Kim Atienza to netizen who told him to move on: “Buhay pa ang ABS”

by Arniel C. Serato
Aug 28, 2020
Kim Atienza assures his followers he will not leave ABS-CBN amid franchise problem.
PHOTO/S: Courtesy: Kuya Kim Atienza on Facebook / @kuyakim_atienza on Instagram

Hindi napigilan ni Kim Atienza na sagutin ang isang netizen na nagkomento sa kanyang post sa Instagram kagabi, August 27.

Sabi ng netizen: “Move on na Kim”

Komento ito ng netizen sa post ni Kuya Kim ukol sa kanyang motor na gamit sa pagpunta sa trabaho sa ABS-CBN.

Post ng TV Patrol segment host: “Mod. @benshermanph #vespaGS160

Continue reading below ↓

Hindi alam ni Kim ang nais tumbukin ng commenter.

Sagot niya rito, “Buhay pa ang ABS, gusto mo iwanan ko? Anong move on? God bless you.”

Marahil, ang tinutukoy ng nagkomento ay ang pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Dahil dito, tuluyan nang isinara ang TV at radio stations ng network sa buong bansa. Ibig ding sabihin ay nawalan ng trabaho ang halos 11,000 talents at empleyado ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pinayuhan naman ng ibang followers ni Kim ang TV host na huwag na lamang pansinin ang nagkomento dahil troll daw ito.

FINAL BROADCAST

Umaga ngayong araw ng Biyernes, August 28, sabay-sabay nang nagpaalam ang siyam na regional morning shows ng ABS-CBN regional stations.

Mamayang gabi naman, labindalawang TV Patrol regional newscasts ang magpapaalam na rin sa ere.

Continue reading below ↓

Maraming mga empleyado at talents na rin ang na-lay off sa kanilang mga trabaho sa istasyon.

Kabilang sa mga ito sina Korina Sanchez, Ces Drilon, at Bernadette Sembrano.

Sa radio arm naman ng ABS-CBN na DZMM, maraming mga programa na rin ang nagpaalam sa ere.

Ang ilang kilalang personalidad ng istasyon katulad nina Anthony Taberna at Gerry Baja ay lumipat na ng DZRH.

Continue reading below ↓

Bali-balita namang may negosasyon na ang Radyo Singko ng TV5 sa radio at TV personality ng ABS-CBN na si Ted Failon.

Sa Lunes, August 31, ang last day ng karamihan ng mga retrenched talents at employees ng broadcast giant.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza assures his followers he will not leave ABS-CBN amid franchise problem.
PHOTO/S: Courtesy: Kuya Kim Atienza on Facebook / @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results