Another libel case vs Vina Morales dismissed: “Sana matapos na ang lahat ng eto.”

by Jet Hitosis
Sep 3, 2020
On September 2, singer-actress Vina Morales shares on Instagram a photo of herself in front of Caloocan City Judicial Complex (left) after attending a court hearing for a libel case filed against her by ex-boyfriend Cedric Lee: "Today po dismissed na po ang caloocan case... Na dismissed na rin po ang Nueva Ecija city, Pasig city, Paranaque city, Mandaluyong city, Quezon city."
PHOTO/S: @vina_morales on Instagram

Ibinasura ng korte ang huling libel case na kinakaharap ng singer-actress na si Vina Morales.

May kabuuang anim na kasong libel ang isinampa laban kay Vina, 44, ng ex-boyfriend niyang si Cedric Lee.

Taong 2006 nang naging boyfriend ni Vina si Cedric, isang negosyante.

Makalipas ang tatlong taong relasyon, nagkahiwalay sila noong 2009.

Nang mga panahong iyon ay buntis si Vina sa anak nila ni Cedric.

Nang taon ding iyon ay isinilang ng singer-actress ang kanyang baby girl, na pinangalanang Ceana.

FROM LOVERS TO LITIGANTS

Dahil sa hindi pagkakasundo sa mga isyung may kinalaman kay Ceana, napagitna sa serye ng legal battle ang dating magkarelasyon.

Ilang beses kinasuhan ni Cedric ng libel si Vina upang pabulaanan ang sinabi ng singer-actress na hindi sinusustentuhan ng negosyante ang kanilang anak.

Bukod dito, itinanggi rin ni Cedric ang akusasyon ni Vina na binu-bully niya ang singer-actress at ang pamilya nito.

Nagsampa si Cedric ng limang libel cases sa Cabanatuan City, Nueva Ecija laban kay Vina.

Continue reading below ↓

Bukod dito, kinasuhan din ni Cedric ng libel si Vina sa Caloocan City, Pasig City, at sa tatlo pang lungsod sa Metro Manila.

KIDNAPPING CASE VS CEDRIC

June 2016 nang kasuhan ni Vina ng kidnapping si Cedric sa Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) dahil sa pagtangay sa kanilang anak.

Seven years old noon si Ceana.

Giit ni Vina, nilabag ni Cedric ang visitation rights nito nang siyam na araw na manatili si Ceana sa poder ng ama.

Nang mangyari iyon, nasa Amerika ang singer-actress.

Alinsunod sa napagkasunduang visitation rights ni Cedric, tuwing Sabado lang nito maaaring makapiling ang anak.

Pagsapit ng May 28, 2018, guilty ang hatol ng Mandaluyong RTC kay Cedric sa kasong kidnapping.

Pinagmulta ng korte si Cedric ng tatlong daang piso (P300), at inobligang magbayad kay Vina ng PHP50,000 para sa moral at nominal damages.

Nang mga panahong iyon, dalawa sa maraming libel cases ni Vina ang na-dismiss na ng korte.

Continue reading below ↓

CALOOCAN LIBEL CASE DISMISSED

Nitong Miyerkules, September 2, nagbigay ng update si Vina tungkol sa “napakadaming kaso” na isinampa ni Cedric laban sa kanya.

Sa isang Instagram post, ibinalita ni Vina na ibinasura na rin ng korte sa Caloocan City ang libel case niya roon.

Nag-post si Vina ng isang litrato at isang maikling video niya habang nasa labas ng Caloocan City Judicial Complex.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Vina sa caption (published as is): “nalaman ko na may court hearing ako today, syempre dahil sa pandemya takot po ako lumabas [face with medical mask emoji] Pero kailangan.”

Kasama ng singer-actress ang legal counsel niyang si Atty. Lucille Sering.

Pagbabalita ni Vina: “Today po dismissed na po ang caloocan case na simula pa nung 2018.”

Kinumpirma ni Vina na bago pa na-dismiss ang kaso niya sa Caloocan, ibinasura na rin ng korte ang iba pa niyang libel cases sa Nueva Ecija, Pasig, Parañaque, Mandaluyong, at Quezon City.

Sinabi ni Vina na iisang kaso na lang ang hindi pa nareresolba. Iyon ang custody case na nakabimbin sa San Juan City.

Hinihiling ng singer-actress sa korte ang sole custody kay Ceana.

“San juan City case na lang po since 2013 [praying hands emoji] at Alam ko rin na hindi rin kami pababayaan ng Diyos,” sabi ni Vina.

“SANA MATAPOS NA ANG LAHAT NG ETO”

Sa kanyang post, abut-abot ang pasasalamat ni Vina sa lahat ng taong tumulong at nagdasal para sa kanya.

Continue reading below ↓

Hindi raw kasi biro ang “napakalaking apekto pagsubok ang pinagdaanan ko, ng anak ko at buong pamilya ko ng ilang taon.”

Special mention ni Vina ang kanyang abogado.

“Sinusulat ko eto ng naiiyak dahil po thankful at grateful po ako kay Atty lucille na hindi nya kami pinabayaan ni ceana sa mga laban ng napakadami pong kaso simula pa nung 2013.”

Nag-thank you rin si Vina sa kanyang pamilya at mga kaibigan—at siyempre, nagpasalamat siya sa Diyos.

“Nag desisyon akong I share sa inyo kasi sa panahon natin ngayon gusto ko lang pasalamatan ang pamilya ko at mga matalik kung kaibigan na sumuporta po sa amin.

“Sana matapos na ang lahat ng eto [smiling face with smiling eyes, heart, praying hands emojis].

“Move on na po tayo. Let’s be thankful and grateful and also let’s be kind to each other [three hearts emojis].

“Thank you Lord Jesus. God is good. All the time,” sabi pa ni Vina, kalakip ang smiling face with smiling eyes, heart, praying hands emojis.

Continue reading below ↓

WHO IS CEDRIC LEE?

Maliban sa relasyon nila ni Vina, naging pamilyar sa publiko ang pangalan ni Cedric dahil sa pagkakasangkot niya sa mga kasong may kinalaman sa pananakit sa ilang celebrities.

Si Cedric ang pangunahing suspek sa pambubugbog sa Kapamilya TV host-comedian na si Vhong Navarro noong January 22, 2014.

Continue reading below ↓

Binugbog, iginapos, at tinakot daw ng grupo ni Cedric si Vhong matapos nilang akusahan ang It's Showtime host ng tangkang panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo, sa condo unit ng dalaga sa Taguig City.

Taong 2017, ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong rape laban kay Vhong.

July 27, 2018 nang nahatulang guilty si Cedric at ang mga kasabwat niyang sina Deniece at Jed Fernandez sa grave coercion kaugnay ng kaso ni Vhong.

Hinatulan silang makulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon. Pero naghain ng motion for reconsideration ang grupo ni Cedric.

Sa ngayon, nahaharap ang grupo ni Cedric sa isa pang kaso ng serious illegal detention. Para sa asuntong ito, pinayagan ng korte na magpiyansa sila.

Taong 2007 naman nang kasuhan ng businessman at dating model-athlete na si David Bunevacz ng kidnapping at serious physical injuries si Cedric at iba pa nilang business partners.

Pinangunahan daw ni Cedric ang pambubugbog kay David.

Continue reading below ↓

Bagamat wala pa ring resolusyon ang kaso, sinabi ni David sa isang TV interview noong 2014 na matagal na silang nagkaayos ni Cedric.

Mahigit isang dekada nang nakabase sa Los Angeles, California si David.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On September 2, singer-actress Vina Morales shares on Instagram a photo of herself in front of Caloocan City Judicial Complex (left) after attending a court hearing for a libel case filed against her by ex-boyfriend Cedric Lee: "Today po dismissed na po ang caloocan case... Na dismissed na rin po ang Nueva Ecija city, Pasig city, Paranaque city, Mandaluyong city, Quezon city."
PHOTO/S: @vina_morales on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results