Bugoy Cariño finally admits he has a daughter with volleyball star EJ Laure

by Arniel C. Serato
Sep 4, 2020
Bugoy Cariño, on his 18th birthday, reveals that he has a daughter with volleyball player EJ Laure: "Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito."
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram

Ganap nang ama ang dating child actor at Hashtags member na si Bugoy Cariño.

Matagal nang bulung-bulungang may anak na si Bugoy sa kanyang girlfriend at volleyball star na si EJ Laure.

Pero parehong itinanggi ng dalawa ang balita.

Ngunit sa selebrasyon ng ika-18 kaarawan ni Bugoy kahapon, September 3, inamin sa wakas ng dating child star na may anak nga sila ni EJ, 23.

Dalawang taon gulang na ngayon ang anak nina Bugoy at EJ.

Si Bugoy ay sumabak sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Kid Quest, noong 2009, kung saan siya ang itinanghal na winner.

Pagkatapos nito ay naging Star Magic artist siya, at lumabas sa iba't ibang programa ng Kapamilya network, kabilang na ang dating kiddie gag show na Goin' Bulilit.

Si EJ naman ay dating miyembro at team captain ng volleyball team ng University of Sto. Tomas. Naging miyembro rin siya ng Philippine national team.

Continue reading below ↓

Sa Instagram post ni Bugoy kahapon, buong pagmamalaking inihayag nitong may sarili na siyang pamilya.

Mensahe ni Bugoy: “HAPPY BIRTHDAY TO ME!

"Happy to have a family na mahal na mahal ako.

"Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito.

"Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!"

Continue reading below ↓

Nag-post naman si EJ sa kanyang Instagram ng video ni Bugoy at ng kanilang anak noong bagong silang pa lang ito.

Mensahe ng 23-year-old volleyball star sa caption, “Happy birthday, Mahal.

"thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby @iamscarletcarino!

"We love you so much, daddy!”

Continue reading below ↓

IT’S SHOWTIME SUSPENSION

Unang bahagi ng 2018 unang pumutok ang balitang dalawa sa mga miyembro ng grupong Hashtags ang suspendido sa It's Showtime dahil nakabuntis umano ang mga ito.

Bawal kasi ito sa kontrata nila sa palabas at sa network.

Kalaunan, lumabas ang mga pangalan nina Jon Lucas at Bugoy Cariño na suspended indefinitely daw sa noontime show ng ABS-CBN.

Naikuwento ito ni Jameson Blake, kasamahan nina Jon at Bugoy sa Hashtags, sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 13, 2018.

Kalaunan ay umamin si Jon na isa na siyang ama at kasal na rin sa kanyang childhood sweetheart.

Tahasan namang itinanggi noon ni Bugoy na may anak na siya, bagamat inamin niyang tuloy pa rin ang relasyon nila ni EJ.

Sa isang mediacon noong November 9, 2019, sabi ni Bugoy: “Bakit ko naman po idi-deny?

“Kung meron man po, e, di sana inilabas ko na sa social media. Yung girlfriend ko po, nilalabas ko po sa social media."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na panayam, pinabulaanan din ni EJ na buntis siya at ang ama ng kanyang dinadala ay ang menor-de-edad pa noong si Bugoy.

Nineteen years old noon si EJ, at 15 lamang si Bugoy.

Tila hinintay talaga ni Bugoy na tumuntong siya sa edad na 18 para amining isa na siyang ama.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño, on his 18th birthday, reveals that he has a daughter with volleyball player EJ Laure: "Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito."
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results