Sunshine Cruz feels indebted to ex-husband Cesar Montano’s other women: “If not for them, ang buhay ko di magiging ganito.”

by Jet Hitosis
Sep 4, 2020
Sunshine Cruz
Actress Sunshine Cruz married actor-director Cesar Montano in September 2000, and separated in 2013. After a four-year legal battle, the court finally ended their tumultuous 13-year marriage on September 18, 2018.
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram

Mistulang may tinatanaw pa ngayong utang na loob ang aktres na si Sunshine Cruz sa mga naging “other women” noon ng ex-husband niyang si Cesar Montano.

Sa katunayan, sakaling lumapit daw ngayon kay Sunshine, 43, ang sinuman sa mga babaeng ito ay baka yakapin pa niya sila.

Bukod daw kasi sa napatawad na ni Sunshine “yung mga nakasakit sa akin noon,” masaya na ngayon ang aktres sa kanyang buhay, pitong taon matapos silang maghiwalay ni Cesar, 58.

September 2000 nang ikinasal si Sunshine sa award-winning actor-director na si Cesar.

Tumagal ng 13 taon ang kanilang pagsasama, at nabibiyayaan sila ng tatlong anak: sina Angelina, 18, Samantha, 16, at Chesca, 14.

TROUBLED MARRIAGE

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine noong September 2018, naikuwento ng aktres ang pag-alis niya sa bahay nila ni Cesar noong 2007.

Bitbit daw noon ni Sunshine ang tatlo nilang anak.

Pinag-awayan daw nila ang tungkol sa hinala niyang may relasyon ang actor-director sa Brazilian model na si Mariana del Rio, na noon ay 16 years old lang.

Continue reading below ↓

Kalaunan, nagkaayos ang mag-asawa.

Pero dahil pa rin sa third party sa parte ni Cesar, tuluyan silang nagkahiwalay noong 2013.

Nang mga panahong iyon, maugong ang balitang relasyon umano ni Cesar sa starlet na si Krista Miller.

Sa kabila ng pagtanggi nina Cesar at Krista na may relasyon sila, hindi na binalikan ni Sunshine ang mister.

ANNULMENT AND NEW BEGINNING

September 18, 2018, inaprubahan ng korte ang annulment ng aktres kay Cesar.

Nang mga panahong iyon, matagumpay nang nakabalik sa showbiz si Sunshine.

Maayos niyang naitataguyod ang tatlong anak bilang single mom, at nakalipat na sila sa bagong bahay.

Continue reading below ↓

Bukod dito, dalawang taon na niyang karelasyon noon ang businessman na si Ismael “Macky” Mathay IV.

Ngayong September 2020, ise-celebrate nina Sunshine at Macky ang kanilang fourth anniversary bilang magkasintahan.

“IF NOT FOR THEM, ANG BUHAY KO ‘DI MAGIGING GANITO”

“Ako ngayon, I could honestly say, pag lumapit sa akin yung mga nakasakit sa akin noon, baka yakapin ko pa at mapapatawad ko sila,” sabi ni Sunshine, tinukoy ang mga nakarelasyon ni Cesar habang asawa pa niya ito.

Continue reading below ↓

“Kasi if not for them, ang buhay ko ngayon, hindi magiging ganito,” nakangiting dugtong ng aktres.

Sinabi ito ni Sunshine sa virtual presscon ng finale ng Kapamilya teleseryeng Love Thy Woman nitong Miyerkules, September 2.

Sa serye, si Sunshine ay other woman ng negosyanteng Chinese na si Adam Wong, na ginampanan ni Christopher de Leon.

Anak nila si Jia Wong, ang main character sa serye na ginagampanan ni Kim Chiu.

FORGIVENESS AND CHANGING WAYS

Tanong ng isang showbiz editor kay Sunshine, ano ang maipapayo ng aktres sa mga other women, na tulad ng character niya sa Love Thy Woman?

Natatawang umamin si Sunshine na nakaka-relate siya sa usapin ng other woman. Marami raw siyang ganoong karanasan noong kasal pa siya kay Cesar.

Pero bilang ang naranasan niya ay sa panig ng legal na asawa, binanggit ni Sunshine ang tungkol sa pagpapatawad.

“Pagdating sa other woman, bilang ako rin ay maraming experience sa ganyan, sa past… sa asawa, masarap yung feeling na marunong ka magpatawad.

Continue reading below ↓

“Forgiveness talaga ang napakaimportante para mas masaya ang buhay at magkaroon tayo ng kapayapaan sa puso at sa isip,” sabi ni Sunshine.

Kasabay nito, kinumbinsi ni Sunshine ang mga other women na ayusin ang kanilang buhay. Lagi naman daw may “pangalawang pagkakataon” para sa kahit sino.

“It is never too late na magbago,” payo ni Sunshine. “Puwede naman tayong magkaroon ng pangalawang pagkakataon.

“Puwede naman tayong pumili ng mas tama para sa buhay natin. Hindi tayo nakakasakit ng kapwa.”

“It is never too late to change. Habang may buhay may pag-asa,” nakangiting sabi ni Sunshine.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Sunshine Cruz married actor-director Cesar Montano in September 2000, and separated in 2013. After a four-year legal battle, the court finally ended their tumultuous 13-year marriage on September 18, 2018.
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results