Beauty queen-actress MJ Lastimosa on barangay officials watching Zoom sex scandal: "Nobody blinked."

by Jet Hitosis
Aug 29, 2020
In a tweet Friday, August 28, MJ Lastimosa cannot help reacting to the now viral Zoom sex scandal: “So a brgy capt in Cavite had s*x on live zoom w/his treasurer (infidelity) because he forgot to cover his phone camera? And the whole council saw this? Wth is goin on 2020!”
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Instagram

Dismayado ang beauty queen-actress na si MJ Lastimosa na wala ni isa man sa Cavite barangay officials ang kumilos para patigilin ang kapwa nila mga opisyal sa pagtatalik sa kalagitnaan ng Zoom meeting.

Ang tinutukoy ni MJ, 32, ay ang binansagang “Zoom sex scandal” na viral ngayon sa social media.

Si MJ ang Filipino-Arabian na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2014, kung saan naging Top 10 finalist siya.

Napanood si MJ sa ilang teleserye ng ABS-CBN, at naging guest co-host din sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Nitong Biyernes, August 28, hindi napigilan ni MJ mag-react sa sex video ng dalawang barangay officials sa Dasmariñas City, Cavite.

Na-record ang video habang tinatalakay ng aabot sa 500 barangay officials ng lungsod kung paano nila tinutugunan ang COVID-19 pandemic.

Hindi matukoy ang petsa kung kailan ginawa ang virtual meeting noong nakaraang linggo, pero nitong Miyerkules, August 25, kumalat sa social media ang video.

Continue reading below ↓

LIVE SEXUAL ACT VIA ZOOM

Sa video, makikitang sa kalagitnaan ng Zoom meeting ng Dasmariñas barangay officials ay agaw-pansin ang isang frame kung saan isang lalaki at isang babae ang nagtatalik sa loob ng barangay hall.

Ang lalaki ay isang barangay chairman, habang ang babae ay ang kanyang appointed barangay treasurer.

Parehong may asawa at pamilyado ang dalawa.

Tweet ni MJ, nakalimutan ng kapitan i-off ang camera at walang kamalay-malay na nakikita ng lahat ng nasa Zoom meeting ang ginagawa nila ng treasurer.

Mababasa sa post ni MJ (published as is): “So a brgy capt in Cavite had s*x on live zoom w/his treasurer (infidelity) because he forgot to cover his phone camera?

“And the whole council saw this?

“Wth is goin on 2020!”

Continue reading below ↓

“NOBODY LEFT THE ZOOM MEETING OR EVEN CALLED HIM”

Nag-reply sa tweet ni MJ ang screenwriter na si Darla Sauler. Totoo raw palang naka-“live zoom” ang kapitan at ang treasurer, sabi ni Darla.

Sagot ni MJ kay Darla, kalat na sa YouTube ang video.

Pero ang ikinadidismaya ni MJ, sa halip na ipaalam sa kapitan na nakikita sa Zoom meeting ang ginagawa nito, o ihinto ang virtual meeting, buong tiyaga raw pinanood ng kapwa niya barangay officials ang pribadong eksena hanggang sa matapos ito.

Tweet ni MJ: “Yes it’s on yt [face vomiting emoji] nobody left the zoom meeting or even called him to stop it they just patiently watched [face without mouth emoji].”

Dagdag ng beauty queen-actress sa isang tweet: “Nobody blinked. They waited for cap to finish [expressionless emoji].”

Continue reading below ↓

Para kay MJ, bilang mga halal na opisyal, pareho lang ang eskandalo ng pagtatalik ng kapitan at treasurer at ng pagtunganga sa kanila ng kapwa nila barangay officials.

Bukod dito, tiyak na isa rin sa mga nasa Zoom meeting ang nag-rekord at nagpakalat online sa sex scandal.

DILG TO PROBE BARANGAY CHIEF

Samantala, siniguro ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na iimbestigahan nila, at posibleng tanggalin sa puwesto, ang barangay chairman.

Continue reading below ↓

Sa press statement ni Malaya nitong Huwebes, August 27, sinabi niyang ang eskandalo ay “appalling and disturbing because it goes against public morals and the Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.”

Aniya, isang grupo ng imbestigador ang ipadadala ng DILG sa Dasmariñas upang tukuyin ang magiging pananagutan ng kapitan.

Ang resulta raw ng imbestigasyon ang pagbabatayan ng kasong irerekomenda ng DILG sa Office of the Ombudsman at sa Dasmariñas City Council laban sa kapitan.

BARANGAY CHAIRMAN, TREASURER HAVE RESIGNED

Pero para kay Cavite Governor Jonvic Remulla, wala nang silbi pa ang imbestigasyon ng DILG.

Nag-resign na raw kasi ang kapitan at ang treasurer, ayon sa gobernador.

Sa panayam kay Remulla sa ANC nitong Biyernes ng umaga, sinabi niyang bagamat hindi tama ang relasyon ng dalawang barangay officials, ang puntirya ng DILG probe ay ang posisyong pinanghahawakan ng kapitan.

At ngayong bumaba na sa puwesto ang barangay chairman, sinabi ni Remulla na wala nang dapat pang imbestigahan sa scandal dahil tapos na ang isyu.

Continue reading below ↓

“What is there to investigate? What is there to prosecute?” sabi ni Remulla. "There is nothing more to investigate. They resigned.”

Nauna rito, Huwebes pa kinumpirma ni Association of Barangay Captains (ABC) Dasmariñas president Jorge Magno na nag-resign na ang barangay chairman at ang treasurer nito.

Sa isang DZBB interview, sinabi ni Magno na humingi rin ng paumanhin ang kapitan sa sariling pamilya, sa pamilya ng treasurer, at sa kanyang constituents dahil sa nangyari.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a tweet Friday, August 28, MJ Lastimosa cannot help reacting to the now viral Zoom sex scandal: “So a brgy capt in Cavite had s*x on live zoom w/his treasurer (infidelity) because he forgot to cover his phone camera? And the whole council saw this? Wth is goin on 2020!”
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results