Lloyd Cafe Cadena’s OFW father broken by son’s death

by James Patrick Anarcon
Sep 6, 2020
Lloyd Cafe Cadena (left) with his father, Jun "Khalid" Cadena, who recalls their last conversation: “Yun nga ang message niya sa akin, ipag-pray ko raw siya, 'tapos heart heart heart. Madaling araw ng Friday, yesterday, hindi na nag-reply sa akin. So nag-'miss you' na lang ako, 'ingat' at saka sundin din yung payo ng doktor, kung anuman."
PHOTO/S: @lloydcafecadena on Instagram

Sa unang pagkakataon ay naglabas ng saloobin ang ama ng pumanaw na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Biyernes ng hapon, September 4, lumabas ang balitang pumanaw na si Lloyd. Siya ay 26 taong gulang.

Mayroon siyang dalawang YouTube channels na may kabuuang 8.6 million subscribers.

Sa sariling vlog post ng ama ni Lloyd na si Jun “Khalid” Cadena, noong Sabado, September 5, ikinuwento nito kung paano niya nalaman ang masamang balita tungkol sa anak.

Tinawag niyang “saddest day in my life” ang pagpanaw ng anak.

Si Jun ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang OFW sa United Arab Emirates, kaya hindi niya nakapailing ang anak sa huling sandali nito.

Lahad niya, “I lost my son Lloyd Cafe Cadena. I was shocked.

"When I was on duty, my daughter in Dubai called me around nine in the morning. She told me, ‘Papa, wala na si Lloyd.’"

Dito ay tumungo, napaupo, at nag-umpisang maiyak si Jun.

Continue reading below ↓

“Napakasakit. Ang hirap tanggapin na wala na siya.

"Mabait na anak, hindi man lang kami nagkita. Anak, patawad hindi na kita nakita.

“Ang hirap tanggapin ng isang ama na mawalan ka ng anak. Super hirap.”

HOW DADDY JUN FELT UPON HEARING THE NEWS

Nawalan daw ng lakas si Jun nang malaman niya ang pagkamatay ni Lloyd.

Hindi raw niya maintindihan ang mararamdaman hanggang sa natulala na lamang siya ng ilang minuto.

Kuwento ni Jun, “Parang nawalan ako ng lakas kahapon nang marinig ko, noong sinabi ng anak ko sa Dubai, panganay namin iyon, panganay na anak ko, ‘Papa, wala na si Lloyd.’

“Talagang nagulat ako na hindi ko maintindihan. Maybe two to three minutes or more, tulala ako, e. Naka-duty kasi ako sa planta.

“Parang tumatayo iyong balahibo ko, parang may something sa paligid. Talagang iyak nang iyak, parang mama niya iyak nang iyak.”

Ayon pa kay Jun, masyado pang bata si Lloyd para pumanaw.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, kay Lloyd pa nga niya ibinilin ang mga kapatid nito.

Nagpositibo raw kasi si Jun sa COVID-19 at akala niya ay mawawala na siya.

“Sayang iyong batang ‘yon, batang-bata pa, hindi pa niya natupad yung pangarap niya.

“Ang bilin ko lang naman sa anak ko na yun ay huwag pabayaan iyong mga kapatid niya kung mawawala ako sa mundong ito.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JUN PLEADS TO PUBLIC

Nakiusap naman si Jun na huwag na sanang magtanong pa ang publiko kung ano ang ikinimatay ni Lloyd, bagamat sa mga lumabas na ulat ay cardiac arrest ang sinasabing dahilan ng pagkasawi nito.

Nag-vlog lang daw si Jun dahil gusto niyang i-express ang pagka-miss sa anak.

Saad ng ama ni Lloyd, “Mga kabayan, huwag na kayo magtanong kung anong dahilan ng pagkamatay ni Lloyd. Manood na lang kayo ng YouTube, balita, mga news. Igalang niyo na lang yung privacy naming pamilya.

“Ang vlog na ito ay gusto ko lang iparating sa mga kamag-anakan ko na, 'I miss Loyd Cafe Cadena.' I miss him too much, talagang na-miss ko siya.

“Hindi ko na siya makikita muli, umuwi man ako, hindi rin puwede dahil ang aking passport ay in process for visa renewing, wala sa akin yung passport ko.

“Dapat pala, hindi ko na pina-renew iyon dahil puwede pa akong umuwi. October 1 pa ang expiry ng aking visa, e.

Continue reading below ↓

"Wala rin sa timing, pero siguro iyon ang itinadhana para sa akin.”

Hindi nga raw kinaya ni Jun kahit magbukas ng Messenger application sa kanyang cellphone nang malamang namatay ang anak.

“Tinatawagan ko kahapon lang iyong kapatid niya para ma-contact mama niya, makausap ko.

“Yun nga, malungkot, hindi mawari na. Sobrang nanghina ako, e. Hindi ako nakakain kagabi, ngayon lang ako kumain umaga.

“Ayaw kong buksan yung aking Messenger. Magbukas ako internet, puro balita tungkol kay Lloyd, tumutulo luha ko.

"Ang sakit, napakasakit talaga.”

LAST CONVERSATION WITH LLOYD

Ang isa raw sa hindi makakalimutang memory ni Jun kay Lloyd ay nang dalawin siya nito, kasama ang mga kapatid, sa United Arab Emirates, kung saan siya nagtatrabaho.

Hindi raw kasi makauwi noon si Jun kaya si Lloyd na lang ang nagdesisyong sila ang pumunta sa kanya.

Pag-alala ni Jun, “Yung words niya na, ‘Papa, ayaw mong umuwi, ha. Kami na lang pupunta diyan.’

Continue reading below ↓

“Yung nagpunta siya dito sa UAE, doon kami nagkita-kita sa anak ko sa Dubai, 2016 pa yun.

“Mahilig tumabi sa akin yun, e. ‘Papa, hindi ka kasi umuwi, e, kami na lang pumunta rito.’ Yung pamasahe ko kasi, ipunin ko na lang.

"So, natuwa ako doon sa binanggit niya na sama-sama talaga kaming lahat, mga kapatid niya at saka mga apo ko sa Dubai.”

Ang huli namang usapan nila Lloyd sa messaging ay nangyari noong Huwebes, September 3—isang araw bago bawian ng buhay ang anak.

Hiniling daw ni Lloyd ang dasal ng ama, hanggang sa hindi na ito nag-reply.

Base sa reply ni Jun, tila alam niyang may karamdaman na ang anak.

Kuwento ni Jun, “Yun nga ang message niya sa akin, ipag-pray ko raw siya 'tapos heart heart heart.

“Madaling-araw ng Friday, yesterday, hindi na nag-reply sa akin. So, nag-'miss you' na lang ako, 'ingat' at saka sundin din yung payo ng doktor, kung anuman.

Continue reading below ↓

“Eksakto talaga, nine o’clock, tumawag iyong anak ko, humahagulgol.

“Nagulat talaga ako, nanghina ako. Iba pala kapag kuwan, e, para kang ano... parang may pumalo sa akin na nanginig yung tuhod ko, 'tapos tumatayo balahibo ko. Parang may something sa paligid.

“Kinausap ko na lang, ‘Lloyd, kung andito ka sa tabi ko, ingatan mo na lang ako. Kung anuman, sama na lang ako sa ‘yo. Kung puwede nga lang ipalit iyong buhay ko sa ‘yo, e.'

"Matanda na ako, aanhin ko pa yung buhay ko kung malungkot naman yung mga anak ko.

“Tama na yung naranasan kong kasiyahan sa edad ko na ito, makita ko lang masaya kayong mga anak ko, okay na sa akin.”

MESSAGE TO LLOYD

Sa huling bahagi ng kanyang vlog, nag-iwan ng mensahe si Jun para sa namayapang anak.

“Lloyd, kung saan ka man ngayon, nawa’y masaya ka na. Nawa’y gabayan mo kami ng iyong mama, mga kapatid, na makayanan namin ang pagsubok sa buhay. Nawa’y maka-move on kami.

Continue reading below ↓

“Salamat sa kabutihang iyong ibinigay sa amin, sa iyong mga kapatid, sa iyong mga kapitbahay, sa iyong mga kabarkada, sa iyong mga tagatangkilik, napasaya mo sila.

“Masaya ako, anak, bago matulog, pagdating ko galing trabaho, pinapanood ko iyong mga vlogs mo. Iba ang dating kapag nakita kitang ngumingiti.”

Inalala rin ni Jun ang mga panahong bata pa si Lloyd at ang pagiging “energetic” at masiyahin nito.

“Masayahin ka talaga mula pa noong maliit ka, payat ka noong araw, maliit, hindi ko talaga makalimutan.

“Nasa baba kami, pagkatapos mag-meryenda kami mga alas-tres, yung bahaw, nilagyan ko ng Milo parang ginagawa kong champorado, ‘tapos akyat-baba siya sa hagdanan namin.

“Energetic yung batang yun, e. Napakabilis at saka madali mong utusan.

“Hindi ko lubos maisip na mawala ka bigla, talagang malaking kawalan sa akin, sa mga kapatid mo, na mawala ka anak.

“Pinapauwi mo na nga ako, e. Hindi man lang kita nayakap, anak, sa huling pagkakataon.

Continue reading below ↓

“Patawarin mo ako anak sa pagkukulang ko sa inyo, sa inyong mga kapatid.”

Maraming celebrities din ang nakiramay sa pagkamatay ni Lloyd, kabilang na sina Alex Gonzaga, Vice Ganda, Michelle Dy, at ang international singer na si Mariah Carey.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lloyd Cafe Cadena (left) with his father, Jun "Khalid" Cadena, who recalls their last conversation: “Yun nga ang message niya sa akin, ipag-pray ko raw siya, 'tapos heart heart heart. Madaling araw ng Friday, yesterday, hindi na nag-reply sa akin. So nag-'miss you' na lang ako, 'ingat' at saka sundin din yung payo ng doktor, kung anuman."
PHOTO/S: @lloydcafecadena on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results