Angelica Panganiban, celebrities slam MTRCB plan to regulate content of Netflix, other streaming platforms

by James Patrick Anarcon
Sep 6, 2020
Angelica Panganiban on MTRCB's plans to regulate streaming content: “Grabe na din. Pati streaming gusto na pakelaman. Papatayin niyo na talaga ang industriya. Inuna niyo ang free tv."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram / MTRCB

“Papatayin niyo na talaga ang industriya.”

Ito ang reaksiyon ng aktres na si Angelica Panganiban sa plano ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-regulate ang content na lumalabas sa streaming sites katulad ng Netflix.

Noong Biyernes, September 4, inilabas ni Angelica sa Twitter ang kanyang saloobin tungkol sa plano ng MTRCB.

Bukod sa pakikialam ng MTRCB sa streaming sites, binalikan din ni Angelica ang pagpapasara sa free TV ng ABS-CBN, matapos kitilin ng pamahalaang Duterte, sa pamamagitan ng Kongreso, ang prangkisa nito noong July 10, 2020.

Ayon kay Angelica, ang mga pangyayaring ito ay pumapatay sa industriya.

Inihambing pa ng Kapamilya actress ang Pilipinas sa North Korea, na nasa ilalim ng totalitarian government.

Saad ni Angelica sa kanyang tweet (published as is): “Grabe na din. Pati streaming gusto na pakelaman. Papatayin niyo na talaga ang industriya. Inuna niyo ang free tv. Bukas pag gising natin, north korea na to.”

Continue reading below ↓

Sa sumunod na tweet ni Angelica, tinanong niya ang gobyerno kung bakit ito “takot na takot sa media at entertainment.”

Pagkatapos daw kasing kitilin ang press freedom sa pamamagitan ng pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN, ang kalayaang gumawa ng kuwento naman ang gusto nitong kontrolin.

Sabi ng 33-year-old actress, “Bakit ba takot na takot kayo sa media at entertainment? Una press freedom... ngayon pati kalayaan namin gumawa at mag kwento, totoo man o pagpapanggap, gusto niyong kontrolin.”

Continue reading below ↓

Tanong pa ni Angelica sa huling bahagi ng tweet: “Tinatamaan ba kayo? Kasi masyadong malapit sa totoong buhay ang napapanood niyo?”

Si Angelica ay napanood sa Love Lockdown, isang pelikulang ginawa at iprinodyus para sa streaming site ng ABS-CBN na iWant TFC (dating iWant) noong May 2020.

CELEBRITIES, PERSONALITIES REACT

Marami ring personalities ang nagbigay ng reaksiyon sa plano ng MTRCB na i-regulate ang content na lumalabas sa Netflix at ibang streaming platforms.

Continue reading below ↓

Katulad ni Angelica, tutol sila rito.

Kasama sa mga naglabas ng saloobin sa Twitter ay ang actress-TV host na si Ria Atayde, ang social media personality na si Macoy Dubs (Mark Averilla), at ang singer-activist na si Leah Navarro.

Saad ni Macoy Dubs sa kanyang tweet, “MTRCB, we know kailangan ninyo maging relevant pero dios mio leave Netflix alone. LET PEOPLE WATCH THEIR / PREFERRED / CONTENT intiendes?”

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Leah, na dating board member ng MTRCB, mas “prudent” kung ang plano nila ay i-rate ang content at hindi i-regulate.

Noong panahon daw niya, maingat ang board members sa panganib na dala ng censorship.

Paliwanag niya, “The more prudent initiative would be to rate, not regulate. My generation of MTRCB Board Members were cognizant of the dangers of censorship. That’s why the rating system was established. We aimed to guide, not impose.”

Continue reading below ↓

Si Ria naman ay tanging “?!” ang reaksyon dito.

MTRCB AND STREAMING SITES

Noong Huwebes, September 3, hiniling ng MTRCB legal affairs division chief na si Jonathan Presquito na bigyan sila ng kapangyarihang i-regulate ang content na lumalabas sa Netflix at iba pang streaming sites.

Kabilang na rito ang iWant TFC (dating iWant), ang streaming site ng ABS-CBN na nagpapalabas at nagpo-produce ng original content.

Continue reading below ↓

Isa rin sa mga streaming sites na nagpapalabas ng original content ay ang iFlix. Una sa mga proyekto nito ang pelikulang Mystified, na pinagbidahan at iprinodyus ng Encantadia stars na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubiri.

Sabi ni Presquito sa hearing ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship noong Setyembre 3, "Stream services like Netflix are video on demand platforms. We have to regulate those platforms.

“We have to ensure that those materials being shown on those platforms are compliant with MTRCB laws.”

Sa ngayon, ang puwede lamang i-regulate ng MTRCB ay ang content na lumalabas sa telebisyon at mga sinehan.

Binanggit din ni Presquito ang South Korea, kung saan dumaraan daw sa prior review ng regulators ang lahat ng inilalabas sa Netflix.

"Sa South Korea, lahat ng content ng Netflix dumadaan sa prior review.

"We don't want that kind of review. We want an environment of growth. Let's allow streaming services to flourish, but how do we find the balance?"

Continue reading below ↓

MTRCB CHAIR EXPLAINS PLANS

Sa panayam ng ABS-CBN Teleradyo kay MTRCB chairperson Rachel Arenas noong Biyernes, September 4, binanggit nito ang layunin ng ahensiya sa gagawing pagre-regulate ng streaming content.

Gusto raw nilang i-“empower” ang Filipino viewers dito. Sa katunayan, pina-finalize na raw nila ang draft ng guidelines upang tiyaking alinsunod sa “Filipino contemporary values” ang napapanood sa streaming sites.

"It’s not to curtail their freedom, it's actually to empower our viewers, especially now 'yung mga tao karamihan are working from home.

"In fairness with them, they’re willing to collaborate and cooperate with us...They agreed naman that they’re going to look at our guidelines and I assured them that we’re not going to give you a hard time.”

Kumpara sa South Korea, inaabot daw ng anim na buwan hanggang isang taon bago maipalabas ang content sa Netflix dahil sa review.

Hindi daw ganito ang plano ng MTRCB.

"Iba iba ang kultura ng bawat bansa. [Sa South Korea], they review every material that comes out in Netflix that’s why delayed sila ng six months or even a year.

Continue reading below ↓

"Yung sa akin kasi, I don’t want na pag naririnig nila ang MTRCB, nega na agad. Parang galit sila agad. Iba naman ang MTRCB ngayon, the times have changed.”

CAN MTRCB REGULATE STREAMING CONTENT?

Dalawang abugado na may alam sa operations ng MTRCB ang nakausap ni Jo-Ann Maglipon, PEP.ph editor-in-chief, tungkol sa plano ng board mag-regulate ng content ng Netflix at iba pang streaming sites.

Ayon kay Atty. Wryan Te, chairman ng Appeals Committee ng MTRCB sa ilalim ni Pangulong Noynoy Aquino, hindi saklaw ng MTRCB ang streaming platforms kagaya ng Netflix.

Taong 1985 ipinatupad ni deposed President Ferdinand Marcos ang Presidential Decree 1986, o ang batas na nagsasaad sa kapangyarihan at saklaw ng MTRCB.

Ang PD 1986 ang sinusunod pa ring batas sa kasalukuyan. Dito, sinasabing ang saklaw lamang ng MTRCB ay mga pelikula at programang ipinapalabas sa sinehan at telebisyon sa Pilipinas, imported man o locally produced.

Saklaw rin ng MTRCB ang promotional materials na ilalabas sa telebisyon at mga sinehan, katulad ng posters at trailers.

Continue reading below ↓

Bagamat nagpapalabas ng series, movies, at commercials ang Netflix, hindi nito nilalabas ang kanyang content sa telebisyon at sinehan, kundi sa Internet.

Hindi saklaw ng MTRCB ang Internet.

Paliwanag ni Atty. Te, “Netflix is a streaming platform that has all three: motion pictures or movies, television programs, and commercials. However, the mentioned platform no longer uses the same traditional means—i.e, television and theatres—to make these materials available to the public.

“Nowadays, these movies, television programs, and commercials are accessed through computers, laptops and mobile devices through the use of the Internet which was not available more than twenty years ago.”

Magiging “challenging” daw ang “enforcement” ng pinaplanong content regulation ng MTRCB sa dami na lang ng streaming platforms na accessible ngayon sa Internet.

Ayon pa kay Atty. Te, “This is already tantamount to regulating the use of the internet, which I believe the MTRCB is incapable of doing, aside from it being already beyond the scope of its authority.

Continue reading below ↓

“If the MTRCB is really adamant in wanting to regulate streaming platforms such as Netflix, the law needs to be revisited and amended in order to adapt to the internet age.”

Ayon naman kay Atty. Lesley Cordero, isang miyembro rin ng five-person MTRCB Appeals Committee sa ilalim ni Aquino, nagkaroon na noon ng "exploration" sa pag-regulate o paghawak ng content sa Internet.

Si Senator Grace Poe pa noon ang nakaupong chair ng MTRCB, na pinamunuan niya mula 2010 hanggang 2012.

Pagkatapos ng matinding pananaliksik at diskusyon, napagtanto nina Poe na walang existing legal basis ang MTRCB upang maka-regulate ng Internet.

Una na, paliwanag ni Atty. Cordero, dahil “very specific” at "enumerated" ang saklaw ng kapangyarihan ng MTRCB sa PD 1986: TV, film, prints, trailers, promotionals at iba pang klarong mga nakasulat lamang.

Hindi kasama ang Internet. Ni wala pang Internet noong panahong ginawa ang Presidential Decree.

Dagdag pa ni Cordero, kakailanganing dumulog sa Kongreso ang mga institusyong gustong dagdagan ang saklaw ng MTRCB, dahil Kongreso lamang ang may kapangyarihang baguhin ang kasalukuyang Presidential Decree na sumasakop sa MTRCB.

Continue reading below ↓

Hindi rin daw uubra ang isang Executive Order lamang para sa mga pagbabagong ito dahil ito ay magiging “unconstitutional.”

Para naman sa mga Filipino movies na nasa Netflix at iba pang streaming sites, hindi pa rin daw sila maaaring pakialaman ng MTRCB dahil ibang platform pang matatawag ang streaming.

Walang banggit sa online streaming platform sa PD 1988, kaya isa pa itong ligtas sa saklaw ng MTRCB.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on MTRCB's plans to regulate streaming content: “Grabe na din. Pati streaming gusto na pakelaman. Papatayin niyo na talaga ang industriya. Inuna niyo ang free tv."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram / MTRCB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results