Comelec commissioner believes Angel Locsin can run for the Senate: “She can win.”

by Jet Hitosis
Aug 28, 2020
Actress-philanthropist Angel Locsin receives the Centennial Champion Award from Zonta Club of Makati & Environs, a global organization empowering women around the world, for her "outstanding contribution and volunteerism in times of crisis."
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Naniniwala ang isang mataas na opisyal ng Commission on Elections na papasang senador ang aktres na si Angel Locsin.

Para kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, na kay Angel, 35, ang mahahalagang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na mambabatas.

Nagbigay ng opinyon si Guanzon, 63, nang i-retweet niya nitong Miyerkules, August 25, ang post ng aktres tungkol sa bagong award na natanggap nito.

Nang araw kasing iyon, ibinahagi ni Angel sa kanyang 12.4 million Twitter followers ang Instagram post niya tungkol sa natanggap na Centennial Champion Award.

ANGEL RECOGNIZED FOR VOLUNTEERISM

Ang Centennial Champion Award ay iginawad kay Angel ng Zonta Club of Makati & Environs, isang global organization ng mga propesyunal na nagtataguyod sa kapakanan ng kababaihan sa mundo sa pamamagitan ng serbisyo at adbokasiya.

Kinilala ng grupo ang volunteer work ni Angel sa nakalipas na mga taon, tulad ng pagtulong sa evacuees ng limang-buwang digmaan sa Marawi City, Lanao del Sur noong 2017, at sa mga sinalanta ng iba't ibang kalamidad.

Continue reading below ↓

Binanggit din ng grupo sa citation nito kay Angel ang pagtulong ng aktres sa paglikom ng pondo para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa nakalipas na mga buwan.

April ngayong taon nang pangunahan ni Angel ang pagtatayo ng mga isolation tents sa mahigit 100 ospital sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Ipinatayo ng aktres ang isolation tents para pahingahan ng mga medical frontliners o pupuwede ring isolation area sa mga posibleng COVID-19 patients.

Nang sumunod na buwan, ibinalik ni Angel ang online auction nila ng kapwa aktres na si Anne Curtis, ang Shop & Share, para tustusan ang libreng mass testing sa mahihirap na komunidad.

HOT STORIES

THE CENTENNIAL CHAMPION

Sa litratong ipinost ni Angel sa Instagram, ipinagmalaki niya ang natanggap na Centennial Champion Award citation.

Sa caption, ginamit ng aktres ang quote mula kay Saint Teresa, o Mother Teresa ng Calcutta, India, upang magpasalamat sa organisasyon.

Sulat ni Angel sa caption: “I alone cannot change the world, but I can cast a stone across the waters to create many ripples.”

Continue reading below ↓

“Enjoyed meeting inspiring women on zoom earlier today.

“To Zonta Club of Makati & Environs, thank you for making me part of your event. I admire your passion in uplifting women’s lives and the community.

“More power to all of you.”

“COURAGEOUS, BRIGHT, AND WITH A SINCERE HEART”

Ni-repost ito ni Angel sa Twitter, na ni-retweet naman ni Guanzon.

Continue reading below ↓

Caption dito ni Guanzon: “In my opinion, if Angel Locsin runs for Senator, she can win.

“Tatak Bisaya, Ilongga. Courageous, bright and with a sincere heart.”

Magkakaiba ang reaksiyon ng Twitter followers ni Guanzon sa mistulang pag-uudyok niya kay Angel na pasukin ang pulitika.

Mayroong mga sumang-ayon sa Comelec official-lawyer at sinabing kailangan ng bansa ang malasakit ni Angel sa mga Pilipino.

Continue reading below ↓

May ilan ding nagduda sa kakayahan ng aktres, partikular sa paggawa ng batas, dahil hindi naman daw ito abogado.

Sinagot ni Guanzon ang isa sa kanila. Kumpiyansa raw siyang kakayanin ni Angel ang mga tungkulin ng isang mambabatas.

“She will hire bright lawyers to help her,” mistulang suggestion ni Guanzon sa kanyang tweet, kung saan tinag pa niya si Angel.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Guanzon, maraming elected lawmakers na abogado nga pero “hindi naman magaling at honest.”

Mas mabuti pa raw kung ang ihahalal sa Senado ay isang tulad ni Angel: “Kailangan natin yong walang personal interest. Bayan ang sa puso.”

Ilang Twitter users ang nagsabing masyado nang maraming taga-showbiz ang nasa Senado at Kongreso, pero wala naman daw nagawa ang mga ito.

Continue reading below ↓

May mga diretsahang kumuwestiyon kay Guanzon sa pag-eendorso sa isang future senatorial candidate gayung mataas na opisyal ito ng Comelec.

Bagamat ilang beses na na-tag si Angel sa thread na ito, walang reaksiyon ang actress-philanthropist.

ANGEL SAYS NO TO POLITICS

Dati nang nilinaw ni Angel na wala sa isip niya ang pasukin ang pulitika.

Sa isang Facebook Live chat noong May 1, 2020, isang fan ang nagpasalamat sa tuluy-tuloy na pagtulong ni Angel sa mga nangangailangan.

Tinanong ng fan si Angel kung pinupuntirya ng aktres ang pulitika bilang isang public servant.

Sagot ni Angel: “Public servant naman po kami bilang mga artista, e. I think iyong buhay naman namin is very public.

“Lahat naman ito ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung hindi gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao.

“Pero politics? Hindi talaga.”

Natawa pa si Angel bago umiling-iling na dinugtungan ang sinabi niya.

"Sobrang hindi. Wala, wala sa utak ko yun," pagtitiyak ni Angel.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-philanthropist Angel Locsin receives the Centennial Champion Award from Zonta Club of Makati & Environs, a global organization empowering women around the world, for her "outstanding contribution and volunteerism in times of crisis."
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results