Lauren Dyogi “hopeful, positive” ABS-CBN will bounce back better, stronger

by Arniel C. Serato
Sep 3, 2020
ABS-CBN head of TV production Laurenti Dyogi on Kapamilya network: "Ang masarap pong abangan, e, paano po kami makakatayo muli at inaabangan ko yung araw na kami po, e, magiging masaya at magiging malakas ulit at magiging parte ng tahanan ng ating mga Kapamilya."
PHOTO/S: Courtesy: Direk Lauren Dyogi on YouTube / Jerome Ascano

Naniniwala ang direktor at ABS-CBN executive na si Laurenti "Lauren" Dyogi na makakabalik sa free-to-air television ang Kapamilya network.

Si Dyogi ang head of TV production ng ABS-CBN, pero una siyang nakilala bilang direktor ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother.

Sa kanyang vlog na in-upload nitong Lunes, August 31, sinagot ni Dyogi ang tanong ng maraming Kapamilya kung makakabalik ba sa ere ang ABS-CBN.

Sabi niya, “May mga nagtatanong po kung babalik ba ang ABS-CBN sa free TV.

"Kami po sa kumpanya ay patuloy pong umaasa at gumagawa ng paraan para po makapiling namin kayo.

“Lalo na po sa ating mga kababayan at mga Kapamilya na nasa malalayong lugar na nararating lamang ng free TV.

“Sana po ay mabigyan kami ng pagkakataon.

“Sabi nga po ni Kuya, 'Sa takdang panahon po, muli tayong magkakasama.'

“Hindi po ako nawawalan ng pag-asa.”

Ayon kay Dyogi, patuloy pa ring napapanood ang ilang programa ng embattled network sa cable, online, at sa iba't ibang social media platforms, tulad ng YouTube, Facebook, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at sa bagong iWant TFC app.

Continue reading below ↓

Nawalan ng karapatang makapag-broadcast ang istasyon gamit ang government-owned frequencies dahil sa pagbasura ng Kongreso sa kanilang franchise application noong July 10, 2020.

Nag-expire ang nauna nilang prangkisa noong May 4, 2020.

May 5 naman nang magpaalam sa himpapawid ang network matapos hainan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order (CDO) ang pamunuan ng istasyon.

Ang hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN ay naging misyon ni Pangulong Rodrigo Duterte mula pa nang maluklok siya sa puwesto noong 2016.

Ito ay dahil sa panggagantso diumano sa kanya ng network nang hindi ipalabas ang political ad niya noong 2016 elections, kahit bayad na ito.

Hindi rin itinatanggi ng Pangulo ang disgusto niya sa pamilya Lopez, na magmamay-ari ng ABS-CBN.

"MASARAP PONG ABANGAN, E, PAANO KAMI MAKAKATAYO MULI"

Aminado si Dyogi na labis niyang dinamdam ang nangyari sa pinagsisilbihang istasyon. Pero namulat daw siya isang araw na kailangang ipagpatuloy ang buhay.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "Alam niyo po, itong mga nakaraang buwan, e, medyo malungkot po ako.

"One day, I woke up and I said, 'Ayoko na pong maging malungkot. Gusto kong harapin ang bagong hamon ng buhay.'

"Ganun po ang ating katangian bilang mga Pilipino. We’re very resilient."

Ang kuwento raw ng ABS-CBN ay maihahalintulad sa typical na kuwento ng isang Pinoy drama na babangon at magwawagi sa huli ang inaapi.

"So, tayo po ay tatayo at magsisimula muli.

"Kaya po sana patuloy niyo po kaming samahan sa aming bagong kuwento, sa aming bagong lakbay sa pagtaguyod ng aming kumpanya.

"At alam naman natin na sa kahit anong kuwento, di ba, ang main character ‘ika nga ay laging dumadaan sa matinding pagsubok. Ang masarap pong abangan, e, paano po kami makakatayo muli.

"At inaabangan ko yung araw na kami po, e, magiging masaya at magiging malakas ulit at magiging parte ng tahanan ng ating mga Kapamilya."

Continue reading below ↓

Naniniwala si Dyogi na makakabalik agad sila sa himpapawid para sa mga kababayang umaasa sa kanila at gayundin sa bayan.

Saad niya, "Sa pinagdaanan naming ito, may mga pagbabago rin kami na kailangang harapin, pagnilay-nilay kung ano ba ang kailangan naming gawin.

“I'm being hopeful and I'm being positive that things will be better for us in ABS-CBN and for the nation as well.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN head of TV production Laurenti Dyogi on Kapamilya network: "Ang masarap pong abangan, e, paano po kami makakatayo muli at inaabangan ko yung araw na kami po, e, magiging masaya at magiging malakas ulit at magiging parte ng tahanan ng ating mga Kapamilya."
PHOTO/S: Courtesy: Direk Lauren Dyogi on YouTube / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results