Agot Isidro: “Working for ABS-CBN isn’t solely about livelihood.”

by Arniel C. Serato
Sep 3, 2020
Agot Isidro posts message of sympathy for retrenched workers of ABS-CBN: "Thinking of ABS-CBN and my fellow Kapamilyas. We will prevail.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerome Ascano

“It’s a COMMITMENT to make the world a better place.”

Ito ang pinanghahawakan ni Agot Isidro, 54, bilang trabahante sa ABS-CBN.

Ito rin daw ang pananaw ng mga kasamahan niya sa Kapamilya network.

Ayon pa sa actress-singer, hindi sila nagtatrabaho sa ABS-CBN para lamang sumahod at kumita.

Mensahe ni Agot sa kanyang Twitter post nitong Martes: “Working for ABS-CBN isn’t solely about livelihood.

“It’s a COMMITMENT to make the world a better place.

“And we all share that vision.”

Kahit wala na sa himpapawid ang ABS-CBN ngayon, nananatili raw ang kanilang pananaw ukol sa istasyong kinabibilangan.

“Even if you take our home away from us, the vision lives in all of us.”

Kahit nagpaalam sa ere ang ABS-CBN dahil sa pagkabasura ng Kongreso sa franchise application nito, natitiyak naman daw niyang babalik ito.

Aniya, “We will be back. Fighting. Better. Stronger. #KapamilyaForever”

Continue reading below ↓

Dalawampu't walong taong naging bahagi ng ABS-CBN si Agot.

“WE WILL PREVAIL”

Noong August 29, ni-repost ni Agot sa Instagram ang video na ibinahagi ni Amy Perez tungkol sa ABS-CBN station ID noong 1996.

Ito ang selebrasyon ng broadcast giant ng kanilang ika-50 taon sa industriya.

Sabi ni Agot sa caption, malalampasan din ng network ang pinagdadaanan nito ngayon.

“Thinking of ABS-CBN and my fellow Kapamilyas. We will prevail.”

Continue reading below ↓

Noong Lunes, August 31, ang huling araw sa trabaho ng libu-libong empleyado ng ABS-CBN Corporation sa buong Pilipinas.

Biyernes, August 28, sabay-sabay nagpaalam sa ere ang lahat ng local TV Patrol, ang flagship primetime newscast ng ABS-CBN.

Ang pagsasara ng ABS-CBN ay resulta ng misyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag bigyan ng prangkisa ang network dahil sa personal na galit niya rito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agot Isidro posts message of sympathy for retrenched workers of ABS-CBN: "Thinking of ABS-CBN and my fellow Kapamilyas. We will prevail.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results