Myrtle Sarrosa realizes life can be so fragile: "People around me could just disappear"

by Rose Garcia
Sep 5, 2020
Myrtle Sarrosa, who loses her stylist to COVID-19, says, “Parang all of a sudden, na-realize ko na yung mga taong nasa paligid ko will not always be there."
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram

Aminado si Myrtle Sarrosa na nakaramdam siya ng depression at anxiety dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa loob ng halos anim na buwan, mabibilang lang ang mga pagkakataong lumabas siya ng bahay.

Pero hindi raw panatag ang kanyang kalooban. Hindi siya makatulog.

Sa panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng video-conference app na Zoom noong August 17, 2020, aniya, “Lalo na yung mga first few months, nandito lang ako sa kuwarto. Wala akong nakaka-interact. Parang paulit-ulit na lang yung ginagawa ko every day.

"Nanonood na lang ako ng iba’t-ibang mga series, eventually na-realize ko, parang hindi na yata tama ito.

“Siguro nga minsan, nakakaramdam ako ng anxiety for myself kasi, nagwu-worry ako. May mga iba’t-ibang COVID scare rin within the family.

"A friend passed away because of COVID-19. Yung stylist ko, passed-away.

“Pati yung mom ko, just a few weeks ago got worried kasi, there’s someone from her work that she had an exposure.

Continue reading below ↓

"Yung mom ko was so worried. Nag-quarantine din sila ng parents ko.

"Pero thank goodness, negative siya. Siyempre, pati kaming lahat nag-worry..."

REALIZATIONS DURING PANDEMIC

Dahil nasa loob lang daw siya lagi ng kuwarto niya, maraming oras ang kanyang ginugol sa pagmumuni-muni.

“Lalo na yung mga first few months, nandito lang ako sa kuwarto. Wala akong nakaka-interact. Parang paulit-ulit na lang yung ginagawa ko every day."

Anu-ano ang mga realizations niya?

“Yung value of life,” sagot ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 winner.

“Parang all of a sudden, na-realize ko na yung mga taong nasa paligid ko will not always be there. So you should value them and be grateful to them.

“Yun talaga ang na-realize ko, kasi halos kaedad ko lang yung stylist ko. Noong nawala siya, parang hindi talaga kami makapaniwala.

"'Tapos, na-realize ko na yung mga people around me could just disappear, so value them."

Napagtanto rin daw niya na lahat ng meron siya ngayon ay puwedeng mawala.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ng kakalipat lang na Kapuso star, “Na-realize ko rin ang value of health. Dati, pabaya ka lang sa kinakain.

"Then na-realize ko rin ang value ng money. Di ba yung work, hindi mo aakalain na puwede palang one day, wala ka ng gagawin.

"Na-realize ko rin na you won’t always have money in your wallet, so you must always have to be mindful sa mga ginagastos mo."

Apektado rin daw siya dahil may mga investments siya sa ilang business tulad ng restaurant at franchise na ngayon ay hindi pa operational.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Myrtle Sarrosa, who loses her stylist to COVID-19, says, “Parang all of a sudden, na-realize ko na yung mga taong nasa paligid ko will not always be there."
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results