Melissa Ricks says fiancé Michael Macatangay is an answered prayer

by Arniel C. Serato
Sep 1, 2020
Melissa Ricks and non-showbiz boyfriend Michael Macatangay got engaged in a simple ceremony last Saturday, August 29, in Rosario, Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: @mellyricks09 on Instagram / Nice Print Photo

Aminado si Melissa Ricks na tila gumuho ang kanyang mundo may dalawang taon na ang nakararaan.

Nawalan siya ng pag-asa dahil wala siyang pera, walang trabaho, at naramdaman niya ang pag-iisa bilang isang single mom.

Nakaramdam din siya ng takot noong mga panahong iyon.

Ito ang rebelasyon ni Melissa sa kanyang Instagram post kahapon, August 31—dalawang araw matapos siyang ma-engage sa non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay noong Sabado, August 29.

Ibinahagi rin ng aktres kung paano niya nakilala ang kanyang fiancé.

Ayon kay Melissa, tumimo nang husto sa isipan niya ang sinabi ng isang kaibigan: “Your best days are still ahead of you.”

Saad pa niya, “Somehow this made me cry, I held on to that.

“That was 2 years ago, When I felt like everything was falling apart.

“I was feeling hopeless I didnt have as much money as I did before, I was a single mom, I was alone, I didnt have work and I was scared…”

Continue reading below ↓

Dahil sa kanyang naranasang kawalang kasiguruhan sa buhay, ibinaling ni Melissa ang kanyang atensiyon sa Panginoon.

Nanalig ang aktres na hindi siya pababayaan ng Diyos, pati na ang kanyang limang-taong-gulang na anak na si Kiera.

Si Kiera ay anak ni Melissa sa dati niyang karelasyong si Charles Togezaki, isang chef at businessman.

Ayon sa Star Circle Quest alumna, “That was when I turned to God, I knew that hindi niya ako papabayaan, hindi niya kami ni Kiera papabayaan, He was the one I could rely on..

“He was my rock. Its true, rock bottom is where you rebuild your life, Where God will rebuild your life.

“Sometimes God mixes up your plans, tests your faith."

Kahit ilang oras daw ang layo ng Batangas sa kanyang bahay sa Maynila, hindi ito naging balakid sa aktres upang makadayo sa simbahan doon upang magdasal.

“This led me to Jesus the Anointed One Church in Rosario, Batangas.

Continue reading below ↓

“Yes, that is 2 1/2 hrs away from where I live, but I made it a point to attended Sunday services there when I could, because there, somehow it felt like I was home, it felt right…

“I felt safe, I didnt feel judged, I felt like my worries were taken away, and I felt like I had a family there.”

“SANA PO MAY MAKATABI AKO”

Noong unang araw ng kanyang pagsimba sa Jesus the Anointed One Church, ipinaubaya raw ni Melissa sa Diyos ang kanyang kinabukasan at buhay.

Lahad niya pa rin sa Instagram: “The first time I walked into the church I said a little prayer, 'Lord, I surrender, what ever plans you have for me, I accept, if it is meant that I will raise kiera on my own I accept, I leave it all in your hands.'

“As my relationship with the Lord started to grow, I learned to talk to God as if he was a friend.”

Continue reading below ↓

Hindi na rin daw siya nahiya sa Panginoon na hilinging sana ay makahanap siya ng lalaking karapat-dapat sa kanya.

At hindi naman daw siya binigo ng Diyos.

“In a separate prayer on one of my visits, nag baka sakali lng ako, actually it was more like a thought, 'Lord, baka naman po may ma meet ako dito, un alam ang sakit, un napagdaanan na ang lahat, un masipag, un mabait, mahal ako and mahal anak ko, but most of all may takot sa Diyos.'

“'Sana po may makatabi ko,' I smiled thinking as i prayed.

“A few months later, I walk into church, like I did every Sunday along with Kiera, and I sat in the front row.. right next to Michael.”

Continue reading below ↓

Hindi naman naikuwento ni Melissa kung kailan ang magiging kasal nila ni Michael.

Naugnay rin noon si Melissa sa mga showbiz personality na sina Jake Cuenca at Paul Jake Castillo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Ricks and non-showbiz boyfriend Michael Macatangay got engaged in a simple ceremony last Saturday, August 29, in Rosario, Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: @mellyricks09 on Instagram / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results