BB Gandanghari reveals more "intimate" stories about Rustom Padilla and famous actor

by James Patrick Anarcon
Sep 7, 2020
BB Gandanghari narrates Rustom Padilla's "most liberating" experience with a famous actor: “You can just imagine yung reaction ni Rustom because of kapraningan na baka makita sila noong driver na magka-holding hands sila at baka suntukin silang dalawa, not realizing na nasa San Francisco siya!"
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Ipinagpatuloy ni BB Gandanghari ang kanyang kuwento ng romantic encounter ni Rustom Padilla at ng isang kapwa aktor sa San Francisco.

Si Rustom, kapatid ng mga aktor ding sina Robin at Rommel Padilla, ang dating katauhan ni BB bago siya nagdesisyong maging trans woman.

Nag-umpisa ang paglalahad ni BB sa kwento ni Rustom noong August 30, sa pamamagitan ng kanyang YouTube livestream, na may pinamagatang "I Left My Heart in San Francisco: Who is David and Jonathan?"

Pinangalanan ni BB na “David” at “Jonathan” ang dalawang characters sa kuwento ni Rustom.

Malinaw na ang “David” sa kwento ay si Rustom, at ang aktor na kasama sa kanyang kwento ang “Jonathan.”

Huminto ang unang bahagi ng pagkukuwento ni BB sa isang intimate encounter nina Rustom at Jonathan sa hotel room.

Nang maghiwalay sila dahil makikipagkita si Rustom sa isang babaeng irereto sana sa kanya, nagtanong si Jonathan kung puwede nitong tawagan si Rustom pagbalik ng huli sa hotel.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ni BB ng kuwento, noong September 6, Linggo, ibinahagi nito ang mga sumunod na nangyari matapos ng intimate moment nina Rustom at Jonathan sa hotel room.

Sa pagkuwento ni BB, paulit-ulit niyang mababanggit ang pangalang "Rustom" at paminsan ay tutukuyin niya itong “David.”

Consistent siya sa pagbanggit ng pangalan na “Jonathan,” at wala na siyang ibang pangalan na nasabi sa katauhan nito.

JONATHAN AND HIS PHONE MESSAGE

Inumpisahan ni BB ang kwento nang pabalik na si Rustom sa hotel galing sa memorial na kanyang pinuntahan.

Sa memorial niya unang nakilala ang babaeng nirereto sa kanya.

Habang nasa biyahe pauwi, bumabagabag sa isip niya ang “two opposite, very opposite desires.”

Ito raw ay dahil nagugustuhan ni Rustom ang mga pangyayari pero alam daw niyang hindi ito puwede.

Pagtukoy niya rito, “So galing sa memorial papunta sa hotel, at tumatakbo sa isip ni Rustom is, whatever’s going on, inuusig na siya ng konsensiya niya, e.

Continue reading below ↓

“Ang sinasabi na ng konsensiya niya, e, nagkakasala ka na sa puso mo.

“Yes, nothing is happening pero kung pagbabasaehan ang estado ng puso, parang si Rustom ay umaamin na agad na guilty as charged.

“He’s being excited and this is with no malice.”

Ayon kay BB, ang nararamdaman daw ni Rustom, o ni “David,” ay pareho sa kanyang nararamdaman kapag may attraction sa isang babae.

Subalit “weird” daw para sa kanya noong panahon na iyon, dahil iyon ang unang pagkakataong may nagpakita sa kanya ng “attraction na mutual” sa “same-sex individuals.”

Paliwanag ni BB sa nararamdaman ni Rustom, “It was very scary for him kasi it’s crossing his borders. Parang left or right. And honestly this early, he was fearing, he feared na yung judgment may come anytime.

“What do I mean by judgment, yung kapag nangyari yung nangyari na hindi pa nangyayari, then it’s the end of him. That’s what he thinks.

Continue reading below ↓

“Maybe not the physical body but yung fear niya na may faith, e. May faith yung Rustom na faithful, let’s put it that way. Right up until today, at that point. So yun yung estado ng sabihin na nating konsensiya.”

Pagdating daw ni Rustom sa hotel room, hindi raw niya alam ang gagawin, kung itse-check niya o hindi kung may message sa phone.

“I can vividly remember, he was very very torn of whether there is a call or not to have the call at all.”

Sa puntong ito, sinabi ni BB na si Rustom ay nagti-take ng responsibility sa mga pangyayari, at walang intensyon “to put somebody down.”

Patuloy niya, “Actually, by this time, and I’m not saying this to put somebody down, ha. I’m taking responsibility, Rustom is taking responsibility.

“I am just saying what was going on in his head, the kind of fear na pinaglalabanan niya during these moments kasi hindi naman niya naiintindihan.

Continue reading below ↓

“It’s nobody’s fault, it was him going through that process.”

Pagkatapos noon ay binalikan niya ang kuwento tungkol sa message.

“So papasok ng kuwarto, alam niyo yung feeling na gusto mong makita yung phone, gusto mong makita kung may pula at may message?

“O huwag mong tignan kasi ayaw mong makitang may message, because, naku, it smells trouble, come on, di ba, mga mature tayong tao.

“Hindi naman na high schooler si Rustom noon so meron siyang fears as far as self-control is concerned, kasi ganun din naman ang ano niya, kasi nga pinagdadaanan ni Rustom noon, e.

“Kapag kasi heterosexual attraction, you don’t go to sex all the time, right away. You talk, kahit nasa kwarto lang kayo, you talk. Kahit ba nasa kwarto lang kayo, you talk. That’s his orientation.

“Hindi ko naman sinasabing santo si Rustom, ha. He may have his indiscretions too. But when we he sees someone that is relationship-worthy, he wants to talk.

Continue reading below ↓

“Pero siyempre, may mga panahon nga that sometimes, it’s just too much. At yun ang ikinatatakot niya. Baka it may just come too much, especially so, private, e. Di ba?”

At nang i-check niya ang phone, may message nga si Jonathan.

Ang laman ng mensahe, kuwento ni BB, “Parang nagbibigay lang ng heads up na still, nandun pa sila sa commitment and... Basically, just giving me a heads up. And then, giving nice words. Thoughtful words.

“Needless to say, napangiti si Rustom. Needless to say, gumaan ang pakiramdam.

“Sabi ko nga po, ito, pag-uusapan natin nang diretso. It’s the same thing pag nakakaramdam ng kilig si Rustom sa babae. It’s the same feeling.”

Ito raw ang pinanggagalingan ni Rustom kaya siya nalilito. “Parang, why is it, feeling niya from his head, why is this feeling so right while it can be so wrong based on the faith.”

Pagkatapos ng dalawang oras, nakapagbihis, nakaligo, at natulog na si Rustom nang makatanggap siya ng tawag galing kay Jonathan.

Continue reading below ↓

Tinanong daw ni Jonathan kung pwede pa silang mag-hang out.

Hindi naman daw nagpaligoy-ligoy pa si Rustom. Um-oo ito kay Jonathan at pinaakyat sa kuwarto.

Wala raw awkwardness sa pagitan nila kahit na may “nangyari” sa kanila noong tanghali.

Sabi ni BB sa nararamdaman ni Rustom noong panahon na iyon: “This is really very familiar.”

Paliwanag niya, “This feeling of looking forward, seeing somebody you are attracted to, maraming panahong naramdaman ni Rustom 'yan, hindi nga lang sa lalaki, sa babae, but it’s the same feeling.

“And this time, they’re both very… walang malisya, e. I don’t know. Pero nag-uumpisa na ganun lang, nagha-hang out, nagkukwentuhan pa rin.

“If for anything, I think they really wanted to know each other.

“Si Rustom, as it will be proven sa maraming conversations nila, he simply wanted to know more, not only about Jonathan but he wants to know about what is this, what is this feeling that you may be feeling that he doesn’t know.

Continue reading below ↓

“But what is this? Why this attraction, why this vibe?”

Pagkatapos ay naging “intimate, really intimate” muli ang dalawa. Pero nilinaw niyang hanggang “caressing” and “holding hands” lang ang nangyari sa kanila.

“When Rustom was feeling every breath, every heartbeat, in the darkness of the room they were caressing, holding, holding only.

“Hindi rin ako ulit nagmamalinis but when I say holding, holding hands, not in any way the private parts. They were just really feeling each other. Not crossing that boundaries.

“High school kung high school, pero yun ang nangyari noong gabing yon. Nakatulog sila nang mahimbing.”

RUSTOM WAS NEVER IN THE CLOSET

Pagkatapos ng kanilang “really intimate” encounter ay may nabuo kay Rustom: “Parang may nabuhay na tiwala. Tiwala na… parang may taong puwedeng makaintindi sa pinagdadaanan ng kaloob-looban ng pagkatao ni Rustom.

“Right at this moment, hindi na lust, e. Kaya ang ano ni Rustom, ang takot niya dito is ang kalaban niya, puso niya kaya mas kasalanan, kaya yata natakot nang bonggang-bongga.

Continue reading below ↓

“But then again, that night na sabi ko nga, two guys kissing, does that make them gay?”

Dito nilinaw ni BB na si Rustom ay “not in the closet.” Maaari raw nagkaroon ng confusion sa parte niya, pero “Rustom was never in the closet.”

Paliwanag pa niya, “This kind of interaction for him was not even a gay relationship, that’s why I was very very clear from the onset.

“For him, this was really just a love story. It was not a gay relationship but it was actually love, he was seeing love from the point of view of a man towards a man.”

Kinabukasan, kinailangang umalis ni Jonathan nang maaga pero nakatulog sila na magkatabi.

Nilinaw niya muling walang “sexual contact” na nangyari, pero may iniwan daw si Jonathan kay Rustom pagkaalis niya sa kuwarto.

Sabi ni BB, “Not literally a note, but he left parang an opening of what can be explored as far as the emotional get-up of Rustom at this point.

Continue reading below ↓

“So needless to say, kasi magpu-pull out na ang lahat sa hotel, e. So sa gabing ito, nagkapalitan ng number.

“And I remember, ang cell doon, you can only have a foreign cell number or line if you have the roaming. So, obviously, walang roaming si Rustom noon so, this night, dito na sila nagpalitan ng number to keep in touch kasi wala nang way.”

Muli, sinabi ni BB na magulo na ang utak ni Rustom dahil torn siya.

“Papaano ito? Paulit-ulit yung ‘it feels so right and yet so wrong.’

“Umalis si Rustom ng Pilipinas na feeling niya, he was spiritually strong. Ready for anything, ready to get married.

“At 6 a.m. ng Monday, pag-alis ni Jonathan ng kuwarto, everything turned upside down.”

Dito na raw napagtanto ni Rustom na siya ay “dead” na kung faith ang pag-uusapan.

Saad ni BB, “I will admit this, Rustom thought right at that moment, he’s dead. Not in the physical point of view but as far as his faith is concerned. What does his faith dictate?

Continue reading below ↓

“That, ito yung layman’s term, hindi ko inaano ang sarili ko doon, pero at that time, ang pagkakaintindi niya, this is homosexuality and so I will be condemned. Yun ang pagakakaintindi niya.

“And even during this morning, na-realize din niya because wala naman nangyari noong gabi, but more so, sa puso niya, alam niya nagkasala siya kung ang pakikinggan niya ang sinasabi ng Panginoon.”

“Overwhelming” daw ang pangyayari kay Rustom dahil bago pumunta ng San Francisco ay iba ang kanyang paniniwala.

“Overwhelming in a sense na, imagine, from matindi ang paniniwala na I can pursue, I can be the man, I can be an ideal man, I can be a husband, I will have children, I will raise a family to this, na walang nakakausap.

“Lahat yun, tanong niya, sagot niya lang, taking his chances, but still praying hard na if this is not meant to happen, yun na lang ang tanging nagawa ni Rustom.”

Continue reading below ↓

Bago sila naghiwalay ay nagkapalitan sila ng numero, na daan para magkaroon pa sina Rustom at Jonathan ng communication.

SHOPPING WHILE CHIT-CHATTING

Kinabukasan, si Rustom ay naka-schedule mag-shopping sa Union Square. Dito ay may access na si Rustom sa kanyang cellphone.

Inamin ni BB na si Rustom ang naunang mag-text kay Jonathan.

Lahad niya, “I think this was the time na siya naman nag-text, sabi lang niya na, ‘What’s up, andito lang nagsa-shopping sa Union Square.’

“Jonathan responded right away and they started chit-chatting, texting each other, and then noong nagkaroon ng break, nagkaroon sila ng chance mag-usap.

“Nag-usap sila, nag-umpisa na ang tawagan, this was the start ng tawagan.

“Rustom was shopping all this time while Jonathan was just on the other line, just being together.”

Tumatak daw ang pangyayaring iyon kay Rustom dahil pakiramdam daw niya, “This is too good.”

Patuloy ni BB, “During the conversation, of course, that was roaming charges, di ba? So Rustom said, ‘I think we have to put down the phone, roaming ito, this is already a lot.’

Continue reading below ↓

“And then, Jonathan said, ‘Ano ba naman ang…’ I don’t know if pera was the word he used or maybe charges pero yun lang, ‘Ano ba naman ang charges when we’re talking and enjoying?’

“I cannot not mention this because it’s not about the thoughtfulness, because really, marinig mo yun, totoo, at an instant was wow. What a charmer?

“Kung babae ako, lalaki kasi si Rustom kaya hindi nakakapag-react nang tama. E, kung ako sasabihan ako ng ganun, babae ako, ‘Oh really!’

“Pero si Rustom was really, honestly, ang pumasok sa kanya is 'Ganda ng personality.' This guy really knows how to enjoy, this guy knows… I don’t know but somehow, it rang a bell di ba? Parang okay.

“So they kept on talking and talking, di naman sila nag-uusap ng kahit ano kung hindi nagkikilala lang, siguro yun lang din kasi ang oras.

“Yun ang mahirap sa pagiging artista. Even if nasa ibang bansa ka, lalo kung nagsu-shooting ka, napakahirap. So nag-uusap lang talaga. Sa pag-uusap lang sa phone nabubuo ang isa pagkakaibigan.”

Continue reading below ↓

Ganunpaman, may “guilt feelings” pa rin daw si Rustom dahil siya ay “nagkakasala na sa puso.”

Lagi raw niyang ipinagdarasal ito. “I constantly pray na, ‘Whatever it is in your heart na gusto mo, kung talagang hindi tama, Kayo na po ang gumawa ng paraan para hindi matuloy.’ May mga ganung klaseng prayers, all the time.”

HOT STORIES

THE MEET-UP AFTER DINNER

Nagtuluy-tuloy pa rin ang pag-uusap nina Rustom at Jonathan hanggang sa makauwi si Rustom sa bahay ng tiya niya.

Pagkatapos mag-dinner ni Rustom, nakatanggap siya ng tawag mula kay Jonathan.

Kuwento ni BB, “He was like, ‘Malapit na kaming matapos, you wanna go somewhere? Halika, susunduin kita.’

“E, siyempre si Rustom naman that time, bakasyonista. So sabi niya, ‘Okay, saan naman tayo pupunta?’

“’Wala, ikot ikot lang or wala ba diyan sa inyo? Wala bang lugar?’ Para siguro makipag-usap.

“’Well, I have my room, pero siguro mas maganda, ikot-ikot na lang tayo sa labas.’”

Continue reading below ↓

Hindi raw sigurado si BB kung may iniiwasang mangyari si Rustom kaya siya nag-set ng boundaries “para wala muna masyadong delikadong mangyari.”

Bandang alas dose o ala una ng madaling-araw, muli daw tumawag si Jonathan para tanungin si Rustom o “David” kung may mapupuntahan sila.

Sagot naman ni Rustom, “I think sarado na, wala na tayong pupuntahan.”

Bago ipagpatuloy ni BB ang kanyang kuwento, natigilan siya nang matagal, hanggang sa muli siyang nagbigay ng disclaimer sa mga manonood.

Aniya, “Natitigilan ako kasi, siguro, ito ang epekto sa akin ng mga namba-bash. I’m trying to withhold but I don’t like… this is a tell-all and what I’m asking is, please, don’t judge di ba?

“Don’t judge, see what’s the lesson. I am trying to be specific because I wanna let you see the lesson na pinagdaanan ng dalawang taong ito.”

Muli ay ipinagpatuloy ni BB ang kuwento nina “Jonathan” at “David.”

Continue reading below ↓

Tinanong ni Jonathan kung pupuwede sila sa bahay na tinutuluyan ni Rustom, subalit tumanggi ang huli.

Dahilan ni Rustom, “Parang nakakahiya naman dito. I mean, malaki yung bahay pero mag-iimbita ka at past twelve? So, no.”

Nagulat daw si Rustom sa isinagot ni Jonathan.

“Sabi niya, ‘Hanap ka na lang ng motel.’

“Si Rustom, parang nagulo. Hindi ako nagmamalinis, hindi ako nagmamalinis. Wala rin naman siguro sa kanya noon.

“Kung pagbabasehan, si Rustom lang siguro ang immature, that’s what I want to point out. Because, really, motel is… Not to be defensive, but really, kung gusto niyong magkausap, kayong dalawang tao…

“Siguro kung babae, I could’ve said the same, hindi ko naman masabing di pa ko nakarating ng motel ever, or si Rustom.

“At saka para kay Rustom noon is, ‘Wait lang, wait lang, that is too dangerous, that is playing with fire already.’ Honestly, that’s what he felt.”

Pagkatapos ay “nagtanga-tangahan” daw si Rustom at sinabing hindi niya alam kung saan maghahanap.

Continue reading below ↓

Sabi naman daw ni Jonathan, "Sa yellow pages puwedeng makahanap."

Bagama’t naghanap si Rustom ng may bakante, ipinagdarasal daw niyang wala sana siyang mahanap na available for the night.

Patuloy ni BB, “True enough, wala siyang nakita, puro no vacancy. Wala.

“So, around 12:30, tumawag si Jonathan, sabi niya, ‘On the way na ako, nakahanap ka ba?’

“’Yun ang problema ko, walang vacancy.’

“’Tapos sabi niya, ‘Talaga?’ Sabi ko, ‘Oo, walang vacancy.’

“Sabi niya, ‘O, basta bumaba ka na lang tingnan na lang natin kung saan tayo makarating,’ which is really wow.

“Si Rustom is si Rustom, fun, sige go. Ayaw lang niya sa motel, honestly. Yun ang katotohanan, anywhere, huwag lang sa motel kasi nga, sobra na yun.

“Masyadong malalagay sa alanganin, you cannot be not doing it when you’re there.”

WHAT HAPPENED AT THE MOTEL

Pagkasundo ni Jonathan kay Rustom, pumunta silang dalawa sa isang kalyeng puro motel ang naroon.

Continue reading below ↓

Sabi ni BB, 2:30 ng umaga ay nasa “isang row ng mga motel” sina Jonathan at Rustom.

“At si Rustom, dala ng kapraningan, hindi mo mapapasok 'yan doon, hindi yun magtatanong. E, kung Pilipino ang humarap, di ba?

“Hindi siya haharap, at sa katotohanan, sa lamig na yun, nerbiyos na nerbiyos kasi kapraningan na baka may makakita.

“San Francisco yun, e. Alam niyo naman, ang dami ng tao na Pilipino sa San Francisco na any moment, receptionist mong pagtatanungan, Pilipino. So he can’t.”

Sa puntong ito, ipinapanalangin pa rin daw ni Rustom na sana walang makitang kuwartong available si Jonathan.

Dagdag pa ni BB, “Okay lang, dito na lang tayo sa kalye. Mag-holding hands na lang tayo.

“Takot siya sa puwedeng… hindi na nga sa ibang tao kung hindi siguro sa sarili niya. Baka hindi nya mapigilan ang sarili niya. Siguro ito na yung matagal na sinu-suppress niya but it was just too much.”

Continue reading below ↓

Kabaligtaran naman daw ang nakita ni Rustom kay Jonathan.

“As far as Jonathan is concerned, at least he’s sure at that time. That’s what Rustom saw, sure.

“Again, I’m not talking about gender identity, but sure of what he wants right at that moment.

“Yun yung sinasabi kong fearlessness. It will not define you. What you do in one night, it will not define you. But if you do that every day, maybe it will define you. Correct?

“So yun lang ang nakita ko sa kanya. This guy, walang inhibitions sa enjoyment.

“So, sinakyan niya [Rustom] yung enjoyment na yun. Nakakita naman siya ng security kasi wala siyang nakitang tao.

“Nakakuha ng susi nang hindi siya nakikita. Umaakyat na lang siya. So sinakyan niya yung enjoyment.”

Nakakuha na sila ng kuwarto, at dito sinabi ni BB na may “passion” sa pagitan nina Jonathan at Rustom.

Kuwento niya, “This is hard, right? Haba na ng pinanggalingan, di ba? To the point na muntik walang makuha, so there was passion.

Continue reading below ↓

“They removed each other’s shirt, they embraced each other, they caressed each other, they kissed each other. And then Rustom stopped. They stopped.

“They just stopped right when yung isa na lang, isa na lang ang pipirma, all the way ka na. And just in case, I think, the longest embrace I can remember, parang kinalma sila of that embrace.

“Nothing is needed after that embrace. And then nakatulog.”

Pagkagising ng dalawa, nag-umpisa ang pag-uusap nila tungkol sa mga personal na bagay.

Lahad ni BB, “They started asking, ‘Do you have a girlfriend or do you have a boyfriend?’

“But this time, medyo hindi na niya [Rustom] alam ang mga tanong.

“Definitely, hindi na ito parang boy-girl relationship, pero hindi naman siya nagtanong na, ‘Do you have a boyfriend?’ Pero trying to see if is this going to the relationship, are we going there or is this really just a hang out, they had that kind of chat.

Continue reading below ↓

“Still a perfect time kasi wala pang nangyayari, they are just really… sabi ko nga, to say the very least, feeling each other, at least on Rustom’s point of view.

“I cannot speak of the other person because that is his personal feelings, but Rustom, yes.

“Sa kanya, medyo conservative ang tingin niya sa sex, even if siguro at that time, tingin niya, babae-lalaki, walang pinagkaiba.”

Sa gitna ng kanilang usapan, tinanong ni Rustom si Jonathan: “What’s your plan? Magkakaroon ka ba, may plano ka bang magkaroon ng mga anak?”

Sinagot daw siya ni Jonathan, pero hindi na ito ibinahagi ni BB.

Ang alam lang niya, malaki ang naging impact ng sagot ni Jonathan sa “self-discovery” ni Rustom.

Noong panahon na iyon, hindi pa rin daw nawawala sa plano ni Rustom ang magka-asawa at magkaanak.

HOLDING HANDS IN THE CAB

Ayon kay BB, umuwi raw sila Rustom at Jonathan noong umagang iyon na peaceful ang pakiramdam ni Rustom.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni BB, “Siguro, medyo nababawas-bawasan yung guilt kaya dito unang naramdaman ni Rustom yung sarap ng pakiramdam na walang guilt na, totally, the Jonathan that he saw took his heart right at this moment.

“Siguro ito na yung pinanggalingan ng, yes, totally in this trip, Rustom left his heart in that part of San Francisco.

“Kasi, I think it was the most sincere conversation yet as far as sexuality is concerned.

“Remember, hindi nakakapag-open up si Rustom sa kahit kanino. Siyempre naman, at this point, medyo ilang beses na silang nag-kiss, so somehow, I mean si Rustom is nabubuksan na na medyo hindi na ito normal.”

Nang sumakay sila ng cab para umuwi, bigla daw hinawakan ni Jonathan ang kamay ni Rustom.

Pag-alala ni BB, “You can just imagine yung reaction ni Rustom because of kapraningan na baka makita sila noong driver na magka-holding hands sila at baka suntukin silang dalawa, not realizing na nasa San Francisco siya!

Continue reading below ↓

“At that time, hindi di pa yata well-informed na San Francisco is the gay capital of the world.”

Nang ma-realize daw ni Rustom na walang pakialam ang driver, ito raw ang isa sa “most liberating” experiences niya, na siya'y naging “honest sa nararamdaman niya.”

Saad ni BB tungkol sa feelings ni Rustom, “Walang takot na may mga matang nakatingin, that small moment sa cab na 'yan na pauwi sila.

“Nakaramdam siya ng this is as good as boy-girl relationship, it’s the same sensation, it’s the same emotions. It’s the same!

“It’s the same feeling, you know what I mean?

“So noong bumaba si David ng taxi at umakyat ng bahay, everything now is, siguro, to say the very least, Rustom was very very overwhelmed.

“Overwhelmed with the attention, overwhelmed with fear, and overwhelmed with also joy. Na what’s there, overwhelmed with curiosity, I don’t know. But he was just overwhelmed.”

Continue reading below ↓

LAST MEET-UP IN SAN FRANCISCO

Pagkatapos ng kanilang intimate moment, hindi na raw nahinto ang pag-uusap nina David at Jonathan.

Hanggang sa dumating na ang huli nilang pagkikita sa San Francisco dahil babalik na si Jonathan sa Pilipinas habang si Rustom ay mananatili pa ng ilang araw.

Kuwento ni BB, “They saw each other one last time, and this is, I think, the first manifestation that Rustom was really looking at it as a very natural boy-girl relationship because he started the lalaki, the hunter, in him.”

Ang tinutukoy ni BB, lumabas na raw ang panliligaw style ni Rustom sa puntong iyon.

Patuloy niya, “He started buying a greeting card, writing—how he courts a girl!

“And then, when they saw each other… wala naman silang ibang pinupuntahan, e.

“Nagkikita lang naman sila kasi 'yang moment na nagpunta sila sa isang motel was just really a long shot na nangyari but, otherwise, it’s not that easy.

Continue reading below ↓

“So noong nagkita sila, I think they were just really in the car and so, wala lang, paalamanan and assuring each other na, ‘We will keep in touch, both parties,’ and for sure na walang maglu-lose ng communication.

“Rustom gave his card, and so tapos na. Jonathan flew out of San Francisco.”

Kahit na nakaalis na si Jonathan at nanatali sa San Francisco si Rustom, nagpatuloy ang communication nila.

Pag-alala ni BB sa instance na yun, “parang nakadikit” na raw ang telepono kay Rustom kahit saan siya magpunta.

Pero sa ilang araw na nanatili si Rustom sa San Francisco, marami pa rin siyang iniisip.

Lahad ni BB tungkol kay Rustom, “He was also trying to figure out kasi he has to settle.

“What’s gonna happen doon sa pinakilala sa kanya? Papaano niya tatapusin iyon?”

Hindi rin naman daw naharap ni Rustom ang babae dahil naging malayo sila. Nangyari pang mas naging constant na ang communication niya kay Jonathan.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng tatlo pang araw sa San Francisco, umuwi na siya ng Pilipinas. Habang nasa airport, si Jonathan pa rin ang kausap niya.

Dito na tinapos ni BB ang Part 2 ng kanyang kuwento tungkol kay Rustom at Jonathan.

Sinabi rin nitong sa susunod na kabanata, masasagot kung magkikita silang muli at kung ano ang na-develop sa relasyon ng dalawa sa Pilipinas.

WHY DO A TELL-ALL?

In-address din ni BB kung bakit ngayon siya gumagawa ng tell-all tungkol sa “love story” ni Rustom.

Sa tono ng kanyang pananalita, alam niyang maraming nagtatanong.

“Marami kasing nagsasabi, ‘Why now?’ Because now, I’m saying my story. Why? Why are you asking? There’s no why.”

Ayon kay BB, itong kuwento ng "I Left My Heart in San Francisco” ay malaking bahagi ng “untold story” ni Rustom.

Paliwanag ni BB, “Now if you’ll ask me bakit kasama, because… this was the intersection. So pumapasok na tayo sa intersection ng untold story ni Rustom, because sa pag-uwi niyang ito sa eroplano, ang gulo ng isip ni Rustom.

Continue reading below ↓

“With this feeling na malinaw na malinaw, and with a definite person na pinagtutuunan niya ng pansin, nasaan ang pananampalataya? So 'yan ang haharapin ni Rustom pagdating niya ng Manila.”

“OUTING” OTHER PEOPLE

Sinagot din ni BB ang comments na ina-“out” niya ang iba dahil sa kanyang kuwento.

Itinanggi ito ni BB.

“If you think what I’m doing is I’m outing some people, I wanna repeat what I’ve said, this experience will not define anyone, Jonathan or David, because what you do in your everyday life will define you, and not one experience. Okay?

“Buksan natin ang mga mata natin doon.

“Dito na muna tayo magtatapos, medyo naano ako, kasi sa totoo, this story is not easy to tell, not because meron akong pinangingilagan but only because it’s the closest to my heart.

“It changed, it opened a lot of questions that led to who I am today.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari narrates Rustom Padilla's "most liberating" experience with a famous actor: “You can just imagine yung reaction ni Rustom because of kapraningan na baka makita sila noong driver na magka-holding hands sila at baka suntukin silang dalawa, not realizing na nasa San Francisco siya!"
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results