Former actor Mel Francisco still alive; disowns "son" John Regala

by Rachelle Siazon
Sep 3, 2020
Mel Francisco (left and inset) on John Regala (right): "Kaya ngayon, tutal patay na ako sa puso niya, siya patay na rin sa puso ko. Patay siya sa kaluluwa ko, patay siya sa laman ko, patay siya sa dugo ko."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Courtesy of Mel Francisco / Aster Amoyo Facebook

Buhay ang sinasabing ama ni John Regala na si Mel Francisco.

Taliwas ito sa mga bali-balitang matagal nang namayapa si Mel, na kilalang 1960s character actor mula sa showbiz clan ng mga Padilla.

May mga ulat sa social media kunsaan sinasabing "ulilang lubos" na si John.

Ang ina ni John na si Ruby Regala, isang kilalang 1960s actress, ay pumanaw sa sakit na brain tumor noong January 11, 2020.

Matagal na ring walang balita kay Mel.

Pero sa kauna-unahang pagkakataon, lumantad si Mel sa isang eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para bigyang-linaw ang isyu.

"Dahil sabi ni John patay na raw ako," sabi ni Mel.

May nabasa pa raw si Mel na mga ulat ng showbiz reporters na nagsasabing matagal na siyang pumanaw.

"So, ngayon nagtatanong sa akin yung mga kamag-anak ko kung talagang patay na ako. Hanggang sa Amerika, yung mga kamag-anak ko, pati mga kaibigan ko...

Continue reading below ↓

"'Tapos tinatanong ako, 'Ano ang nangyari kay John? Bakit di mo tinutulungan?'"

Noong Sabado ng gabi, August 29, ipinaabot ni Mel sa PEP.ph na gusto niyang mailahad ang kanyang panig sa masalimuot na ugnayan nila ni John.

Kinabukasan, August 30, nakapanayam ng PEP.ph si Mel sa Zoom. Nasundan ito ng maraming palitan ng mensahe at tawag sa telepono noong September 1 at 2.

Nagpadala rin si Mel sa PEP.ph ng kopya ng passport niya bilang patunay ng kanyang identification.

Ang buong pangalan niya ay Mel Perez Francisco, na kanyang screen name noong 1960s.

Ito na rin daw ang ginamit niyang pangalan sa kanyang legal documents, sa halip na ang birth name niyang Adolfo Padilla Scherrer Jr.

Si Mel ay 76 years old na ngayon.

Matagal na siyang hindi aktibo sa showbiz.

Nanirahan daw si Mel sa California nang 27 taon, at nagtrabaho roon bilang sales manager ng isang multinational car company.

Continue reading below ↓

Pero retired na si Mel at kasalukuyang naninirahan sa Laguna.

Ipinakita rin ni Mel sa PEP.ph ang mga litratong kasama niya ang pinsang si Robin, na kuha noong 2013 elections.

Continue reading below ↓

Tumulong daw noon si Robin at kapatid nitong si Rommel Padilla sa pangangampanya para sa pagkakonsehal ng anak ni Mel na si Richard Padilla.

Nakahanap din ang PEP.ph sa social media ng litrato ni Mel kasama si John sa kampanya ni Richard noon.

Continue reading below ↓


FATHER-SON CONTROVERSY

Umpisa pa lang ay tinanong ng PEP.ph si Mel kung siya ang ama ng aktor na si John Regala.

At umpisa pa lang ay sumagot na si Mel ng ganito: “I stand to correct you. Hindi naman ako ang ama ni John Regala.

"I'm supposed to be yung kini-claim niya na ako ang father niya. Kasi yun ang nakagisnan niya nung araw, na ako yung tatay niya.

Continue reading below ↓

"Iyan ata ang sinabi ng nanay niya, which masyado ako naguluhan."

Prangka at detalyadong inalala ni Mel ang kontrobersiyang kinasangkutan nila nina Ruby Regala at John Regala noong mid-1980s.

Nagulantang daw si Mel nang unang lumabas ang balita na siya ang itinuturong ama ni John.

Noong panahong iyon ay kakasabak pa lang sa showbiz ni John, na ang full name ay John Paul Scherrer.

Paglalahad ni Mel: "Si John Regala, sinasabi niya, dine-deny ko siya.

"Pero hindi ko siya nakita nung ipinanganak. Hindi ko nakita nabuntis yung nanay niya.

"Bigla na lang nung malaki na siya, nung nasa That's Entertainment siya, nag-aartista na siya, dun lumabas yung mga kontrobersiya."

Wala raw kaalam-alam si Mel na nagkaroon sila ng anak ni Ruby.

Ang kuwento raw ni John sa media, lumaki ito sa hirap kasama ng inang si Ruby.

"Dun lumabas yung sinasabi niya na nagugutom sila, kumakain daw siya sa plato ng sardinas, hindi ko sila sinusuportahan.

Continue reading below ↓

"Paano ko sila susuportahan, hindi ko alam na buntis nanay niya? Ni hindi ko alam na nanganak ang nanay niya.

"Ni hindi ko alam na nagkaroon ng John Regala. Nalaman ko lang na John Regala ‘yan when he entered showbiz."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

mel and ruby's relationship in the '60s

Si Ruby ay nakilala sa mga pelikulang Zebra (1965), Pasko Ng Limang Magdalena (1965), at Undercover (1966).

Habang si Mel ay naging bahagi ng mga pelikulang Mansanas sa Paraiso (1965), Eagle Commandos (1967), at The Strip Teaser (1970).

Nagkatrabaho sina Mel at Ruby sa pelikulang Jolo Assignment na ipinalabas noong 1966.

Kuwento ni Mel sa PEP.ph, ilang buwan lang silang naging magkasintahan ni Ruby bago sila naghiwalay ng landas.

Ang huling beses na nagkasama raw sila ni Ruby ay nang minsang bisitahin niya ito sa Bicol.

Isinama raw si Mel ng ina ni Ruby sa Bicol upang kumbinsihin si Ruby na bumalik na sa poder ng ina.

May isa pa raw personalidad na sangkot sa personal na isyu ni Ruby.

Pero kung anuman daw ang mga kaganapan noon, ang tanging malinaw kay Mel ay lumipas ang mga taong walang sinasabi si Ruby na mayroon silang anak.

Continue reading below ↓

Kaya raw maraming kuwestiyon sa isip ni Mel nang biglang lumitaw si John.

Dagdag ni Mel: "In fact, nung nag-aartista siya, tinawagan ako ng nanay niya, kung puwede raw gamitin yung pangalan ko para sa pag-aartista niya.

"Sabi ko, 'No. Ayoko gamitin yung pangalan ko.'

"Hanggang sa ang ginamit na lang niya, dahil di ako pumayag, John Regala."

Continue reading below ↓

mel told "aminin mo na lang on air"

Labag man sa loob niya, dumating sa puntong inako raw ni Mel na anak niya si John.

Pag-alala ni Mel, "Sobrang kontrobersiyal ang mga nangyari. Left and right sa mga newspaper, magazine, and everything na I’m denying my son.

"Wala akong magawa kundi lumapit na lang ako kay Inday Badiday, nung araw na buhay pa si Inday Badiday.

"Sabi ko, 'I want to end this news. Itong maling-maling accusation sa akin.'"

Si Inday Badiday, o Lourdes Carvajal, ay ang yumaong veteran showbiz columnist at TV host. Nakilala siya sa showbiz-oriented talk shows na Eye To Eye, See-True, at Nothing But The Truth sa GMA-7 noong '80s hanggang '90s.

Patuloy ni Mel: "Ang payo sa akin ni Inday Badiday, 'Mabuti pa aminin mo na lang on air. May TV show ako. Pumunta ka dito.'

"That was, I think, Good Friday. 'Pumunta ka dito. Papupuntahin ko si John. Aminin mo na and that will stop.'

Continue reading below ↓

"Puro tawag sa akin mga reporter. Then I have to explain everything."

Tandang-tanda pa raw ni Mel na nag-akapan sila ni John sa TV show ni Inday Badiday.

Ani Mel: "So, inamin ko, 'He's my son.' Di natapos na.

"Teenager na siya nun. Sumikat. Nagkaroon siya ng maraming pelikula, TV show, kung anu-ano out of that controversy.

"Ako naman, lubog na lubog dahil pinagtatawanan ako ng tao. Bakit daw ginaganun ko si John."

WALANG LUKSO NG DUGO

Sa mga nagdaang taon, limitado lang daw ang mga interaksiyon nina Mel at John.

"Nung inamin ko siya, nag-akapan kami sa show ni Inday Badiday. 'Tapos nagkaroon kami minsan na kumain sa lumabas.

"'Tapos after that, eto nang lately, tinulungan niya yung anak ko na lumaban ng konsehal sa Parañaque."

Ang tinutukoy ni Mel ay ang anak niyang si Richard Padilla, na tumakbong konsehal sa Parañaque noong 2013 elections.

Sumasama raw si John sa pangangampanya noon ni Richard.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Mel: "Sumasama siya [John] sa meeting, 'tapos binibigyan din siya ng pera.

"Every time na pumupunta siya, di puwedeng umuwi siya na zero. Parang tulong din ng anak ko [Richard].

"Dun, nagkikita kami dun, dahil sumasama din ako sa anak ko sa meeting."

Pero wala raw maramdamang lukso ng dugo si Mel kapag kasama si John.

Continue reading below ↓

"Sa totoo lang, magkalapit kami, pero wala yung feeling na anak ko siya.

"Para bang sinabi ko lang, inamin ko...pero against my will, against my heart."

Aminado si Mel na "womanizer" siya noong kabataan niya.

Nagkaroon daw siya ng "17" anak sa "12" nobya.

Wala daw siyang naging isyu sa iba niyang mga anak.

Katuwiran ni Mel: "Di gaya ng ibang anak ko, pag narito sa akin, dumadalaw, magkasama kami kumain, masaya kami, umiinom kami.

"Si John, magkatabi na kami sa isang upuan, pero wala yung tibok ba ng puso mo, tibok ng dugo mo.

"Yung kumbaga, [wala yung] 'I miss you, son, ngayon lang kita nakita.' Parang ganun."

UNRESOLVED FATHER-SON ISSUE

Ayon kay Mel, napapanood pa si John sa ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano noong huli silang magkita.

Taong 2016 iyon, at gusto raw bilhin ni John ang ibinebentang lumang pick-up ni Mel.

"Sabi niya, 'Sa akin mo na lang ipagbili 'yan, dahil kasi bibigyan kita ng PHP100,000. Bigay mo na sa akin 'yan. The rest, huhulug-hulugan ko sa 'yo.'

Continue reading below ↓

"Sabi ko, 'Paano ka makakahulog? E, kung matapos ang episode mo kay Coco Martin, e, di wala na?'

"Sabi niya, 'E, di bale, tulong mo na sa akin 'yan. Hindi mo naman ako tinulungan nung maliit.'"

Continue reading below ↓

Lumalabas na hindi pa rin nareresolba ang father-son issue nina Mel at John.

Pag-amin ni Mel: "Sa loob ko, Bakit kita tutulungan nung maliit? Ni hindi ko nga nakita nung maliit ka. Ni hindi ko nakita na naging sanggol ka.

"'Tapos, all of a sudden, lumabas ka, 'tapos kini-claim mo ngayon ako yung tatay mo, na di kita tinutulungan.'

"Gusto ko matapos na ito, once and for all."

JOHN DISOWNS MEL, MEL DISOWNS JOHN

Suko na raw si Mel kay John, at itinatatwa niyang anak niya ito.

"He's not even my son. Never ever naging anak ko siya," pagtutuldok ni Mel.

Bukod sa masalimuot na relasyon ng dalawa, umaalma si Mel sa pandadawit daw sa kanya ni John sa tuwing nagkukuwento ito sa media tungkol sa malungkot niyang nakaraan.

Nasubaybayan daw ni Mel ang mga huling balita tungkol kay John—mula nang mag-viral si John nang abutan ito umano ng pagkahilo at gutom sa Pasay City noong July 27. Pati na nang maospital ito mula August 4 hanggang August 13 dahil sa sakit na liver cirrhosis at gout.

Continue reading below ↓

Pinapalabas daw ni John na kaawa-awa siya dahil iniwan na ng pamilya ngayong wala na siyang pera.

Ayon din kay Mel, napansin niyang isa pang paboritong kuwento ni John para sa publiko ay ang mapait na relasyon nito sa amang hindi nakagisnan, na si "Mel Francisco," na "dine-deny" siya bilang anak.

Tulad na lang daw sa panayam kay John sa Raffy Tulfo In Action noong August 3, binanggit na naman ni John na lumaki siyang walang kinagisnang ama.

Ani John, "Hindi po ako kinilala. Hindi raw po niya ako anak..."

Tulad din daw ito ng isa pang online interview kay John noong March 2.

Nasa burol daw si John ng ina nitong si Ruby Regala nang makapanayam ito ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Aster Amoyo.

Si Aster ay itinuring na "nanay-nayan" ni John.

Sabi raw noon ni John patungkol kay Mel: "Matagal na pong namahinga ang father ko sa akin... Kasi di naman niya ako iniintindi.

Continue reading below ↓

"Actually, buhay pa siya. Pero, deep inside, patay na siya sa akin."

Sa panayam ng PEP.ph kay Mel, nilinaw nitong hindi talaga siya kumbinsidong anak niya si John.

Pareho naman daw nilang alam ni John ang hinanakit nila sa isa't isa, kaya mabuting putulin na nila ang anumang ugnayan pa.

Madamdaming saad ni Mel, "Kaya ngayon, tutal patay na ako sa puso niya, siya patay na rin sa puso ko.

"Patay siya sa kaluluwa ko, patay siya sa laman ko, patay siya sa dugo ko.

"The end. Period. He's done."

NOT CONVINCED JOHN ABANDONED BY CURRENT WIFE

Malaki ang inis ni Mel dahil misleading at inconsistent daw ang mga pahayag ni John sa publiko.

Hindi lang daw sa isyu nilang "mag-ama," kundi pati rin daw sa ibang hinaing ni John sa buhay.

Hindi kumbinsido si Mel na tuluyan nang iniwanan si John ng kasalukuyang wife nitong si Vicky Alonzo-Scherrer, o kilala rin sa palayaw na Gina.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Mel: "Si Gina kasi, yung asawa ni John na supposed to be iniwanan daw siya, I think it's not true.

"I know Gina. Nakikita ko siya nung araw. Mabait si Gina.

"Ang ipinagtataka ko lang, bakit si Gina ayaw lumabas at magsalita.

"Dahil sobra ang accusation sa kanya na iniwanan niya si John dahil sa wala nang pera si John Regala."

Ayon kay Mel, kamakailan lang ay nakipag-uganayan pa raw si Gina sa anak ni Mel na taga-Amerika para humingi ng tulong pampinansiyal.

"Wala na akong pakialam sa kanila kung anuman ang ginagawa nilang dalawa.

"Kaya lang, si Gina, 'yan ang tumatawag sa mga anak ko sa Amerika at humihingi ng tulong para kay John."

May mga pagkakataon daw noon na nakakahingi si John ng kaunting tulong sa mga anak ni Mel na nasa Amerika.

"Dahil pag humingi siya, padadalhan siya ng 100 dollars, 20 dollars, kung ano ang maitutulong.

Continue reading below ↓

"Eto ngayon, sabi ng anak ko kay Gina, 'Mahirap ang trabaho dito sa Amerika, so di kita matutulungan.'"

Bukod doon, hindi raw nagustuhan ng mga anak ni Mel sa Amerika ang sinabi ni John na patay na si Mel sa puso nito.

"Sabi ng mga anak ko, 'Ba't niya ginagawa sa daddy ko 'to?' So, nagalit mga anak ko. Wala nang makakahingi ng pera sa mga anak ko para sa kanya."

Continue reading below ↓

JOHN'S MONEY ISSUES WITH CHUCKIE, NADIA, ASTER

Naalarma rin daw si Mel sa balitang kinukuwestiyon ni John ang grupo nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo tungkol sa perang nalikom para sa pagpapagamot ni John.

Kaugnay ito ng akusasyon ni John na sinungaling ang tatlo dahil "ni isang singkong duling" ay wala raw siyang napakinabangan sa cash donations ng mga kapwa artista.

Sasabihin pa raw ni John na wala itong natanggap na pera sa grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster.

Pero nang humarap daw si John sa Raffy Tulfo In Action noong August 29, inamin din nitong natanggap na ng kanyang banko ang perang nagkakahalaga ng PHP115,151.20.

Tungkol dito, sabi ni Mel: "So, paiba-iba. Hindi consistent yung kanyang declaration... Ang inaano ko lang, sabihin mo na yung totoo."

Hiyang-hiya raw si Mel sa mga "inconsistent" na pahayag ni John.

"Maselan na, e, nahihiya ako sa mga tao. Na pag nalaman ng mga tao na ginagawa niya this is a drama, nakakahiya ako.

Continue reading below ↓

"Para mawala pangalan ko sa mga ginagawa ni John—'Huwag mo na ako banggitin. Huwag mo na gamitin pangalan ko.'"

MEL CLAIMS JOHN "ACTING" TO GET SYMPATHY

Para kay Mel, kuwestiyonable ang pagpapaawa umano ni John sa netizens.

Gaya raw ng pagka-"bulol" ng action star.

Hindi naman daw na-stroke si John para maging bulol ito.

May mga pagkakataon din daw na mapapansing diretso magsalita si John at nawawala ang pagkabulol nito.

Diretsahang sabi ni Mel: "Yes, hindi ako naniniwala. Ang galing niyang artista...Napakagaling ng drama niya na krineate.

"Acting, excellent! Pang FAMAS! Pang-Oscar!

"Isa lang pagkakamali niya—pagkabulol niya, ginawa niyang mali dun sa acting niya.

"Yung pagkabulol niya, di yun nakukuha dun sa cirrhosis niya."

JOHN'S VIRAL PHOTO IN 2017

Hindi malinaw ang sanhi ng tila hirap sa pananalita ni John.

Nang lumabas si John sa FPJ's Ang Probinsyano noong 2016, maayos pa niyang nasasabi ang kanyang mga linya.

Noong 2017, nag-viral ang litrato ni John na nakahandusay sa hagdan sa labas ng isang supermarket sa Zapote, Bacoor, Cavite.

Continue reading below ↓

Inakala ng marami na "na-stroke" o di kaya ay "inatake sa puso" si John noon.

Sa ulat ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong February 2017, napag-alamang "tambay" sa lugar si John at madalas nakikitang naglalaro ng "bingo."

"Magdadalawang buwan" daw na "naka-check-in" si John sa katabing hotel ng supermarket.

Nalaman din ng KMJS, mula sa sumaklolo kay John noon, na "hinimatay" daw si John pero nahimasmasan din nang painumin ng tubig.

"Biniro ko pa nga e, 'Idol, huwag ka matutulog, may taping pa tayo,'" kuwento ng lalaking sumaklolo kay John. "Dun nagsalita siya, pero pabulol."

Handa raw noon ang lalaki na isugod si John sa ospital, pero ayaw daw ang aktor.

Continue reading below ↓

Sa panayam pa rin ng KMJS kay John, nilinaw ng aktor, "Hindi ako na-stroke at hindi ako inatake sa puso."

Nahilo lang daw siya sa sobrang init at nanghina ang tuhod kaya napahandusay sa hagdan nang pabalik na sana siya sa hotel.

Ani John, malakas pa siya at kayang umakting ng nakikipagbakbakan, gaya ng mga kontrabida roles kunsaan nakilala siyang artista.

Nakapanayam din ng KMJS noon ang ina ni John na si Ruby Regala, na nagsabing minsan ay naospital si John nang atakehin ito ng "gout."

Dagdag ni Ruby na isa pang sakit daw ni John noon, "Mayroon siyang konting ano dito sa heart, pero nagagamot naman."

JOHN'S VIRAL PHOTO IN PASAY CITY

Hanggang sa nito ngang July 27, 2020, nag-viral ang mga kuha ni John na nakaupo sa isang bangko sa Pasay City.

Sinasabing inabutan daw siya roon ng pagkahilo at pagkagutom, ayon sa kuwento ng Grab driver na nagmagandang-loob tulungan si John.

Continue reading below ↓

Ito iyong sinasabi ni Mel na hindi siya kumbinsido, dahil paiba-iba raw ang kuwento ni John ng bilang ng araw na hindi siya nakakakain.

Na wari'y nagpapaawa raw sa netizens.

Pahayag ni Mel, "Hindi ako nakikialam whatever he wants to do with his life. I don't care kung manghingi siya ng donation. Buhay niya 'yan.

"Kaya lang, liwanagin natin. Ano ba talaga ito? Ano ba itong hinihingi ni John Regala na ito?

"Ito bang pagkabulol niya na-high blood ba siya? Naoperahan ba siya sa puso? Tumigas ba dila niya? Yun ang gusto ko malaman."

Dapat daw ay maging responsable si John sa impormasyong ibinibigay sa publiko.

Diin pa ni Mel: "Kapag ikaw nanloloko ng tao, kung ikaw gumagawa ng kung anu-ano, ang affected yung pamilya mo, di ba? Hindi lang naman siya.

"Nadamay ako kasi sabi niya tatay niya ako—sabi niya."

Continue reading below ↓

ending a complicated father-son "history"

Sa huli, inulit ni Mel na pinuputol na niya ang ugnayan nila ni John.

Hindi rin daw siya interesadong sumailalim pa sila ni John sa DNA test, dahil si John na rin naman daw ang nagsabing patay na siya sa puso nito.

Wala rin naman daw mababago sa masalimuot na "history" ng pagiging "mag-ama" nila.

"'Tapos, siya ang nag-create ng controversial things. So, huwag na siya sumagot para hindi na lumaki.

"Yung pagsuko ko ngayon, kasi tama na. Gusto ko lang matapos na.

"Kung maaari, burahin niya na last name ko na Scherrer. Huwag niya gamitin. Tanggalin na niya."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mel Francisco (left and inset) on John Regala (right): "Kaya ngayon, tutal patay na ako sa puso niya, siya patay na rin sa puso ko. Patay siya sa kaluluwa ko, patay siya sa laman ko, patay siya sa dugo ko."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Courtesy of Mel Francisco / Aster Amoyo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results