Yassi Pressman admits feeling "like a robot" because of Ang Probinsyano

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2020
Yassi Pressman, who became famous with Ang Probinsiyano, uses the quarantine period as a time to think about career and personal life. “Kasi now I’ve had the time to process what I truly feel."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @yassipressman on Instagram

Napagtanto ni Yassi Pressman, 25, ngayong panahon ng quarantine, na para na pala siyang robot nitong mga nakalipas na taon dahil sa pagkakasubsob sa trabaho.

Bago raw kasi nangyari ang pandemya, walang ibang inatupag ang FPJ’s Ang Probinsyano star kundi ang magtrabaho.

Dahil dito, nawalan siya ng panahon para sa mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya, gaya ng pagsasayaw.

Kilalang-kilala nang star si Yassi dahil sa role niyang Alyana, ang love interest ng bidang si Coco Martin bilang Cardo Dalisay, sa primetime series ng ABS-CBN.

Subalit mas nauna siyang nakilala bilang mahusay na dancer at performer, na gustong-gusto niya.

“When the world was still moving, parang wala na masyado [panahon], kaya nahirapan din akong mag-ASAP,” pag-amin ni Yassi sa Facebook Live ng eventologist na si Tim Yap nitong Martes, September 1.

Ang ASAP ay ang weekly musical-variety show ng ABS-CBN kunsaan regular na performer noon si Yassi.

Nang hinugot siya papunta sa namamayagpag na Ang Probinsiyano, nawala iyon.

Sabi ngayon ni Yassi, “But, I still wanna create more videos. Maybe soon, some other time, pag pwede na for people to come together.

Continue reading below ↓

“Kasi now that I’ve had the time to process what I truly feel...

"Kasi it got to a point where I was just like a robot, na I was just working… tik-tok-tik-tok-tik-tok. ‘This is what I have to do. This is what I have to do. Tomorrow, the next week, blah, blah, blah.’

“I had it all planned, and then I would just do it.”

Continue reading below ↓

Dahil sa pandemya ay pansamantalang natigil ang taping ng Ang Probinsyano.

Nakatulong naman ito para magkaroon daw si Yassi ng panahon para sa sarili.

“Now I’ve had so much time even with, like, our charities. It still left us a lot of time to, like, grieve, and learn about ourselves, and learn about each other,” pagtukoy ni Yassi sa kapatid na si Issa, na katabi niya sa interview.

Noong Pebrero 2020 ay pumanaw ang British father nina Yassi at Issa, si Ronnie Pressman, sa edad na 90.

Ngayong pandemya, napagtanto raw ni Yassi kung gaano niya kamahal ang pagpe-perform.

“It made me realize that I do love what I used to do, and I do miss it, and I hope I can create more soon.”

Ayon naman kay Issa, lagi niyang hinihikayat ang kapatid na gumawa sila ng dance videos.

Ayaw raw palampasin ni Issa ang pagkakataong ipakita ni Yassi ang iba pang kayang gawin ng kapatid, nang hindi lang makilala si Yassi para sa role niya sa Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

“This is the best way for them to introduce themselves, like, without the roles, without anything. This is just them," ani Issa.

HAND-TO-MOUTH TAPING

Ayon kay Yassi, magbabalik na sa taping ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ngayong Biyernes, September 4.

Locked-in taping ang mga artista, staff, at crew para matiyak ang kaligtasan nila dahil tumataas pa ang numero ng bumabagsak sa coronavirus.

Inusisa si Yassi sa mga susunod na aabangan sa kanilang teleserye. Pero sumagot ito na hindi raw niya alam dahil wala silang script na hawak.

“Everything is just given when we get there. Darating kami sa set, ‘tapos on the spot din mabibigay ang lines namin,” paliwanag ng aktres.

“It’s a very creative process, at ang gagaling kasi talaga ng mga actors around this. They can pick it up so fast.

"Yeah, usually wala talaga kaming script [na inuuwi]."

Ani Yassi, matagal na ang ganitong sistema sa kanilang teleserye, na maglilimang taon na sa ere ngayong Setyembre 2020.

Continue reading below ↓

“Halos after naming mag-start siguro. I came in on the eighth month, I think. And it was already like that.

“So, sama-sama with our great writers, with our headwriters, and si Coco also, he writes.

“And he’s also the creative director, so ang huhusay talaga. We’re very lucky to be working with such talented people.”

Nagdetalye rin si Yassi na, bago mag-quarantine, hand-to-mouth ang taping nila.

“Bigla na lang may breakdown [scene] na mangyayari, and everything happens so fast, especially when we were on air.

“And that’s something na nami-miss namin. Kasi isu-shoot namin up to 5:00 p.m., 6 p.m. barilan, iyakan...

“'Tapos ipapadala namin, and then it’s gonna be on air na ng 8:00 p.m.

"So, grabe talaga everything… hanggang editing, hanggang sa paglabas. Every step was crazy.”

Nagbiro si Tim na may pagkakataon palang halos live ang nangyayari sa Ang Probinsyano.

“Merong mga ganong pagkakataon,” sundot ni Yassi.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, malaki raw ang pasasalamat ni Yassi dahil marami siyang natututunan sa kanyang mga beteranong co-stars. Kabilang dito sina Susan Roces, Lorna, Tolentino, Jaime Fabregas, Rowell Santiago, Michael de Mesa, John Arcilla, at Joel Torre.

“Sobra talaga. And all of the people around us din, they are so giving na hindi lang acting yung ibinibigay nila.

“They even guided me through real life, and we pick up, we become a real family. Sobrang thankful din ako sa natutunan ko from the actors.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman, who became famous with Ang Probinsiyano, uses the quarantine period as a time to think about career and personal life. “Kasi now I’ve had the time to process what I truly feel."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @yassipressman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results