Gretchen Fullido DZMM show cancelled; sad for colleagues "who are bidding farewell today"

by Arniel C. Serato
Aug 28, 2020
TV Patrol's Star Patroller Gretchen Fullido: "A very sad day for our company as a lot of colleagues, friends and programs of ABS-CBN, DZMM, RNG, @mor1019forlife and more will be bidding farewell today... Hayyyy..."
PHOTO/S: Courtesy: @gretsfullido on Instagram

Ikinalulungkot ng Star Patroller na si Gretchen Fullido ang sabay-sabay na pamamaalam sa ere ng maraming programa ng ABS-CBN, ABS-CBN Regional Network Group (RNG), DZMM, at My Only Radio (MOR) ngayong Biyernes, August 28.

Noong July 10, 2020, ibinasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN Corporation, bilang pagtugon sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, hindi na maaaring gamitin ng Kapamilya network ang state-owned frequencies para sa kanilang television at radio services sa free-to-air broadcast.

Sa Instagram post ni Gretchen ngayong tanghali ng Biyernes, naghayag siya ng kalungkutan para sa maraming kasamahan sa kumpanya na apektado sa pangyayari.

Sabi ng TV Patrol showbiz anchor, “A very sad day for our company as a lot of colleagues, friends and programs of ABS-CBN, DZMM, RNG, @mor1019forlife and more will be bidding farewell today... Hayyyy...”

Bukod pa rito, kanselado na rin ang Chismax, ang radio program nila ng entertainment journalist na si Ambet Nabus sa DZMM.

Continue reading below ↓

Dagdag niya sa kanyang post, “It’s also goodbye for our show Chismax on DZMM teleradyo (every Sunday) with @ambetnabus.

"I’m super going to miss all our loyal CHISMAKERS!”

Hindi raw maiwasan ang pagsama ng kalooban ni Gretchen tuwing papasok siya sa ABS-CBN compound para sa araw-araw na pag-ere ng TV Patrol.

Ang primetime newscast ay kabilang sa iilan na lamang natitirang programa ng ABS-CBN na patuloy pa ring umeere, kahit sa cable at online na lamang ito napapanood.

Saad pa ni Gretchen, “Everyday when I drive to work for TV Patrol (took this photo while in the car) I get mixed emotions.

“I get flashbacks of happy memories, challenging experiences and lahat lahat na over the course of 16 years of me working in the company.

“This is the first and only company I worked for while still in college in UP Diliman (I was a working student) - I will save that for another Kwento... mahaba kasi...”

Continue reading below ↓

“AN HONOR AND PRIVILEGE”

Nagpasalamat naman si Gretchen sa mga loyal na tagasubaybay ng kanilang newscast kahit hindi na ito napapanood sa free TV.

Umaasa raw siyang may magandang nakaplano sa kanila ang tadhana.

Aniya (published as is): “Thank you dearest Kapamilyas. I can’t put into words the pain and sadness that’s going on for all of us in the network... but I am hopeful that better things are ahead for all of us.

“It was an honor and privilege working with you all. Maraming salamat Kapamilya.
I’ll still see you guys everyday on TV Patrol.

“Hope you can tune in - Monday to Friday at 6:30pm para sama sama pa rin tayo every evening.

“You can catch us on TV Patrol’s FB live, Kapamilya Channel, @iwantofficial, TFC, YouTube and ABS-CBN online.

“Thank you and love you mga Kapamilya. #abscbn #tvpatrol #starpatrol #signoff

Continue reading below ↓

Mamayang gabi, sabay-sabay magpapaalam ang labindalawang local counterparts ng TV Patrol sa mga probinsiya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV Patrol's Star Patroller Gretchen Fullido: "A very sad day for our company as a lot of colleagues, friends and programs of ABS-CBN, DZMM, RNG, @mor1019forlife and more will be bidding farewell today... Hayyyy..."
PHOTO/S: Courtesy: @gretsfullido on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results