BB Gandanghari details romantic encounter in San Francisco of Rustom Padilla and a famous actor

by Jojo Gabinete
Sep 1, 2020
BB Gandanghari (left) on Rustom Padilla's (right) passionate kiss with a famous actor: “It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, e."
PHOTO/S: YouTube / ABS-CBN

Sa guesting ni Rustom Padilla sa radio program ni DJ Mo Twister noong January 2007, tumanggi ang aktor na sagutin ang forbidden question. Ito ay kung may nakasiping na siyang sikat na male personality.

“Alam mo, ang hirap kasi sa question mo, famous, e. Kahit initials lang, patay tayo pareho!

“Alam mo, it’s not that I care, kaya lang he’s not out, I guess. Kawawa naman,” sabi noon ni Rustom.

Thirteen years later, detalyadong ikinuwento ni BB Gandanghari—ang katauhan ni Rustom mula pa noong 2009—ang pagsisimula ng atraksyon sa pagitan nila ng kapwa aktor na nakasama niya sa isang show sa San Francisco, California, noong 2001.

Inilahad ito ni BB sa live streaming niya sa YouTube noong Linggo, August 30. May titulo itong "I Left My Heart in San Francisco: Who is David and Jonathan?"

DAVID AND JONATHAN

Para pangalagaan ang pagkatao ng mga karakter, itinago ni BB si Rustom sa pangalan na “David” at ang mystery actor sa pangalan na “Jonathan.”

Continue reading below ↓

Paalaala ni BB, “Alam niyo na kung sino si David at Jonathan, but just so maingatan natin yung punto ng kuwento na this is still about love, excuse me, as far as Rustom is concerned.

“Hayaan natin itong tawagin na David and Jonathan para maiwasan yung mga salitang nakakasakit.

“Mga salitang mapanghusga, so huwag muna, makinig muna kayo.”

Pero may kasabihang nahuhuli ang isda sa sariling bibig.

Sa kanyang paglalahad, paulit-ulit na nabanggit ni BB ang mga pangalang "Rustom" at "Piolo."

Nag-umpisa ang kuwento ni BB sa rehearsals ng passion play na Kristo, na itinanghal sa San Francisco, California, noong 2001.

Kasama ni Rustom dito sina Alice Dixson, Rosanna Roces, Mat Ranillo III, Rez Cortez, Judy Ann Santos, at Piolo Pascual.

Ayon kay BB, mga apostoles ang karakter na ginampanan nina Rustom (St. Peter) at Piolo (St. John).

May awkwardness sina "David" at "Jonathan" sa isa’t isa sa rehearsal para sa passion play, pero pagkatapos ng kanilang successful show, nagkayayaan sila sa isang club, kasama ang buong grupo.

Continue reading below ↓

“Si Rustom, magaling makisama. At yun din ang masasabi ko, si Jonathan, magaling makisama. May click in other words.

“It clicked, parang isang barkada na nag-gel. Nag-gel si Rustom sa grupo.

“Nag-umpisa bilang buddies, enjoying each other’s company,” pagbabalik-tanaw ni BB.

Malinaw na natatandaan ni BB na hinamon ni Jonathan si David na uminom ng Bacardi 151 habang nasa club sila.

“They drank it. They just danced the whole night. It was a night to remember.

“Rustom had so much fun kaya ayokong maging defensive sa ikinukuwento, kasi Rustom, after a long time, was genuinely happy that night.

“Rustom, after a long time, genuinely felt cared for… hindi lang dahil kay Piolo, pero lahat ng kasama niya at that time was really very…

“That made the night more memorable.”

Ibinahagi rin ni BB ang paghanga niya kay "Jonathan" dahil sa pagmamahal nito sa pamilya, na ipinakilala niya kay "David" noong nasa San Francisco sila.

Continue reading below ↓

“In that moment na ipinakilala ni Jonathan si David sa pamilya niya, isang mabait na Jonathan ang nakita niya.

“Before anything, kaibigan, kaibigan ang nakita ni David, masayang kasama, mukhang fearless and, basically, the whole night, they were on the same page.”

THE KISS OUTSIDE THE BATHROOM

Paglalahad ni BB, maagang nagsasara ang mga club sa San Francisco kaya nagkayayaan ang grupong pumunta sa isang bahay bago sila bumalik sa hotel na tinutuluyan.

Pero dahil matagal na panahon na ang nakalipas, hindi matandaan ni BB ang pangalan ng may-ari ng bahay.

“Nagpunta sila dun sa bahay and they drank more, kuwentuhan, kuwentuhan, more bonding.

“And niyaya ni Jonathan si David na lumabas para maglakad. It’s three in the morning.

“Lumabas, naglakad silang dalawa, nag-uusap, nagkikilanlan and, again, kung ang pagbabatayan, e kung ano ang nararamdaman ni Rustom noon, nabaitan siya kay Jonathan.

“Nakita niya ang sarili niya kay Jonathan when he was 23, when he was starting [sa showbiz].

Continue reading below ↓

“Pero nakita din niya kay Jonathan yung fearlessness, may fearlessness siyang nakita na, actually, amazed.

Amazed may not be the right word for that pero, honestly, parang ang feeling ni Rustom, ‘I wish I have his fearlessness.’

“In a matter of one day, lumalalim yung connection, nagba-bonding nang sobra thru pakikipag-usap. Yung nagkukuwentuhan lang.”

Ipinagpatuloy ni BB ang pagkukuwento tungkol sa pagbabalik nina "David" at "Jonathan" sa bahay, at ang isang pangyayaring magpapabago sa buhay ng dalawa.

“By the time na pumasok sila ng bahay, pretty much si Rustom, of course, nakainom na siya.

"Pero charmed, to say the very least, I think he found the guy, parang, genuine.

“So, kuwentuhan, kuwentuhan… Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee.

“Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed,” ang sabi ni BB.

“It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, e.

Continue reading below ↓

“But, it ended there when they realized may mga tao sa baba. They stopped, and then bumaba na si Rustom.

"So, habang lumalalim ang gabi, palalim din nang palalim ang kumunoy na pinapasok ni Rustom dahil, kinabukasan, meron siyang kikitain na babae, remember?”

Ang tinutukoy ni BB ay ang dadaluhang religious gathering ni Rustom, kung saan may ipakikilala sa kanyang babae na baka-sakaling maging kapalit sa ex-wife nitong si Carmina Villarroel sa puso niya.

Noong panahong iyon ay apat na taon nang hiwalay sina Rustom at Carmina, na nagpakasal noong 1997. Na-annul ang kanilang kasal noong 2002.

THE MORNING STROLL

Nang umagang iyon, bumalik ang grupo sa hotel na tinutuluyan, at nagkaroon ng pagkakataon sina “Jonathan” at “David” na magkatabi sa upuan sa likod ng sasakyang maghahatid sa kanila.

Sinabi ni BB na tinanong ni Jonathan si David kung ano ang gagawin nito ng 10 a.m., na sinagot ni David ng, “Matutulog.”

Continue reading below ↓

Nag-propose umano si Jonathan na magkita sila ni David ng 11 a.m. bago pumunta si Jonathan sa isang lunch.

“Yung after that kiss at nung pauwi sila sa hotel, malaki na ang iginugulo ng isip ni Rustom,” ani BB.

“Malalim ang baon na faith ni Rustom sa Kanya so, at this time medyo akala niya, doon na matatapos.

“The night is over, but then, the fact remains, sumasaya yung puso, kaya dun na siya nalilito.

“Kung pagbabatayan ang puso, it feels so right.

“That early, yun ang pinagdaraanan ni Rustom, may guilt kaagad.”

Nang magyaya raw si "Jonathan" na magkita uli sila, pumayag si "David."

“He was charming, fearless, siyempre bata, go, go, go.

“Rustom said, ‘Yes, sige, maligo lang tayo, tapos magkita uli tayo sa lobby, ikot-ikot lang.’”

Kasama ni "David" sa hotel room ang kanyang manager na hindi niya pinangalanan. Nang makita ng manager na palabas si "David" sa kanilang kuwarto, tinanong niya ang aktor kung saan ito pupunta.

Continue reading below ↓

Ayon kay BB, naranasan ni Rustom ang magsinungaling dahil, imbes na sabihing magkikita sila ni “Jonathan,” sinabi niyang pupunta siya sa amusement park na katapat ng hotel na tinutuluyan nila.

Patuloy niyang kuwento, “Nagkita sa park, they started strolling and talking and getting to know each other.

“But this time, parang nagiging maliwanag yung, ‘Uy, I like you, you like me.’ You know what I mean? Parang nagiging maliwanag ‘yon.”

Pagpapatuloy niya, “Kay Rustom, at this moment, this was… hindi sa nagmamalinis, pero ito talaga yung unang pagkakataon na naramdaman ni Rustom na merong may gusto sa kanya na same sex.

“Dito niya naramdaman yung kilig towards same sex. Na parang the feeling is so similar.

“They were strolling, strolling na hindi nila namalayan na two hours has passed.

“And then, eto na, tawag na, hanap na. Nagkakagulo na pala sa hotel kasi hindi alam kung nasaan si ano. Isang oras na siyang hinanap.

Continue reading below ↓

“So, nag-usap, sabi niya [Jonathan], ‘Anong oras ang lakad mo mamaya?’

“Ang sabi ni David, ‘Susunduin ako ng ala-sais.’

“Ang sabi ni Jonathan, ‘Sige, lunch lang ito. Puwede ba kitang puntahan after ng lunch?’

“Sabi ni Rustom… ni David, ‘Sige, tawagan mo na lang yung hotel room kasi nandoon lang naman ako. Matutulog na ako.’

“Sabi niya [Jonathan], ‘Sige, tatawagan kita.’”

HOT STORIES

THE FIRST LIE

Nang bumalik si "David" sa hotel, ang manager niya ang kanyang nabungaran. Nagtatanong ang manager kung magkasama sila ni “Jonathan” dahil hinahanap na ang huli para sa lunch na pupuntahan nila ng mga kasamahan niya.

“Pagdating ngayon ni Rustom sa hotel, naku, eto na yung manager. Sabi sa kanya, ‘Saan ka nagpunta?’

“Sabi ko, ‘Ha, dun nga sa amusement park.’

“Sabi niya, ‘Kasama mo si Piolo?’

“Sabi ko, ‘Hindi, nagkita lang kami sa baba, pero hindi siya sumama.’

“All of a sudden, Rustom now is automatic, parang living a lie. Automatic.

Continue reading below ↓

“And it’s really first, kasi kung babae, walang problema, di ba? Pero yun na yung manifestation na this will be a very hard time. Right away.

“Rustom was very torn, kasi as much as he’s enjoying kung ano ang nae-experience niya bilang David, gawin na lang nating ganoon.

“Kung si Rustom, imbes na parang nae-enjoy niya yung nae-enjoy niya as David, aba, meron din siyang iniisip na… Aba, meron siyang memorial na a-attend-an. Merong Diyos na nakakakita sa kanya, kaya ingat na ingat din si Rustom.

“Nag-e-enjoy siya as David, pero may kikitain siyang babae. May isine-set up sa kanya.”

THE PRIVATE MOMENT

Nang araw ring iyon, nag-check out sa hotel ang manager ni "David" kaya solo na lamang itong naiwan sa kuwarto.

Dahil dito, nagkaroon sila ng pribadong oras ni “Jonathan” nang bumalik ito mula sa pinanggalingang tanghalian.

“True enough, mga 2 p.m., nagri-ring ang hotel phone. Sinagot ni Rustom, 'Hello,' si Jonathan on the other end.

Continue reading below ↓

“Sabi niya [Jonathan], ‘Puwede ba akong umakyat?’

“Sabi ni Rustom, ‘Sige, halika na. Okey naman.’

“Sabi niya [Jonathan], ‘May kasama ka ba diyan?’

“Sabi niya [David], ‘Halika, akyat ka dito.’

“So, umakyat si Jonathan. Pagdating ni Jonathan, meron siyang bottle of wine at tatlong pirasong saging. Talagang may saging.

“Sabi lang niya [Jonathan], ‘A, iniuwi ko lang ito kasi baka hindi ka pa kumakain.’ E, totoo naman, hindi pa talaga kumakain. Diretso, ngarag!” natawang reaksiyon ni BB habang nagkukuwento.

“So, may ganoong klaseng thought. Sinabi ko lang yung detalye kasi may ganoong klase ng thoughtfulness.

“Maybe very little things, but kung si Rustom ang tatanungin, malaking bagay sa kanya ang ganoong bagay. Parang na-appreciate niya ‘yon."

MALE BONDING

Sumunod na ikinuwento ni BB ang nangyari kina "Jonathan" at "David" sa loob ng kuwarto.

“So, pinapasok niya, nagkuwentuhan sila. Ganoon din, binuksan ang wine. Nagkuwentuhan pa nang nagkuwentuhan. Nagkakilanlan, nagtatawanan, nagbibiruan.

Continue reading below ↓

“It was really more of parang male bonding. Hindi naman sila nagpi-flirt, pero alam mong between them, there was an attraction.

“Yun na yung malinaw kay Rustom at that time. Na he clearly…na parang, ‘Bakit ngayon?’

“Siguro, at the back of his head, habang nag-uusap silang dalawa ni Jonathan, at the back of his head, ‘Bakit ngayon?’

“Kasi nga, yun talaga ang totoo, yun yung mga panahon na akala ni Rustom [he] is all set. Akala ni Rustom, he is spiritually strong to fight all the time those kind of feelings."

Patuloy niyang paglalahad, “Right at this time, nagme-male bonding silang dalawa.

“Surprisingly, nagkaroon sila ng private moment. Hindi talaga sinasadya ‘yon. All of a sudden, they found themselves in their own privacy.

“While nag-iinuman sila at nag-uusap, parang biglang… Alam niyo naman ang dalawang tao na nag-e-enjoy sa isa’t isa, di ba?

“Then, all of sudden, they realized na, 'Wow, we are suddenly alone.' Wala pa kasi akong pagkakataon na maging alone, honestly, that’s the truth.”

Continue reading below ↓

Habang nag-uusap sina "David" at "Jonathan," nagkatitigan daw ang mga mata nila, na humantong sa halikan at yakapan.

Ayon kay BB, “I think David saw love in Jonathan’s eyes. If not attraction, but he saw something in Jonathan.

“And then they kissed again and again and again. They embraced, they kissed, but basically that.

“No touching, nothing, just really embracing and kissing.

“That was enough for Rustom, and then they slept, embracing each other.

“And then, five o’clock na. Rustom stood up, he took a bath, nag-prepare para sa pupuntahan niya.

“And then, around 5:30, Jonathan, nag-usap sila.

"And then, nagpaalam nang mahusay si Jonathan. Pero nagtanong si Jonathan ng, ‘Anong oras ang balik mo?’

“This time, hindi talaga alam ni Rustom ang balik niya. Makikilala na niya yung babae.

“Ang sagot lang talaga ni Rustom, ‘Hindi ko alam kasi ang schedule ni Rustom was memorial, and then magdi-dinner with dun sa ipapakilala sa kanya.’

Continue reading below ↓

“So, sabi ni Jonathan, ‘Oh, perfect, can I call you later?’

“Sabi ko, sige, ‘Tumawag ka lang dito sa hotel. Mag-iwan ka lang ng message.’ Kasi wala naman ibang communication other than that.

“They embraced one more time. Parang, all of sudden, may relationship. They embraced, they kissed quickly, and then naghiwalay.

“Pero alam mong deep in their head, magkikita sila uli. ‘I’ll see you later,’ yun ang dating. Walang dramatic…

“Ang point is, we’ll just see each other later. Pero kay Rustom, nag-uumpisa pa lamang ang turmoil.

“So, paglabas ni Jonathan ng kuwarto, nung naiwan si Rustom sa hotel, habang naghihintay ng sundo, hindi na niya alam kung ano na ang nangyayari. Grabe na yung konsensiya.”

Dito na naputol ang kuwento ni BB.

Nangako siyang itutuloy ang kuwento tungkol kina “David” at "Jonathan," sa susunod na kabanata ng kanyang vlog.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari (left) on Rustom Padilla's (right) passionate kiss with a famous actor: “It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, e."
PHOTO/S: YouTube / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results