Janine Gutierrez, Nadine Lustre on new PhilHealth Chief admitting zero experience in public health: “LORD HAVE MERCY.”

by Jet Hitosis
Sep 2, 2020
Janine Gutierrez, PhilHealth Chief Dante Gierran, Nadine Lustre
Actresses Janine Gutierrez (left) and Nadine Lustre (right) repost news articles quoting newly-appointed PhilHealth Chief Dante Gierran's (center) admission that he has no experience in public health services. As Janine comments a short prayer, Nadine reacts with a facepalm meme.
PHOTO/S: @janinegutierrez, @nadine on Instagram, Presidential Communications Operations Office

Ipinagpapasa-Diyos na lang ni Janine Gutierrez ang kapalaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), habang nahiya naman si Nadine Lustre para kay bagong PhilHealth Chief Dante Gierran.

Ganito ang naging reaksiyon nina Janine, 30, at Nadine, 26, sa pag-amin ni Gierran na wala siyang anumang karanasan sa public health services.

Si Gierran, 65, ay isang abogado, certified public accountant, at retiradong National Bureau of Investigation (NBI) director.

Sa interview sa kanya ng ANC nitong Martes ng umaga, September 1, inamin ni Gierran na “scared” siya sa bagong tungkuling gagampanan sa PhilHealth.

Wala raw kasing ideya ang retired NBI director tungkol sa operasyon ng state insurer.

“I'm scared because I don't know the operations of PhilHealth,” sinabi ni Gierran sa ANC host na si Karen Davila.

Tanong ni Karen, sa palagay ba ni Gierran ay kuwalipikado ito para pamunuan ang PhilHealth?

Sagot ni Gierran: “I don't know about public health. I don't know about that.

Continue reading below ↓

“What I have knowledge of is financial management, being a certified public accountant, and about law, about insurance. And of course, my knowledge about investigation.”

JANINE, NADINE REACT

Martes ng hapon, ni-retweet ni Janine ang isang artikulo tungkol sa pag-aming ito ni Gierran.

Tatlong salita na nasusulat sa capital letters ang caption ni Janine: “LORD HAVE MERCY.”

Continue reading below ↓

Dismayado ang Kapuso actress na ipinauubaya ng gobyerno sa isang hindi public health expert ang pamumuno sa PhilHealth.

Nataon pa ito ngayong nababalitang kinakapos ang pondo ng PhilHealth dahil sa kurapsiyon, habang may kabuuang 226,440 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa ngayong may pandemic.

Samantala, sa Instagram Stories ay nag-post si Nadine ng kanyang reaksiyon sa isyu.

Miyerkules ng umaga, September 2, ipinost ng Kapamilya actress ang screenshot ng news article mula sa ABS-CBN News.

Mababasa ang headline ng artikulo: “New PhilHealth chief: ‘I do not know what is public health.’”

Kalakip ng artikulo ang facepalming meme ng social media personality na si Dora Lulab.

Continue reading below ↓

Ang facepalming ay pagpapakita ng frustration o kaya naman ay hiya para sa isang tao o sitwasyon.

THE PHILHEALTH CHIEF

Ang PhilHealth ang nangangasiwa sa health insurance program ng buong bansa, na pinopondohan ng kontribusyon ng bawat miyembro, at dapat magbigay ng “affordable, acceptable, available, and accessible” health care services sa mga ito.

Sinasagot ng PhilHealth ang pagpapaospital ng mga miyembro, na malaking tulong lalo na ngayong may pandemya.

Ayon sa Section 14 ng Universal Health Care Act (Republic Act 11223), ang PhilHealth Board of Directors ang magrerekomenda sa Pangulo ng bansa ng itatalagang President-CEO ng korporasyon.

Ang irerekomenda sa posisyon ay dapat isang non-officio member ng Board.

Sakaling hindi makapagrekomenda ang Board, ang hihiranging PhilHealth President-CEO ay dapat isang Pilipino na “must have at least seven years of experience in the field of public health, management, finance, and health economics or a combination of any of these expertise.”

Aminado si Gierran na wala siyang anumang kuwalipikasyon sa public health services at health economics.

Continue reading below ↓

Ang ipinagmamalaki niya ay apat na taon niyang pinamunuan ang NBI, bukod pa sa ilang taon siyang naging regional director nito, kaya mayroon raw siyang management experience.

Pasok din si Gierran sa larangan ng finance dahil certified public accountant ito.

WHO IS DANTE GIERRAN?

Taong 2016 nang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gierran bilang NBI director.

Nang mga panahong iyon, 27 taon nang nagseserbisyo sa NBI si Gierran.

February 2020 nang magretiro siya sa NBI pag-abot ng retirement age na 65.

Nitong Lunes, August 31, inanunsiyo ni Duterte na si Gierran ang papalit sa nag-resign na PhilHealth President-CEO Ricardo Morales, isang retiradong military general.

Pawang tubong-Davao City sina Duterte, Morales, at Gierran.

Ilang buwan pa lang noon si Gierran bilang NBI director nang isangkot siya ni Edgar Matobato, na nagpakilalang dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS), sa pagkamatay ng isang lalaki na umano'y ipinakain sa mga buwaya noong 2007.

Continue reading below ↓

Itinanggi ito ni Gierran. Naglaho na sa eksena si Matobato.

Ang DDS ay isang vigilante group sa Davao City na nagngunguna umano sa summary executions—o pagpatay sa anumang paraan—sa mga suspects na sangkot sa droga at iba pang krimen.

Sa ilalim din ng pamumuno ni Gierran, biglang binaligtad ng NBI ang nauna nitong desisyong ibasura ang kasong cyber libel laban kay Rappler CEO Maria Ressa at sa researcher-writer na si Reynaldo Santos Jr.

Ngayon ay may nakaamang aresto at kulong sa dalawang journalists.

Noong 2019, inimbestigahan din ng NBI ang binansagang "ghost dialysis" scam sa PhilHealth, kung saan nagbayad ang korporasyon sa dialysis treatment ng mga pasyenteng patay na.

May kabuuang 21 opisyal ng PhilHealth-Metro Manila ang kinasuhan ng NBI ng paglabag sa anti-graft law, National Health Insurance Act, at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sinampahan din ng estafa at falsification of public documents ang ilang may-ari ng dialysis center na itinuturong kasabwat sa scam.

Continue reading below ↓

FRESH CORRUPTION ALLEGATIONS VS PHILHEALTH

Ang PhilHealth, na dati niyang iniimbestigahan dahil sa kurapsiyon, ang susunod na pamumunuan ni Gierran.

Mauupo si Gierran sa pinakamataas na posisyon ng PhilHealth habang napapagitna ang korporasyon sa pinakamatinding corruption allegation sa kasaysayan nito.

Nitong Martes, September 1, inirekomenda ng Senado, batay sa findings ng imbestigasyon nito, na kasuhan ng malversation at graft sina Morales, Health Secretary Francisco Duque III, at iba pang senior officials ng PhilHealth.

Natuklasan daw kasi ng Senado na ilegal ang pagre-release ng PhilHealth ng pondo para sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) nito.

Ang IRM ay programa ng PhilHealth sa pagbabayad sa mga ospital na nanggamot ng COVID-19 patients.

Bukod dito, overpriced din daw ang PHP2.1-billion information and communications technology (ICT) procurement plan ng PhilHealth.

Minanipula rin daw ang financial status ng korporasyon, na paubos na pala ang pondo at baon pa sa utang.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actresses Janine Gutierrez (left) and Nadine Lustre (right) repost news articles quoting newly-appointed PhilHealth Chief Dante Gierran's (center) admission that he has no experience in public health services. As Janine comments a short prayer, Nadine reacts with a facepalm meme.
PHOTO/S: @janinegutierrez, @nadine on Instagram, Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results