Korina Sanchez burns online basher: “Get lost idiot!”

by Arniel C. Serato
Sep 3, 2020
Korina Sanchez to basher who commented on her Instagram post of husband Mar Roxas with their twins: “Bobo mo naman mag troll”
PHOTO/S: Ocs Alvarez

Hindi nagpatinag si Korina Sanchez sa isang basher na inakusahan siyang sobra kung mag-edit ng mga larawang ipinu-post niya sa Instagram.

Kahapon, September 2, nagbahagi si Korina ng larawan ng asawang si Mar Roxas kasama ang kambal nilang anak na sina Pepe at Pilar.

Sa caption, sinabi ni Korina kung nasaan ngayon ang asawa.

Ayon sa 55-year old broadcaster, naka-isolate ngayon si Mar dahil binabantayan nito ang inang si Judy Roxas-Araneta sa ospital.

Para na rin daw ito sa kaligtasan nilang pamilya.

Sabi ni Korina, “For those wondering where Pappi is... Siya naman ngayon ang naka quarantine from me and the kids.

“He had to care for his mom in the hospital for a while.”

Binibisita naman daw sila ng mister, pero hindi malapitan.

Maayos din daw ang kalagayan ng kanyang biyenan. Pero kailangan daw magpa-swab test ni Mar upang makasigurado.

Saad ni Korina, “So now pabisi-bisita sya but can't get in direct contact with any of us.

Continue reading below ↓

"It’s hard. This pandemic life with babies.

“At least one of us is always with the kids. His mom is fine.

“But it'll take a bit before they swab and then tsaka palang pwedeng lumapit sa amin.

“The kids are longing to hug their Pappi. Best be safe than sorry, right?”

Continue reading below ↓

“GET LOST IDIOT!”

Marami sa mga nagkomento sa post ni Korina ang nag-alay ng dasal para sa kaligtasan ni Mar.

Pero may isang netizen na hindi nagustuhan ang editing daw ng larawan ng dating senador.

Sabi nito, “Grabee naman maka edit nag mukha na cya ni pres obama haha”

Si "pres obama" na tinutukoy ng netizen ay ang dating Pangulo ng Amerika na si Barack Obama.

Hindi ito pinalampas ng dating ABS-CBN news personality.

Buwelta ni Korina: “What the hell are you talking about!?

“Bobo mo naman mag troll! Get lost idiot!”

Burado na ang komentong ito ni Korina sa kanyang post.

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang pagkakataong pumatol si Korina sa mga trolls at bashers.

Noon daw ay nagpipigil pa siya.

Pero nang pumutok ang isyu ng ABS-CBN shutdown dahil sa pagbasura ng Kongreso sa franchise application nito, alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na siya nanahimik at sinagot ang mga online trolls.

Sabi ni Korina sa isang panayam, “I decided to make patol the trolls when they were attacking ABS-CBN."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez to basher who commented on her Instagram post of husband Mar Roxas with their twins: “Bobo mo naman mag troll”
PHOTO/S: Ocs Alvarez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results