Bro. Jun Banaag’s Dr. Love back on air in September: “Hindi po natutulog ang Diyos.”

by Arniel C. Serato
Aug 29, 2020
Bro. Jun Banaag announces on Facebook today, August 29, the return of his program on DZMM Teleradyo a day after he bade farewell to his avid viewers and followers yesterday, August 28.
PHOTO/S: Courtesy: Bro Jun Banaag on Facebook

"Wala ho akong planong lumipat ng himpilan, mawala man ang programa ko. Ako’y mananatili na lamang po sa bahay at maghihintay na lang ng pagkakataon muling tawagin ng kumpanya para ibalik ang programang Dr. Love."

Ito ang deklarasyon ni Bro. Jun Banaag sa kanyang programa noong gabi ng Miyerkules, August 26, kaugnay ng nakaambang pagkawala ng Dr. Love sa ere pagdating ng Biyernes, August 28.

Pero mukhang nagdilang anghel si Bro. Jun dahil, isang araw makalipas ang kanyang final broadcast sa DZMM, inanunsiyo naman niyang muling makakabalik sa ere ang kanyang programang Dr. Love sa darating na September 5, Sabado.

Yun nga lang, lingguhan na lamang ang kanyang programa, hindi katulad dati na gabi-gabi ito napapakinggan at napapanood, mula Lunes hanggang Biyernes.

Sabi ni Bro. Jun sa kanyang post sa Facebook ngayong araw, August 29: “To all those who prayed for the extension of the program, DR. LOVE RADIO SHOW on DZMM Teleradyo.

Continue reading below ↓

“The Almighty heard our prayers!

DR. LOVE RADIO SHOW WILL AIR AT 9-10 PM ON WEEKENDS STARTING SEPT. 5!”

Nagpasalamat naman si Bro. Jun sa mga masugid niyang tagasubaybay na nagdasal para sa kanyang pagbabalik. Itinuturing daw niya kasing misyon at hindi trabaho ang kanyang pagpuprograma.

Sabi pa niya, “Maraming maraming salamat po sa inyong panalangin. May pag-asa pa. Hindi po natutulog ang Diyos. Magbabalik tayo sa normal.

“THIS IS NOT A JOB, THIS IS OUR MISSION AND APOSTOLATE. SHABBAT SHALOM!”

Continue reading below ↓

21 YEARS ON AIR

Isa ang programa ni Bro. Jun sa mga naapketuhan sa hindi pagkagawad ng Kongreso ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN CORPORATION, ang parent company ng DZMM.

Tumagal ng lagpas sa 21 taon na ang kanyang programang Dr. Love sa ere kaya daw masakit para sa kanya ang pagkawala nito.

Sabi pa niya sa kanyang programa noong Miyerkules, "Sa araw ng Biyernes ang pinakahuling episode ng ating programang Dr. Love radio show after twenty-one years.

"After all those awards that the program has received, after all the acclamations that the program has gained from people, sa lahat ng makukulay na mga kasaysayan na naganap sa programa sa loob ng dalawampu’t isang taon, wawakasan po natin sa Biyernes, a-beinte otso ng Agosto.”

Naunawan daw niya ang desisyon ng management kung bakit humantong sa ganito ang lahat.

"In as much as we want, nauunawaan natin ang management, pero huwag po tayo mawalan ng pag-asa.

Continue reading below ↓

"Ginagawan ng paraan ng management na hindi mawala ang programa natin sa abot ng kanilang kakayanin. Kahit sa weekend, kahit isang oras lang, pipilitin tayong ilagay."

Masakit man daw ay kailangan niyang tanggapin ang resulta ng kawalan ng prangkisa ng broadcast giant.

"Napakasakit po, sa loob ng dalawampu’t isang taon, tayo’y magkakasama for two hours. We were just contented with just one hour left, pero kailangan nating tanggapin ang mga pangyayari.”

Mapapanood na lamang sa ngayon ang ilang mga programa ng DZMM sa online, iWantTFC, at cable.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bro. Jun Banaag announces on Facebook today, August 29, the return of his program on DZMM Teleradyo a day after he bade farewell to his avid viewers and followers yesterday, August 28.
PHOTO/S: Courtesy: Bro Jun Banaag on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results