hamunin si Arnold at ipamukha ngayong minanipula siya nito, bumawi si Sarah at sinabing wala na siyang sama ng loob .

“By God’s grace, natutunan ko pong patawarin si Arnold kahit hindi pa siya humihingi ng tawad sa akin.

“Bakit ko po kailangan gawin iyon? Para maka-move on,” sabi ni Sarah tungkol sa kanyang paglalantad.

Hindi rin daw biro ang pinagdaanan ni Sarah nang magwakas ang relasyon nila ni Arnold.

“Nag-counselling ako. Nag-inner healing ako para lang ma-overcome ko at matutunan kong patawarin yung sarili ko.”

Mula sa pagiging Muslim, isa na ngayong Christian si Sarah.

Sa Facebook Live nito, nabanggit ni Sarah na nalaman daw ng maybahay ni Arnold ang namagitan sa kanila ng news anchor.

Continue reading below ↓

Nag-reach out umano ang misis ni Arnold kay Sarah. Hindi tinukoy ni Sarah kung kailan ito nangyari.

Sabi ni Sarah sa kanyang video, "Saludo po ako sa kanyang maybahay, sa kanyang asawa, dahil nung malaman niya yung totoo, talagang sinuportahan niya si Arnold."

Nagpadala raw ng mensahe kay Sarah ang asawa ni Arnold via Messenger.

"Eto ang sabi niya sa akin sa message: 'Sarah, I forgive you.'"

Humingi rin ng tawad si Sarah sa misis at mga anak ni Arnold.

May mensahe rin si Sarah sa anak nila ni Arnold: "Sorry din sa panganay ko, kumbaga, lumabas siya sa mundo na ganun ang sitwasyon."

THE SARAH BALABAGAN STORY

Nang magtrabaho si Sarah bilang domestic helper sa U.A.E., siya ay 14-anyos lamang. Dinaya ang kanyang edad at ginawang 28 anyos para makaalis ng bansa.

Noong July 19, 1994, tinangka siyang pagsamantalahan ng kanyang amo, nanlaban si Sarah, at napaslang nito ang amo.

Continue reading below ↓

Noong June 26, 1995, hinatulan siya ng U.A.E. court ng pagkakakulong at pagbayad ng U.S.$40,000 bilang blood money.

Pero nagbago ang hatol pagdating ng retrial sa U.A.E. appeals court. Hinatulan si Sarah ng death by firing squad.

Nagkaroon ng malawakang protesta sa loob at labas ng bansa para ipanawagan ang pagpapalaya kay Sarah.

Sa mediation nina Pangulong Fidel V. Ramos at U.A.E. President Sheikh Zayed Bin Sultan al Nahyan, naibaba ang parusa kay Sarah.

Sinentensiyahan siya ng isang taong pagkakulong, paghampas ng baston ng isang daan beses, at pagbayad ng multang 40,000 U.S. dollars.

Noong August 1, 1996, nakauwi ng Pilipinas si Sarah.

Si Arnold, na noon ay GMA News reporter, ang siyang sumubaybay sa kaso ni Sarah mula sa pagkakapiit nito sa U.A.E. hanggang sa makauwi ito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, patuloy na napapanood si Arnold sa news and current affairs ng GMA-7, gaya ng Saksi, Unang Hirit, Tonight With Arnold Clavio, gayundin sa radio programs ng DZBB.

Continue reading below ↓

Samantala, kapiling ni Sarah ang kanyang limang anak sa Las, Vegas, Nevada, sa U.S.

Katuwang niya ang kanyang second husband na si Jun Sereno, ama ng kanyang dalawang anak.

May dalawa ring anak si Sarah sa una nitong asawa na si Russel Vergara.

Kasalukuyan daw nagtatrabaho ang anak niya kay Arnold sa Las Vegas.

Matapos lumabas ang rebelasyon ni Sarah sa kanyang Facebook Live, makailang ulit sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng reaksiyon si Arnold hinggil sa isyu, pero hindi kami nakatanggap ng sagot.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Arnold kaugnay ng isyung ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Balabagan on revelation that Arnold Clavio is the father of her 21-year-old daughter. “Nasa kanya na iyon kung aaminin niya. Huwag lang niya idi-deny. Pag idinenay niya, ibang usapan na iyon.”
PHOTO/S: Facebook (Sarah Balabagan) / @akosiigan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results