Hashtags member Zeus Collins pokes fun at death hoax

by Arniel C. Serato
Aug 29, 2020
Hashtags member and 'It's Showtime' dancer-performer Zeus Collins is the latest victim of death hoaxes. Here's how he handled the fake news about his "death."
PHOTO/S: Courtesy: @hashtag_zeuscollins on Instagram

Ginawang biro na lamang ng Hashtags member na si Zeus Collins ang balitang diumano'y namayapa na siya.

Kahapon, August 28, ipinost ni Zeus sa Instagram ang dalawang screenshots mula sa post sa Facebook ng netizens ukol daw sa kanyang pagpanaw.

Diumano, nahulog sa EDSA flyover ang minamanehong motor ng actor-dancer.

Buong post ukol sa balita: “Zeus Collins patay na matapos mahulog sa EDSA flyover habang naka motor ito.

“Nalamang lasing at mabilis ang patakbo ng motor ni Zeus kayat tumilapon siya…

“Panoorin niyo po sa wall ng profile ko ang video, Paalam Zeus.”

Sinamahan ang post ng larawan niya kung saan nakasulat dito ang mga salitang “R.I.P. Zeus Collins, 1993-2020.”

Sa caption ng post ni Zeus, tanging sabi niya ay “FAKE” ang nasabing balita.

Kaya naman ginawa na lamang niyang katatawanan ang balita ukol sa kanyang kamatayan.

Isang video ang kanyang isinama sa nasabing post.

Makikitang nakahiga siya sa may labas ng bahay.

Continue reading below ↓

Tanong ng girlfriend niya na kumuha ng video: “Patay ka na daw, love?”

Sagot ni Zeus, “Oo, patay na patay sa’yo.”

Continue reading below ↓

DEATH HOAXES

Hindi na bago ang mga balitang pinapatay ng ilang netizens ang celebrities.

Minsan, ginagawa nila ito upang pagkakitaan sa YouTube dahil nag-iimbento sila ng video tungkol sa kamatayan daw ng mga artista.

Nito lamang nakaraan, nabiktima na si Ogie Alcasid ng kahalintulad na balita.

Ang ilan pa sa mga diumano’y pumanaw ng celebrities na naibalita sa gitna ng COVID-19 pandemic ay sina Michael V, Rez Cortez, at JK Labajo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtags member and 'It's Showtime' dancer-performer Zeus Collins is the latest victim of death hoaxes. Here's how he handled the fake news about his "death."
PHOTO/S: Courtesy: @hashtag_zeuscollins on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results