Former actor Mel Francisco has "17 children out of 12 women"; finds true love in 28-year-old partner

by Rachelle Siazon
Sep 4, 2020
Former actor Mel Francisco on his non-showbiz partner (right): "Tahimik na ang buhay ko. Hindi na ako nambababae. She will be my last. Hanggang sa mamatay na ako, siya lang."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Sent to PEP.ph courtesy of Mel Francisco

Aminado ang dating aktor na si Mel Francisco na babaero siya noong kabataan niya.

Si Mel ay ang 1960s character actor na galing sa angkan ng mga Padilla.

Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay ang Mansanas sa Paraiso (1965), Eagle Commandos (1967), at The Strip Teaser (1970).

Pag-amin ni Mel, "I have 17 children out of 12 women.

"Kasi masyado akong womanizer kaya meron akong 17 children.

"Aside from sa nanay na 12 women, meron pa akong ibang naging girlfriend. Hindi ko na lang sinasabi."

Isa sa sinasabing anak ni Mel ay ang dating action star na si John Regala.

Sinasabing bunga si John ng relasyon noon ni Mel sa 1960s actress na si Ruby Regala, pero kinokontra ito ni Mel.

Kuwento ni Mel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinikilala niya ang iba niyang mga anak at may komunikasyon daw siya sa mga ito.

Kaya rin daw niyang sabihin kung sinu-suno ang mga anak niya sa labindalawang babaeng nagkaroon siya ng anak.

Continue reading below ↓

Pero may iba raw sa mga babaeng naanakan ni Mel ang nagsabing huwag nang isapubliko ang pagkakaroon nila ng anak.

"Kasi may asawa na siyang iba. Ngayon, yung asawa niya, tinanggap naman yung anak niya.

"So, sabi niya, 'Kung maaari lang, yung bata, huwag mo na lang angkinin. Huwag mo na sabihin ikaw ang tatay.

"'Kung gusto mo, puwede ako dumalaw sa pamilya mo, kasama ko yung bata para makita mo.'"

Sino sa ina ng kanyang mga anak ang pinakasalan niya?

"Sa pagkaalam ko, wala pa akong pinakasalan," diretsong sagot ni Mel.

Hindi naman sa hindi siya naniniwala sa kasal, pero sadyang hindi lang daw iyon nangyari sa kanyang makulay na love life.

Napapangiting biro ni Mel, "Magrereklamo yung iba, 'Bakit hindi mo ako pinakasalan?

"Para walang complaint, tahimik lang ako. If you want me, if you love me, then let's go."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Mel sa pamamagitan ng Zoom call noong August 30.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

MAY-DECEMBER ROMANCE

Dito ay sinabi ni Mel na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin siya kasal.

Pero sigurado raw siyang natagpuan na niya ang babaeng makakasama habambuhay.

Kilig na pahayag ni Mel: "Ngayon, matagal na kami ng misis ko.

"Hindi naman ako nagloloko ngayon. Tahimik na ang buhay ko. Hindi na ako nambababae.

"She will be my last. Hanggang sa mamatay na ako, siya lang."

Tumangging pangalanan ni Mel ang kanyang non-showbiz partner dahil kuntento raw sila sa tahimik at pribado nilang buhay sa Laguna.

Pero ipinakilala ni Mel sa PEP.ph ang kanyang "last wife" na 28 anyos lamang.

Si Mel ay 76 taong gulang.

"Nung nakuha ko itong last wife ko, she was only about 18 years old," pag-amin ni Mel.

Pero hindi raw naging hadlang ang 48-year age gap nila sa kanilang pagsasama sa loob ng sampung taon.

"Bisaya siya, e. Nakita ko very caring siya.

"Yun bang marunong mag-alaga, marunong gumawa sa bahay. You don't have to tell her what to do.

Continue reading below ↓

"Hindi siya senyorita."

Simple lang daw ang buhay nila, at magkahati sila sa mga gawaing bahay.

Lahad ni Mel, "Ayoko ng may katulong sa bahay. Kaming dalawa lang. American lifestyle kami.

"She washes clothes sa washing machine, nagda-dryer...

"I cook. Tinuturuan ko siya. Marunong na siya magluto ngayon.

"Basta, siya, naalalagaan niya ako, napapainom niya ako ng mga vitamins ko."

mel on his PARTNER:"Siya ang sugar mommy ko!"

Proud din si Mel sa pagsasabing financially independent ang kanyang 28-year-old partner na may sariling "online business."

Sabi ni Mel: "Marunong siya maghanapbuhay. Hindi na siya humihingi ng pera sa akin.

"Ako pa nga humihingi ng pera sa kanya, e.

"Paminsan, siya pa magpapakain sa akin kapag kakain kami sa labas."

Napapangiting biro pa ni Mel, "Siya ang sugar mommy ko! "

Matagal nang retired sa pag-aartista si Mel, at ang tanging pinagkakaabalahan ngayon ay ang negosyong buy-and-sell ng mga kotse.

Dati siyang sales manager sa isang multinational company, noong panahong naninirahan pa siya sa California.

Continue reading below ↓

Paano naman nahulog ang loob sa kanya ng partner niya?

Diretsahang sabi ng dating aktor, "Actually, hindi niya ako nagustuhan dahil matanda na ako. Nagustuhan niya ako dahil siguro mabait din ako sa kanya.

"Hindi ako nambubugbog. Hindi kami nagmumurahan.

"Mag-away man kami, tahimik lang kami."

NO BABY with CURRENT PARTNER YET

Ang tanging isyu lang daw nila ay gusto ng kanyang partner na magkaroon sila ng anak.

"Yun nga hinihintay niya, gusto niya magkaroon kami ng baby.

"Ngayon, natatakot lang ako, baka mamaya mamatay ako, maiwanan yung baby, bugbugin ng magiginga asawa.

"Siyempre bata pa siya. Pag nag-asawa siya, mabubugbog lang anak ko, kaya yun lang pinagtatalunan namin."

Hirit ng PEP.ph, mukhang nahanap na ni Mel ang kanyang "true love."

Tugon ni Mel, "Talagang napakasuwurte ko sa kanya. Ang dami kong asawa, walang tumulong sa akin.

"Hanggang dun lang kami, girlfriend-boyfriend, hanggang sa matulog lang nang magkasama... Walang care.

Continue reading below ↓

"Pero itong last wife ko, she's the only woman who took good care of me. Hanggang sa mamatay na ako siya na lang."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actor Mel Francisco on his non-showbiz partner (right): "Tahimik na ang buhay ko. Hindi na ako nambababae. She will be my last. Hanggang sa mamatay na ako, siya lang."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Sent to PEP.ph courtesy of Mel Francisco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results