Did Gerald Anderson bring Julia Barretto to his Zambales resort?

by Rachelle Siazon
Sep 6, 2020
Netizens say there are clues that Julia Barretto has been to Gerald Anderson's resort in Zambales. A screenshot (center) from a video taken by Gerald's long-time assistant shows a long-haired girl and a guy lounging in front of the glass room in the actor's private resort.
PHOTO/S: @andersongeraldjr Instagram / Jalal Laidan / @juliabarretto Instagram

Isinama nga ba ni Gerald Anderson si Julia Barretto sa kanyang private resort sa Zambales?

Ito ang usap-usapan ng mapanuring netizens na nagsasabing may ilang beses nang namataan umano si Julia sa pag-aaring beachfront property ni Gerald sa Zambales.

Si Julia ay 23 taong gulang, habang si Gerald ay 31.

Isang netizen ang nagpaabot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng video kunsaan nakunan ang isang lalaki na kawangis ni Gerald, kasama ng isang long-haired girl na hinihinala raw na si Julia.

Base sa video, nakapuwesto ang lalaki at ang babae sa labas ng glass house
kunsaan tanaw ang magandang view ng beach.

Tila nakaupo ang babae, at sa bandang kanan niya ay makikitang nakatayo naman ang lalaki.

Maya-maya pa ay makikita sa video na ang kumukuha nito ay ang long-time personal assistant ni Gerald na si Jalal Laidan.

Kapansin-pansing may nakalapat na salitang "anniversary" sa video, pero hindi malinaw kung kasama ito sa original video ni Jalal.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

SIMILAR BAMBOO FURNITURE?

Nito lang huling bahagi ng August, may netizens na pumuna kung nasaan daw si Julia nang kapanayamin siya sa Kapamilya online show na Jeepney TV.

Napansin nilang ang bamboo headboard sa kinauupuan ni Julia ay kahawig daw ng bamboo bed na makikita sa glass room ni Gerald sa Zambales.

Continue reading below ↓

Umere ang panayam kay Julia noong August 31.

Hindi ito ang unang pagkakataong napuna ito ng netizens.

Noong August 9, may mga nagtanong na rin kung nasaan si Julia nang kapanayamin siya ni Toni Gonzaga sa online show na I Feel You.

Continue reading below ↓

Usap-usapan ng netizens na tila nasa Zambales resort ni Gerald si Julia.

Pamilyar ang netizens sa beachfront property ni Gerald dahil dalawang beses nang nagbahagi ang aktor ng walking tour nito sa kanyang YouTube channel.

Doon daw nakapirmi ang ama ni Gerald mula nang magsimula ang enforced quarantine.

Sa kanyang vlog noong August 8, makikitang naglilinis si Gerald sa loob ng kuwarto na noo'y hindi pa kumpleto ang naka-install na floor-to-ceiling glass doors.

Continue reading below ↓

Makikita rito ang bamboo bed na may headboard na kahawig daw ng furniture na kita sa online interview kay Julia sa I Feel You at Jeepney TV.

Napagtagni-tagni ito ng netizens.

Continue reading below ↓

Biro pa ng iba, ang "saksi" ay ang dingding at bamboo furniture.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin din daw ang tan lines ni Julia sa ilang Instagram posts niya tulad noong August 2 at nitong September 1.

Habang si Gerald naman ay madalas mag-post sa Instagram ng mga larawang kuha sa kanyang Zambales resort.

Continue reading below ↓

JULIA'S CLOSENESS TO GERALD'S CLIQUE

Hindi rin nakalampas sa netizens ang pagiging malapit ni Julia sa mga kaibigan ni Gerald.

Bandang July nang mapansing magkasama sina Julia at Bianca Pauline na kumakain sa isang restaurant.

Si Bianca ay nobya ni Joe Vargas, isa sa close friends ni Gerald.

Noong July 29, nag-post sa Instagram Story si Julia ng litrato kasama sina Joe at Bianca.

Continue reading below ↓

"HBD BROTHER @meetjoeblack!" simpleng mensahe ni Julia kay Joe. Ni-repost ito sa Instagram nina Joe at Bianca.

GERALD NEITHER CONFIRMS NOR DENIES RELATIONSHIP WITH JULIA

Parehong mailap sina Gerald at Julia pagdating sa estado ng kanilang love life.

Pero noong August 11, diretsahang tinanong si Gerald kung magkarelasyon ba sila ni Julia.

Continue reading below ↓

Naganap iyon sa virtual presscon para sa Love Unlock kasama ng select entertainment reporters at vloggers.

Pero hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ni Gerald ang balitang may unawaan sila ni Julia.

Paiwas na sagot ni Gerald, "Siguro, unang-una, ayoko na rin pag-usapan ang isang taong wala naman din dito.

"Walang koneksiyon sa ginagawa natin ngayon.

"Respeto na rin po siguro sa kanila. Labas po tayo diyan..."

Hindi man niya nasagot ang tanong, kalmado at maayos na ipinunto ni Gerald na nais lang niyang manahimik tungkol sa kanyang personal na buhay.

Sabi ng Kapamilya actor, "Ganun po talaga yung character ko. I mind my own business. At ipapayo ko rin 'yan sa ibang tao."

JULIA'S MYSTERY "LOVED ONE"

Sa kaso ni Julia, nagpahiwatig ang aktres na mayroon siyang mystery "loved one" na nakapiling bukod sa siyam na kapamilyang dumalo sa kanyang birthday dinner sa bahay.

Makikita iyon sa Instagram post ni Julia noong March 11.

Continue reading below ↓

Inusisa siya tungkol dito nang mag-guest siya sa ABS-CBN talk show na Magandang Buhay noong March 16.

Halatang kinilig si Julia, pati na rin ang isa sa hosts na si Melai Cantiveros.

Pero sabi lang ni Julia, nais niyang proteksiyunan ang taong isa sa nagbibigay-inspirasyon sa kanya.

"I think, sa trabaho natin, very open book na tayo, e. Lahat alam na tungkol sa atin e.

"So parang, kahit sa mga oras lang na ito, ine-enjoy ko na akin lang ito.

"Ako lang nakakaalam nito, so pinoprotektahan ko pa siya."

Noong August 4, iginiit ni Julia sa kanyang YouTube vlog na hindi niya sasagutin ang anumang katanungan tungkol sa kanyang love life.

Ani Julia, "Why is everyone asking about my love life. I'm not gonna answer the question ever again."

PAST ISSUE

Sina Julia at Gerald ay nagkatambal sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong May 2019.

Ilang buwan silang nasangkot sa kontrobersiya nang madawit si Julia sa hiwalayan ng magkasintahang Gerald at Bea Alonzo noong July 2019.

Continue reading below ↓

July 26, 2019 nang ihayag ni Bea na wala silang pormal na breakup ni Gerald at bigla na lang daw siyang hindi kinausap ng nobyo.

Sa kabilang banda, nanindigan sina Gerald at Julia na walang katotohanan ang espekulasyong mayroon silang espesyal na ugnayan.

Sinabi ni Gerald na hindi "third party," kundi sunud-sunod na pag-aaway nila ni Bea, ang mitsa ng kanilang breakup noon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens say there are clues that Julia Barretto has been to Gerald Anderson's resort in Zambales. A screenshot (center) from a video taken by Gerald's long-time assistant shows a long-haired girl and a guy lounging in front of the glass room in the actor's private resort.
PHOTO/S: @andersongeraldjr Instagram / Jalal Laidan / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results