GCQ and MGCQ Guidelines: What You Need to Know Again

by Jet Hitosis
Sep 1, 2020
The government has relaxed restrictions on religious gatherings in Metro Manila, allowing up to 10% of the seating capacity in places of worship, like in Quiapo church (left), where physical-distancing markers can be seen on the floor. Also, dine-in services in restaurants are permitted under GCQ and MGCQ guidelines, as long as minimum health protocols are observed (right).
PHOTO/S: Jerome Ascano

Ilang buwan bago ang Pasko, nagluwag ang gobyerno sa limitasyong ipinatutupad sa religious gatherings sa Metro Manila,

Kung dati ay limitado lang sa 10 katao ang maaaring magtipun-tipon sa misa, papayagan na ngayon ang 10 percent seating capacity sa mga simbahan.

Batay ito sa rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC), na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang MMC ang policy-making body na binubuo ng lahat ng alkalde sa Metro Manila.

Ang IATF ang official policy-making body ng gobyerno sa laban nito sa COVID-19.

Inihayag ng Malacañang ang patakaran sa mga religious activities ngayong Martes, September 1, isang araw makaraang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila nang isang buwan.

Sa kanyang televised speech nitong Lunes ng gabi, August 31, sinabi ni Duterte na simula September 1 - September 30 ay isasailalim sa GCQ ang:

Continue reading below ↓

National Capital Region (Metro Manila); Bulacan; Batangas; Bacolod City, Negros Occidental; Tacloban City, Leyte.

Kasabay nito, paiiralin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Iligan City, Lanao del Norte.

Samantalang ang iba pang lugar sa bansa ay isasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ), alinsunod sa Resolution No. 67 ng IATF.

GCQ AND MGCQ GUIDELINES

Kung ang GCQ ay ang pagpapatupad ng kaluwagan sa maraming quarantine protocols, mas lumawak pa ang kaluwagang ito sa MGCQ.

Ang MGCQ kasi ang huling kategorya sa quarantine protocols bago ng transition sa “new normal.”

Sa kabila nito, mahigpit pa ring ipatutupad sa GCQ at MGCQ ang minimum health protocols sa mga pampublikong lugar, public transportation, at lugar ng trabaho, na ginagawa na natin sa nakalipas na anim na buwan.

Pero mayroon pa ring mga establisimyento at serbisyong ipinagbabawal sa ilalim ng GCQ guidelines, na pinapayagan na sa mga lugar na nasa MGCQ.

GOING OUT OF HOMES UNDER GCQ, MGCQ

1. Batay sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines, sa ilalim ng GCQ at MGCQ ay bawal pa ring lumabas ng bahay ang:

Continue reading below ↓

—edad 20 pababa

—senior citizens

—may malalang sakit

—buntis

2. Mahigpit pa ring paiiralin ng mga establisimyento ang:

—mandatory temperature checks

—pagsusuot ng face mask at face shield

—isang-metrong physical distancing

3. Magpapatupad pa rin ang local government units (LGUs) ng curfew.

Sa Metro Manila, batay sa rekomendasyon ng MMC, pinaikli na ang curfew hours sa 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga simula ngayong September 1.

Binigyang-laya ng gobyerno ang LGUs na magtakda ng sarili nitong oras ng curfew, pero karamihan ay nagsisimula ng 8:00 ng gabi - 5:00 ng umaga.

4. Mayroon pa ring checkpoints sa ilang lugar, kaya pinakamainam na laging magdala ng valid I.D. tuwing lalabas ng bahay.

Nakadepende rin sa LGUs ang pagpapatupad ng checkpoints at paggamit ng quarantine pass, batay sa ginawang assessment sa sariling lungsod o munisipalidad.

PUBLIC TRANSPORTATION, GOVERNMENT OFFICES DURING GCQ, MGCQ

1. Mahigpit pa ring ipatutupad ang isang metrong distansiya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon sa ilalim ng GCQ at MGCQ.

Continue reading below ↓

Bagamat nag-o-operate na ang halos lahat ng public transportation sa ilalim ng GCQ, mas marami ang papayagang bumiyahe sa MGCQ.

Halimbawa, sa mga public utility jeepneys (PUJs) at UV Express vans, mas maraming ruta ng biyahe ang bubuksan ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng MGCQ.

2. Balik-operasyon na rin ang lahat ng government offices sa ilalim ng GCQ at MGCQ.

MALLS, RESTOS, CONSTRUCTION PROJECTS DURING GCQ, MGCQ

1. Sa ilalim ng GCQ at MGCQ, tanging non-leisure stores—supermarkets, hardware stores, clothing shops—pa rin ang bukas sa mga shopping malls at commercial centers.

Mahigpit pa rin ang pagpapairal ng physical distancing sa loob ng mga establisimyentong ito.

Ang kaibahan lang ay ang maximum capacity na ipinatutupad kung ang establisimyento ay nasa GCQ o MGCQ areas.

Sa mga lugar na nasa GCQ, 50 percent lang ng kapasidad ng mall o shopping center ang papahintulutan, pero 100 percent na ng capacity ng establisimyento ang papayagan sa ilalim ng MGCQ.

Continue reading below ↓

—Shopping malls, commercial centers

GCQ: 50% maximum capacity

MGCQ: 100% maximum capacity

2. Pinapayagan na ang dine-in sa mga restaurants at iba pang kainan sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.

—Dine-in at restaurants

GCQ: 50% maximum capacity

MGCQ: 75% maximum capacity

3. Pupuwede na ring magsagawa ng pribado at public construction projects, alinsunod sa GCQ at MGCQ guidelines.

—Construction projects

GCQ: 50% maximum capacity

MGCQ: 100% maximum capacity

Narito ang listahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ng mga industriyang isinara o nilimitahan ang operasyon sa ilalim ng MECQ, pero pinapayagan nang mag-operate sa ilalim ng GCQ at MGCQ.

Continue reading below ↓

SALONS, GYMS, INTERNET CAFES, FILM & TV PRODUCTIONS FOR GCQ, MGCQ AREAS

Sa guidelines ng GCQ at MGCQ, pinapayagan na ring mag-operate ang mga barberya at beauty salons, gyms, at internet cafes.

Bagamat may pangkalahatang polisiya ang gobyerno tungkol sa balik-operasyon ng mga establisimyentong ito, nasa LGUs ang pagpapasya kung uubra sa kanilang lungsod o munisipalidad na ipatupad ang mga patakarang ito.

Continue reading below ↓

—Barbershops, salons

GCQ: 50% maximum capacity

MGCQ: 75% maximum capacity

—Gyms, fitness centers, sports facilities

GCQ: 30% maximum capacity

MGCQ: 50% maximum capacity

—Internet cafes, review centers, testing at tutorial centers

GCQ: 30% maximum capacity

MGCQ: 50% maximum capacity

—Film, music, at TV productions

GCQ: 50% maximum capacity

MGCQ: 100% maximum capacity

Continue reading below ↓

MASS GATHERINGS DURING GCQ, MGCQ

Naghihigpit pa rin sa mass gatherings sa ilalim ng GCQ at MGCQ.

Gayunman, pinayagan na ang 10 percent seating capacity para sa religious activities sa ilang lugar, kabilang na ang Metro Manila.

Sa kabila nito, hanggang maaari ay nililimitahan pa rin ang bilang ng nagsasama-sama sa mga memorial parks o sementeryo, mahahalagang government services, at humanitarian activities sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.

ESTABLISHMENTS, SERVICES NOT ALLOWED UNDER GCQ, BUT PERMITTED DURING MGCQ

Alinsunod sa GCQ guidelines, sarado pa rin ang:

—traditional cinemas at teatro

—language, driving, dance/acting/voice schools

—libraries, museums, cultural centers

—tourist destinations (water parks, beaches, resorts).

Nananatili ring ipinagbabawal ang mga serbisyong tulad ng:

—full-body massage

—tattoo at body piercing

—live events

Pero sa mga lugar na nasa MGCQ, pinapayagan na ang 50% maximum capacity sa mga nabanggit na establisimyento at serbisyo.

Continue reading below ↓

Sa latest data ng Department of Health (DOH) nitong August 31, pumalo na sa 220,819 ang kabuuang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa bilang na ito, 157,562 ang gumaling, habang 3,558 ang namatay.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The government has relaxed restrictions on religious gatherings in Metro Manila, allowing up to 10% of the seating capacity in places of worship, like in Quiapo church (left), where physical-distancing markers can be seen on the floor. Also, dine-in services in restaurants are permitted under GCQ and MGCQ guidelines, as long as minimum health protocols are observed (right).
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results