The final falling-out with John Regala: Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, Aster Amoyo rue, “We fell for the scam.”

by Rachelle Siazon
Sep 3, 2020
Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, and Aster Amoyo (L-R) reveal how they discovered that John Regala (right) allegedly misuses a regulated drug daily. Nadia reveals, "Nagsumbong yung caregiver, meron siyang [John] sariling Nubain."

#NadiaChuckieAsterVSJohnRegala

Hindi matanggap nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo kung paano nakuha pa raw manloko ni John Regala sa gitna ng pagkakasakit nito.

Ito raw ang tunay na dahilan kung bakit nagdesisyon silang sumuko na sa pagtulong kay John.

Nakaramdam ng hinanakit sina Nadia, Chuckie, at Aster dahil, sa kabila raw ng pagmamagandang-loob para matulungan si John, sila pa ang "binabaliktad" ngayon ni John.

Inaakusahan sila ni John na wala raw itong pinakinabangan "ni singkong duling" sa cash donations na nalikom ng tatlo para sa pagpapagamot niya.

Noong August 24, inireklamo ni John sa online show na Raffy Tulfo In Action na hindi raw nakakarating sa kanya ang donasyon ng mga kapwa artista.

May mga patutsada rin si John na iba ang napuntahan ng perang nalikom ng grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster.

Mariin itong pinabulaanan ng grupo.

Eksklusibong nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sina Nadia, Chuckie, at Aster.

May Zoom call ang PEP kina Nadia at Chuckie noong Huwebes, August 27, at may telephone interview sa dalawa noong Sabado, August 29. Marami ring palitan ng text messages sa kanila.

Continue reading below ↓

Hiwalay na nakapanayam ng PEP.ph si Aster sa isang video call noong Linggo ng gabi, August 30. Nagkaroon din ng karagdagang paglilinaw sa kaniya ng ilang detalye via Facebook messaging.

Si Aster ay veteran talent manager at showbiz columnist.

Sina Nadia at Chuckie, pati si John, ay produkto ng youth-oriented show ni German "Kuya Germs" Moreno na That's Entertainment, na umere mula 1986-1996 sa GMA-7. Binansagang Master Showman, pumanaw
si Kuya Germs noong January 8, 2016.

deeply HURT BY JOHN'S "SCAM"

Sa panayam ng PEP.ph, inilabas nina Nadia, Chuckie, at Aster ang natuklasan nilang masamang bisyo umano ni John, na dahilan daw ng pagbitiw nila sa ginagawang tulong para sa dating action star.

"It's a scam. We fell for the scam. We believed it," napapailing na sabi ni Nadia.

Gayundin si Chuckie na ang pakiramdam ay nagamit lang sila ni John para sa pansariling agenda nito.

Sabi ni Chuckie, "I feel so used. I feel so scammed. Ang sakit ng ginawa niya talaga, e. Lahat kami naloko talaga."

Continue reading below ↓

Lubha ring nasaktan si Aster, lalo pa't parang "anak-anakan" na raw ang turing niya kay John.

Noon pa man ay siya raw ang madalas tawagan ni John para hingahan ng problema, at siya rin ang direktang kumakausap kay John nang ipaospital nila ito kamakailan.

"Eto na lang, nabalewala lahat ng efforts namin. Nabalewala lahat ng mga tulong ng iba't ibang tao," saad ni Aster.

Madamdaming dugtong niya, "Kaya sila tumulong because alam nila na kailangan ni John, na may sakit.

"Sa palagay mo kaya, ako, tumulong ako nang ganito, 'tapos dun lang pala mapupunta? Ikaw ba, kung tumulong ka, matutuwa ka ba?"

Sina Nadia, Chuckie, at Aster ang grupong boluntaryong nangalap ng donasyon nitong pandemic para pantustos sa pagpapagamot ni John.

Si John ay may liver cirrhosis, o pagkasira ng atay, kaya nagkakaproblema sa pagkain, at mayroon ding gout o pamamaga ng mga kasukasuan dala ng uric deposits kaya hiráp kumilos.

Continue reading below ↓

Naospital si John sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) mula Agosto 4 hanggang Agosto 13.

Ang grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster ang nag-asikaso sa mga pangangailangan doon ni John.

Regular ang update ng tatlo sa kani-kaniyang social media account sa health status ni John, para sa kaalaman ng mga donors at ibang nag-aalala sa kalagayan ng action star.

Nadia Montenegro, FDCP Chair Liza Diño, John Regala, and Aster Amoyo at the INC compound in Quezon City on July 30, 2020.

Continue reading below ↓

EVENTS LEADING TO THE FALLING-OUT

Lingid sa kaalaman ng publiko, dumanas daw ng matinding sakit ng ulo sina Nadia, Chuckie, at Aster dahil kay John.

Matigas daw kasi ang ulo ni John.

Ipinagtataka ng grupo kung bakit nagpupumilit si John lumabas ng ospital.

At hindi rin daw nila maintindihan kung bakit panay ang pangungulit ni John na manghingi ng pera.

Bukod sa allowance na iniiwan nila sa tagapag-alaga nito, nagpapadala rin daw sila ng grocery items para sa pagkain at ibang pangangailangan ni John.

Lahad ni Nadia, "Magte-text siya kay Nanay Aster, 'Wala na akong pera. Bigyan mo naman ako.'

"Ang takot lang namin, saan niya gagamitin yung money? E, alam din namin na may pera siya sa bank niya.

"Hindi naman namin sila iniiwan sa hospital nang wala. Every day may cash sila doon."

Sa isip-isip daw ng tatlo: "Bakit mo kailangan ng pera kung nasa ospital ka? Lahat naman ng kailangan mo ibinibigay namin."

Naging maingat naman daw ang tatlo sa paggasta ng nalikom na cash donations.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Chuckie, "Hindi siya pagtitipid, e. We were being careful on how the money was being used because we are doing an auditing of all the expenses.

"We have to write down every single item that we bought or used para malaman kung paano namin ginagastos.

"At the same time, we also have a responsibility towards the people who donated it."

John Regala's confinement at NKTI

Continue reading below ↓

HELPING JOHN WITH HIS NEEDS

Hanggang sa noong August 13, binulabog ni John ang grupo para mapilit silang palabasin siya sa ospital.

Ipinaliwanag nina Nadia, Chuckie, at Aster sa PEP.ph na hindi nakikita ni John ang hirap na kinaharap nila para mapagbigyan ang demands nito.

Tulung-tulong ang tatlo sa paglikom ng donasyon mula sa mga kakilalang artista at pulitiko.

Pero bukod doon ay may kanya-kanya silang assignment—si Nadia ang tagabili ng grocery items at mga gamot ni John; si Aster ang direktang nakikipag-usap kay John; at si Chuckie at asawa nitong si Aileen ang keeper ng listahan ng donations at expenses.

Hindi raw biro ang paggawa ng errands—mula sa pag-withdraw sa banko; sa pagbili ng gamot, grocery, at gamit ni John; at sa pag-ayos ng pass ng tagapag-alaga ni John—sa panahon ng pandemya.

Giit ni Aster, "Ultimo sa ospital, eto hindi alam ng tao, ultimo pang-shaver niya, ultimo shampoo niya, toothpaste niya, boxer shorts niya, beddings niya... Wala siyang kagamit-gamit."

Continue reading below ↓

Hanggang sa pagpapalinis ng tinitirahang condo unit ni John, bago ito maiuwi galing ng ospital noong August 13, ay inasikaso rin ng grupo.

"Parang prinsipe, promise!" napapailing na sabi ni Nadia.

HOT STORIES

JOHN ALLEGEDLY SELF-ADMINISTERS "regulated DRUG"

Noong una ay hindi raw lubusang maintindihan nina Nadia, Chuckie, at Aster kung ano ang pinanggagalingan ng katigasan ng ulo at, noong huli, ng kapangitan raw ng ugali ni John.

Ikinagulat na lang ng grupo nang madiskubre ang umano'y bisyo ng aktor.

Tatlong caregivers ang nagrerelyebo noon sa pag-aalaga kay John sa ospital—isang long-time assistant, isang professional caregiver, at isang bagong tagapag-alaga.

Ayon kina Nadia at Chuckie, umamin ang professional caregiver na nasaksihan nitong nagtuturok daw ng "classified regulated drug" si John sa sarili nito.

Hindi raw iyon bahagi ng mga gamot na nireseta ng mga doktor ng NKTI nang maospital doon si John.

Lahad ni Nadia, "Nagsumbong na sa amin yung professional caregiver na he wants to get out. Magre-resign na siya.

Continue reading below ↓

"We were, like, 'Bakit?' Sabi niya, 'Ma'am, ayoko po madamay dito. Tanggalin niyo na po ako. Maghanap na po kayo ng kapalit namin.'

"Nagsumbong yung caregiver, meron siyang [John] sariling Nubain."

Ayon sa rxlist.com, ang nalbuphine hydrochloride ay uri ng "opioid analgesic" na ginagamit na pain reliever para sa "severe pain."

Ginagamit ito bilang painkiller para sa mga nanganganak, at ang maling paggamit nito ay maaaring magresulta sa "addiction, overdose, or death."

Sinabi rin daw ng professional caregiver na may insidenteng nagpupumilit si John makipagkita sa "duktor" nito sa "Cavite" para kunin ang gamot para sa nananakit na tuhod.

Si John ay may pananakit ng tuhod sanhi ng gout.

Kung anu-ano na lang daw ang ibinigay na palusot ng professional caregiver para hindi pagbigyan si John sa gusto nito.

Sa huli, isang linggo lang daw tumagal kay John ang professional caregiver.

Sabi pa ni Nadia tungkol sa aktor, "Nalaman namin nakalabas na ng ospital, kaya bigla kaming bumitaw.

Continue reading below ↓

"Kasi nung nag-text na [yung caregiver], naramdaman ko na 'Kung itong nurse nagpa-panic, siguro dapat kami rin.'

"Napag-usapan namin nila Nanay Aster, nila Chuckie, 'Paano itong mga sinusumbong nila? Kung ganun pala gusto ni John sa buhay niya, out na tayong lahat.'

"We came out with a statement dahil pag nangisay siya sa bahay niya under our care, ano aabutin namin?

"Ito nga, tumulong na lang, ganito pa inabot namin."

Ang tinutukoy ni Nadia ay ang joint statement nila nina Chuckie at Aster na nailathala sa kanilang mga social media accounts noong Agosto 17.

Inanunsiyo nila sa publiko na iti-turnover na nila kay John ang lahat ng nalikom nilang cash donations.

Doon din unang ipinahiwatig ng tatlo na napilitan silang sukuan na si John dahil sa palagay nilang "abusive self-medication" nito.

Sabi pa nila sa joint statement, hindi nila ito-tolerate ang masamang bisyong iyon ni John.

Kinumpirma ito ni Aster sa panayam ng PEP.ph ng Agosto 30.

Continue reading below ↓

"Totoo yun. Iyon talaga ang pinaka-last straw namin bakit kami sumuko," tukoy ni Aster sa nadiskubreng bisyo ni John.

Dugtong ni Aster, "Ako naman, wala akong alam na he's been taking Nubain... Alam naman natin na it's a prescribed medicine. Hindi mo yun mabibili over the counter.

"Hindi mo rin pwede i-take more than the dosage na inano ng doctor, kung talagang inano sa kanya yun ng doctor, di ba?"

Hindi raw akalain ni Aster na magagawa pang magbisyo ni John sa estado ng kalusugan nito.

"All this time na nag-uusap kami, wala akong idea. As far I was concerned, akala ko totally ano na siya sa dati niyang bisyo.

"Sabi ko, 'Paano pa 'yan makakapagbisyo wala namang pera? Wala namang hanapbuhay.'

"So, ako, I was really ano talaga na may sakit lang siya."

Continue reading below ↓

JOHN'S LONG-TIME ASSISTANT GIVES UP

Ganoon na lang ang pagkabigla ng grupo nang pati ang assistant ni John sa loob ng 11 taon ay sumuko na rin sa action star.

Ang long-time assistant na si Christian "Teddy" Imperial ay kasamang umasikaso kay John nang isugod ito sa ospital.

Ayon kay Nadia, nagsumbong si Teddy na, dalawang araw pa lang pagkalabas ni John ng ospital, nagpumilit itong lumabas at magpunta sa isang lugar sa Quezon City.

Nabahala raw nang husto ang assistant sa delikadong lakad na iyon ni John.

Ayaw na lang madawit ng assistant sa bisyo diumano ni John kaya nagpasya raw itong umalis na rin sa poder ng action star.

Sabi ni Nadia, "Natatakot siya. Dun na siya nagsumbong sa akin."

Tugma raw ang sumbong ng professional caregiver at ng long-time assistant na si Teddy—gumagamit umano ng "regulated drug" si John, at kinukuha umano iyon ni John sa "duktor" nito sa "Cavite" at "Parañaque."

Continue reading below ↓

Hiwalay pa ito sa insidente noong August 15 na isinama raw ni John si Teddy sa Quezon City, na naging mitsa para tuluyang kumalas si Teddy kay John.

Lahad pa rin ni Nadia, siya ang tagabili ng gamot ni John noong nasa ospital ito kaya alam daw ni Nadia kung ano lang ang mga iniresetang gamot sa aktor.

May kopya si Nadia ng reseta kunsaan "10" ang "prescription drugs" na inirekomenda ng NKTI doctors para kay John.

Malinaw na wala raw sa reseta ang "regulated drug" na nahuli umano ng professional caregiver at ng long-time assistant na ginagamit daw ni John.

Sabi rito ni Chuckie, "We realize, kaya pala nagmamadali ito [John] lumabas.

"Ang sinabi niya kay Tulfo, in one of his previous episodes, sabi niya, hiyang-hiya na raw siya sa nagdo-donate, nasasayang daw yung gastos sa ospital."

Singit ni Nadia, "Hindi totoo yun."

Dagdag ni Chuckie, "We realize, 'Okay, the reason why he wanted to leave was because hindi niya ma-administer yung Nubain.'"

Continue reading below ↓

Doon daw nila lubusang napagtanto ang ikinikilos ni John.

Pagsang-ayon ni Aster, "Kaya siya nagmamadali lumabas, dahil hindi niya magawa gusto niya sa ospital. Day one pa lang gustung-gusto na niya lumabas."

Napagtanto rin daw nilang may kinalaman ito sa panay-panay na pag-awit ni John na bigyan siya ng pera noong naka-confine pa sa ospital.

Ani Nadia, "The only access he has to money was whatever that was handed to him in the hospital."

Kataka-taka raw na kakailanganin nito ng pera gayong inaasikaso raw nina Nadia, Chuckie, at Aster ang anumang pangangailangan ng aktor.

LONG-TIME ASSISTANT says JOHN'S condo is comfortable

Napakapanayam ng PEP.ph si Teddy sa pamamagitan ng telepono, Linggo ng hapon, August 30.

Higit labing-isang taon siyang namasukan bilang assistant ni John.

Nagkakilala sila sa Imus, Cavite, sabi ni Teddy, nang nangungupahan ng bahay doon si John at ang asawa nitong si Vicky Alonzo-Scheerer, na kilala rin sa palayaw na Gina.

Continue reading below ↓

Ayon kay Teddy, 12 taong gulang lang siya nang maging "stay-in" assistant ni John.

"Stay-in" pa rin daw siya nang lumipat si John ng tirahan sa isang condo unit sa compound ng Iglesia ni Cristo (INC), ang kongregasyon kunsaan miyembro si John.

Sa pagkakatanda ni Teddy ay taong "2015" nang lumipat si John sa INC compound sa Quezon City.

Lahad ni Teddy, "Sa totoo lang po, hindi po palaboy-laboy 'yan si Kuya John.

"Maayos po tirahan niya sa condominium po sa Iglesia Ni Cristo po. Dun po siya pinatira ni Ka Eduardo po."

Ang tinutukoy ni Teddy na Ka Eduardo ay ang executive minister ng INC na si Eduardo Manalo.

Dagdag ni Teddy, "Hindi naman po siya pinapabayaan ng Iglesia po. Hindi po siya mukhang kawawa. Mas okay po siya dun, e."

JOHN'S ALLEGED LONG HISTORY WITH DRUGS

Sa puntong ito, kinumpirma ni Teddy na nagsumbong siya kina Nadia, Chuckie, at Aster tungkol sa mahabang panahong paggamit daw ni John ng "regulated drug."

Continue reading below ↓

Iyon daw ang tunay na sadya ni John sa Pasay City noong July 27.

"Naghihintay lang po ng gamot yan, yung Nubain po," tukoy ni Teddy sa naging viral photos ni John na nakaupo sa isang bangko sa Pasay City.

Kuha ang mga iyon ng isang Grab driver na kusang tumulong kay John, na "nahihilo at nagugutom" daw noon.

Ayon sa kuwento ng Grab driver, sa Cabinet Files column ng PEP.ph, sinabi raw ni John na kaya ito nasa Pasay ay para makipagtagpo sa "nurse na nag-i-inject sa kanya ng gamot para sa gout niya."

John Regala spotted in Pasay City on July 27, 2020

Continue reading below ↓

Ayon pa rin kay Teddy, ang hindi magandang bisyo ni John ang madalas na dahilan daw kaya ito lumalabas ng INC compound kahit nitong kasagsagan ng enforced quarantine.

Bago pa raw maospital si John, may insidenteng nabunggo umano ng minamaneho nitong sasakyan ang gate ng INC compound.

Sabi ni Teddy, "Kahit na pilay-pilay na po siya, pinipilit niya po. Nakakatakot nga po, e. Makakabangga po kami ng tao.

"E, sa condo nga po, nabangga po kami. Alam po ng guard po iyan. May mga records po kami pag nalabas po."

Kung hindi daw mismong si John, may inuutusan daw itong bumili ng stock nito ng regulated drug.

ALLEGED ABUSIVE SELF-MEDICATION

Inilarawan ni Teddy kung saan madalas iturok umano ni John ang regulated drug na ginagamit ng action star.

"Sa kabilaan po ng braso. Minsan po sa hita, sa ugat, sa mismong ugat.

"Mismong ugat po, iipitin ng goma yung kamay, papadaanin sa ugat po, tinuturok sa ugat po.

Continue reading below ↓

"Delikado po talaga iyan, sa totoo lang po."

Ayon pa rin kay Teddy, "walo" hanggang "sampu" na vials ng regulated drug ang nauubos ni John sa isang araw.

Tanong ng PEP.ph, saan niya nakitang ginawa iyon ni John?

Sagot ni Teddy, "Sa condo po... Ilang years na sila sa condo, 2015 po ata sila nung pinatira po sila dun ni Ka Eduardo po sa Iglesia po.

"Kahit saang lugar, kahit po kami ay nasa sasakyan, nagnu-Nubain siya, nagtuturok po.

"Ilang taon na po iyan. Hanggang ngayon hindi niya itinitigil po iyan. Kumbaga po, e, nauubos po ang pera nila diyan dahil sa Nubain na 'yan."

Inamin ni Teddy na may pagkakataon pang inutusan raw siya ni John na tulungan itong magturok ng nasabing regulated drug.

JOHN AND TEDDY'S VIRTUAL FACE-OFF

Noong August 29, lumabas sa online show na Raffy Tulfo In Action ang virtual face-off nina John at Teddy.

Inamin dito ni John na gumagamit siya ng nalbuphine hydrochloride, na siyang generic name ng Nubain.

Continue reading below ↓

Naglabas si John ng reseta ng kanyang nalbuphine na inirekomenda raw ng doktor mula sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.

Hindi naman malinaw sa video ang nakasulat sa resetang hawak ni John.

John Regala shows prescription from "PDEA" doctor

Tahasang sinabi ni Teddy sa online show na si John ay "nagsasaksak ng sampung beses" sa isang araw ng "Nubain" sa sarili nito.

Continue reading below ↓

Pinabulaanan ito ni John, "E, di, patay na ako nun, overdose."

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph nitong August 30, nanindigan si Teddy na nasaksihan niyang umaabot daw ng sampung beses kada araw kung gumamit ng regulated drug si John.

Wala raw siyang alam tungkol sa ipinakitang prescription ni John kay Tulfo mula sa "PDEA doctor."

"Sa totoo lang po, di ba po, mag-twelve years ako sa kanya, simula't bata pa po ako, nagtuturok na po 'yan ng Nubain.

"Ang pagkakaalam ko po, e, takot na takot po silang ilabas na naggaganyan po, yung Nubain po, nagtuturok."

Sinagot din ni Teddy ang depensa ni John, na kung ganoon daw kadalas ito gumamit ng regulated drug, di sana nag-overdose na siya.

Ani Teddy, "E, di natalab po sa kanya 'yan, e. Marami pa po siya niyan sa isang araw."

Ayon pa rin kay Teddy, totoong umalis siya sa poder ni John noong Agosto 16.

Continue reading below ↓

Hindi na raw niya kaya ang hindi magandang bisyo ng aktor: "Kaya po ako napilitan umalis po, e. Wala na po ako magagawa.

"Desisyon ko na po ito. Hindi na po sila mapagsabihan. Sobrang tigas ng ulo niya, e, di sumuko na lang talaga ako."

Bukod dito ay may nangyaring insidente raw noong ika-15 ng Agosto na nag-udyok sa kanyang kumalas na.

Nang araw na iyon, nagpumilit daw lumabas si John ng INC compound para sa isang lakad, na lubhang ikinabahala ni Teddy.

Natakot na raw si Teddy at ayaw madawit sa aktibidades ni John, kaya kinabukasan, ika-16 ng Agosto, umalis na siya sa poder ng aktor.

Taliwas sa sinabi ni John kay Tulfo, idiniin ni Teddy na hindi siya "tumakas" sa condo ng aktor noong Agosto 16.

"Hindi po talaga ako tumakas nun, e. Nagpaalam po talaga ako sa kanya nang maayos. Pumayag po siya.

"Sabi ko po, hintayin niya lang yung kapalit ko. Pumayag naman po siya."

Continue reading below ↓

Sa online show ni Tulfo, itinanggi ni John na lumabas siya ng INC compound noong Agosto 15.

"Hindi nga po ako lumalabas ng condo unit ko dahil lockdown po kami," ani John.

Isang insider naman sa compound, na hiwalay na nakausap ng PEP.ph noong Agosto 30, ang nagkumpirmang "lumabas" si John sa INC compound noong Agosto 15, Sabado.

Sinabi rin nitong may reputasyon si John sa kanila na "pasaway," dahil kahit "lockdown" sa lugar ay madalas pa ring nagpupumilit lumabas ng compound.

HOW JOHN ALLEGEDLY spent pacquiao's P100K donation

Isa pang isyung inalmahan ni Teddy ay ang bintang sa kanya ng bagong tagapag-alaga ni John na si Bem Torres, isang uwian o hindi stay-in sa condo unit ni John.

Ayon kay Bem, may insidente noong Hulyo 24 nang nagpunta siya sa condo ni John para ibigay ang "500 U.S. dollars" galing sa ex-wife ng aktor.

Binigyan daw ni John si Teddy ng PHP1,500 na pambili ng "prutas," pero "lumayas" na lang daw si Teddy at hindi ibinalik ang pera.

Continue reading below ↓

Kasama si Bem ni John nang humarap sa online show ni Tulfo noong Agosto 29.

Sa panayam ng PEP.ph, itinanggi ni Teddy ang paratang ni Bem.

Paliwanag ni Teddy, "Yung sinasabi niya na kinuha ko po yung PHP1,500. Hindi po totoo yun. Nandun lang po yun sa lamesa.

"Bale po, yung PHP500 po, binili po ng gatas niya na Delight po, 'tsaka karayom po para sa injection.

"Wala po akong nabiling prutas, pero yung pera po, ibinalik ko po. Pero nabawasan po yung pera dahil pinambili ng karayom at saka Delight po."

Sa higit 11 taon niya bilang assisistant ni John, hindi raw pinag-interesan ni Teddy ang anumang perang natatanggap ng aktor sa mga artistang tumutulong dito.

Giit niya, "Ay, hindi po, wala po akong ninanakaw sa kanya kahit singko po.

"Ako po ay di nasisilaw sa pera niya kahit malaki po 'yan. Wala po akong pakialam po diyan.

"Kahit po maliit lang ang sahod ko dun. Dalawang libo sa isang buwan po, ilang taon ko po iyon pinagtiisan."

Continue reading below ↓

Nitong nakalabas ng ospital si John ay si Teddy pa raw ang kasama ni John nang mag-withdraw ang aktor ng malaking pera.

"Pumunta kami ng banko po. Nag-withdraw po siya ng malaki-laki.

"Bumili po siya ng Nubain. Inabot niya sa akin yung PHP19,000 na pera po..."

At si Teddy raw ang nag-abot ng pera sa taong inutusan ni John na bumili ng "60 pieces" ng Nubain.

Lahad pa ni Teddy, maging noong 2018 ay nasaksihan niya kung paano ginasta raw ni John ang nahingi nitong PHP100,000 cash donation mula kay Senator Manny Pacquiao.

"Nung 2018 po, PHP100,000. 'Tapos dumiretso po kami ng Laguna, bumili ng Nubain, 'tapos po nag-casino po.

"Sinasabi niya po, pinapalabas niya, magnenegosyo po. Pero di po niya ginagawa yun, sa totoo lang po."

Walang trabaho si John, ayon kay Teddy.

Pero hindi raw nagkulang ang INC sa pagtustos sa gamot para sa sakit ni John at sa pagbigay ng pera para mabuhay nang maayos ang aktor.

Continue reading below ↓

NADIA CONFRONTS NEW CAREGIVER

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph kina Nadia, Chuckie, at Aster, sinabi nilang ang bagong tagapag-alaga ni John na si "Bem" ay namasukan sa aktor nito nang naospital sa NKTI ang aktor.

Si Bem ay dating "yaya" ng first wife ni John na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt.

Si Aurina ay matagal nang nakabase sa Arizona, U.S.A., at nakontak siya ni Aster para tumulong kay John kamakailan.

Kuwento ni Nadia, kinausap rin niya si Bem matapos magsumbong ni Teddy at ng professional caregiver tungkol sa paggamit diumano ni John ng regulated drug.

Text message raw ni Nadia sa tagabantay ni John: "Sinong bumili? Sinong nagbigay sa kanya? Sinong doktor?"

Binalaan daw niya si Bem na hindi dapat hayaan si John gumamit ng drug na hindi kasama sa reseta ng mga doktor sa NKTI.

Pero ayon din kay Nadia, tila walang magawa ang bagong tagapag-alaga ni John.

Umamin daw si Bem na, nang ma-discharge sa ospital si John noong Agosto 13, nagpupumilit daw ang aktor pumunta ng Parañaque sa halip na umuwi agad sa condo unit nito. Parehong nasa Quezon City ang ospital at ang condo.

Continue reading below ↓

Lahad ni Nadia, "E, yung kotseng dala nila, hiniram lang namin kay Liza Diño.

"So from NKTI, pinahiram ni Liza yung kotse at driver niya, dahil ayaw naming mag-Grab si John, pinahatid namin sa condo.

"Pero nagwawala dahil gusto niya dumiretso ng Parañaque... Hindi na sila natuloy kasi hindi nila sasakyan yun, e."

Nagsabi rin daw kay Nadia ang bagong tagabantay na ayaw nitong madawit sa isyu ni John.

"Nag-sorry siya," saad pa ni Nadia.

CHUCKIE, nadia, and aster's realizations

Sa dami ng dinaanan nina Nadia, Chuckie, at Aster, hindi raw sila masisisi kung masama ang loob nila sa kinahinatnan ng pagtulong nila kay John.

Hindi raw nila lubos akalaing darating sa puntong aakusahan pa sila ni John na pinag-interesan nila ang nalikom na pera.

Kuwento ni Nadia, "Nagte-text sa amin 'yan nung nasa ospital pa 'yan, kung pupuwede, lalabas lang daw siya sa kalsada, magba-viral siya.

"Tinatakot na kami na lalabas lang siya para mag-viral siya. Kumbaga, yun talaga ang strategy niya."

Continue reading below ↓

Nitong paglabas ni John sa NKTI, iyon daw ang sinabi nitong gagawin niya para makakuha ng donasyon sa tao.

"Iyan ang modus. Para mag-viral, para kaawaan," diin ni Chuckie.

Natandaan naman ni Aster ang pag-aalala nila noong unang makita ang viral photos ni John sa Pasay noong July 27.

"Remember nung tinulungan siya ng isang Grab driver?

"More than two weeks na siyang di nakakakain ng solid food. And yet, nakuha niyang magmaneho ng sasakyan, and only God knows kung anong puwede mangyari sa kanya."

Tinawagan daw kaagad ni Aster si John noong gabing iyon.

Sabi ni Aster, "Nung nakita ko yung post na yun, agad ko siyang tinawagan. Sabi ko, 'Anak, bakit ka nakarating ng Pasay?'

"Kesyo daw hinahanap daw niya yung nurse na kaibigan niya para magpaturok siya, para magpakabit daw siya ng IV [intravenous]..."

Senyales na raw pala iyon ng bisyo diumano ni John.

Dagdag ni Aster, "'My god, do you have to go that far? May ospital na malalapit sa Quezon City. Huwag ka na lumayo.'

Continue reading below ↓

"Kinakanlong siya ng INC. Bakit hindi ka na lang nagpunta sa New Era Hospital, di ba?

"Kumbaga sa kuwento niya, ang daming lapses, e, kung pag-iisipan mo."

Napaisip na rin daw silang tatlo—Aster, Nadia, Chuckie—kung bakit pera ang hinihingi ni John noong na-confine ito sa ospital.

Ani Chuckie kay Nadia, "Sa totoo lang, naaalala mo, magpapadala ka ng pagkain kay John? Nagagalit pa yun kasi gusto niya yung pera, hindi yung pagkain.

"'May pera bang pinadala?' May ganun, e. Ayaw niya ng pagkain."

Pagsang-ayon ni Nadia, "Actually, pinadalhan ko pa siya ng pagkain. Tinapon daw sa basura."

Hindi rin daw nila akalaing aabot sa puntong lulunukin nila ang pagtatanggol na ginawa nila kay John para makumbinsi ang ilang kaibigang artista na mag-abot ng pinansiyal na tulong sa aktor.

Nahihiya raw sila na ang natirang cash donations na na-turnover nila kay John ay maaaring napunta lang sa bisyo.

Sabi ni Chuckie, "I couldn't believe na may tao palang ganun, naghihingalo na, mamamatay na, ang sama pa rin ng ugali talaga.

Continue reading below ↓

"Kaya sabi ko, honestly, kontrabida siya sa pelikula, demonyo siya sa totoong buhay," may hinanakit na saad ni Chuckie.

Pagsang-ayon uli ni Nadia: "Never dumaan sa isip ko na isang tao, ganyan ang sitwasyon, ever existed na kayang manakit at magsinungaling sa mga taong tumulong.

"Kaya I will pray for him badly.

"Sa personal kong buhay, I believe ang purpose ko is tumulong. Hindi ang isang John Regala ang sisira nung purpose ko na yun."

Pakiramdam daw ni Nadia ay tila nasaniban si John ng hindi magandang elemento.

Mensahe ni Nadia para kay John, "Brother, you need prayers badly. Hindi ako naniniwala na ikaw 'yan. May demonyo sa loob ng katawan mo.

"At hangga't di mo itigil na tanggalin 'yan sa loob ng katawan mo...Remember na may Panginoon.

"He never acknowledged that there is a God..."

PEP.ph zoom call interview with Chuckie Dreyfus, Aileen Dreyfus (left), Nadia Montenegro (right)

Continue reading below ↓

ON THE USUAL BASHERS

Umapela naman si Chuckie sa bashers na nagsasabing ang grupo nila nina Nadia at Aster ay mga "scammer."

May nagpapakalat pa raw ng malisyosong kuwento na waring may alam sila sa puno't dulo ng pagkalas ng grupo kay John.

Saad ni Chuckie: "Sasabihin niyo magnanakaw kami, scammer kami. You bother our children, and you swear, 'Mamatay na sana kayo, pamilya ninyo. Tatay mo scammer, magnanakaw...'

"Modesty aside, we do not deserve this. Nagmalasakit lang kami. Hindi namin responsibilidad tulungan si John, pero ginawa namin.

"Ang pananagutan namin, hindi kay John kundi doon sa mga taong nagbigay ng tulong kay John."

Pagpapatuloy ni Chuckie, "Please don't be too harsh when you judge us, alamin niyo muna ang buong katotohanan.

"Kung hindi ninyo alam, your opinion doesn't hold any water talaga. It just hurts people."

Masama rin ang loob ni Aster na sila pa nina Nadia at Chuckie ang pinupuntirya ng bashers, gayong ang tanging ninais raw nila ay ang mapabuti ang lagay ni John.

Continue reading below ↓

Makikita naman daw na kahit papaano ay lumakas ang aktor nang maospital ito sa NKTI.

Sabi ni Aster: "Nakakalungkot lang, lalo na yung mga bashers na wala naman alam kung anong puno't dulo, kung ano ang totoo.

"They'll accuse us na pinag-interesan lang namin ang pera, gusto lang namin sumikat...My god!

"Kasi ako talaga, hindi ako supposed to be sasagot, kasi bashers will always be bashers.

"And they will always say whatever they want, regardless kung may katotohanan o wala, basta makapag-bash lang.

"Ang lalakas ng loob. Sila kaya ang tumulong kay John. Tingnan natin kung anong puwede nilang gawin."

Pero hindi raw talaga mapapalampas ng grupo ang maling akusasyon ni John at ng bashers, dahil "dignidad" at "kredibilidad" na nila ang nakataya.

Dagdag ni Chuckie, "Marami nag-iiwan ng comments on social media, imposible raw sinasabi namin, na may sakit na si John mang-aabuso pa.

"Kung sa tingin niyo walang ganung tao—meron."

Continue reading below ↓

Ani Nadia, "Maniwala kayo. Naloko nga kami, e.

"Yes, I'm hurt. Super hurt kasi, unang-una, di namin deserve.

"Siguro, I believe na parang we're only in the middle of the storm. But I know there's always an end to this.

"There's always a reason for everything, and the reason that will always prevail is the truth. God is our witness."

Makailang beses sinubukan ng PEP.ph humingi ng interview kay John Regala kaugnay ng pahayag nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, Aster Amoyo, at Teddy Imperial.

Hindi pa siya sumasagot, at agad ilalathala ng PEP.ph kapag nagbigay ito ng pahayag.

JOHN'S FACEBOOK POST

Noong Martes, September 1, nag-post si John ng pahayag sa kanyang Facebook na nagsasabing nagkaayos na sila nina Nadia, Aster, at Chuckie.

Tapos na raw ang gulo, at nais niyang manahimik na.

Bahagi ng pahayag ni John: (published as is): "...MAY LUMALABAS NA NAMAN SA YOUTUBE NA AKO PO RAW AY MAGDEDEMANDA

Continue reading below ↓

"WALA PONG KATOTOHANAN LAHAT NG NABABASA NYO AT LUMALABAS SA YOUTUBE

"AKO PO AY NANAHIMIK NA PO GUSTO KO NA PO NG KATAHIMIKAN

"SANA IBIGAY NYO NA PO ITO SA AKIN BILANG REGALO NYO NA LANG PO SA AKING KAARAWAN NAGPAPASALAMAT PO AKO SA INYO."

Katakataka naman ito, dahil ngayon pa lamang nabigyan ng pagkakataon sina Nadia, Chuckie, at Aster na maglahad ng kanilang panig, bilang sagot sa mga akusasyon ni John sa kanila sa online show na Raffy Tulfo in Action.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, and Aster Amoyo (L-R) reveal how they discovered that John Regala (right) allegedly misuses a regulated drug daily. Nadia reveals, "Nagsumbong yung caregiver, meron siyang [John] sariling Nubain."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results