Janice de Belen single for 12 years, reluctant to enter into another relationship

by Bernie V. Franco
Sep 7, 2020
Janice de Belen, when asked if she wants to have a significant other: "Alam mo, minsan... minsan parang masaya, di ba? Pero there are times na iniisip ko, especially now, marami akong kaibigan na laging may problema, laging may problema sa boyfriend."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @super_janice on Instagram

Nag-aalinlangan si Janice de Belen, 51, kung gusto pa niyang magkaroon ng boyfriend.

Labindalawang taon na raw siyang single, at hindi siya sigurado kung gusto pa niyang pagdaanan ang mga “problema” na hatid ng pagkakaroon ng karelasyon.

Sa Facebook Live ni Janice at ng celebrity photographer na si Raymund Isaac noong September 4, nag-entertain ng personal questions ang aktres mula sa netizens.

Isa sa mga sinagot niya: Ikinukunsidera pa ba niyang magkaroon ng significant other?

Humugot ng malalim na buntong-hininga ang aktres bago sumagot.

Sabi niya, “Alam mo, minsan... minsan parang masaya, di ba?

"Pero there are times na iniisip ko, especially now, marami akong kaibigan na laging may problema, laging may problema sa boyfriend.

“Parang hindi ko na yata kaya ng ganyan. Kasi for most of my life, I always had a boyfriend. I have always been selfless or I thought I was selfless.”

Ani Janice, lagi niyang ikinukunsidera ang damdamin ng boyfriend sa tuwing nasa isang relationship siya.

Continue reading below ↓

“Kasi ang feeling ko, lahat ng mga desisyon ko ay may kinalaman sa kung ikalulungkot nila, ikaseselos nila, or parang kailangan laging… parang hindi ko ma-enjoy ang travelling before, because I always wanted to be with my boyfriend.”

Tingin daw kasi niya lagi, kung sinuman ang karelasyon niya ay iyon na ang kanyang “forever.”

Kabilang sa mga naging boyfriend ni Janice ay ang mga matinee idols na sina Aga Muhlach at Gabby Concepcion.

May anak sina Janice at Aga, si Luigi Muhlach, na 33 na ngayon at may sarili nang pamilya.

Pagpapatuloy ni Janice, “Kasi feeling ko, eto na, laging feeling ko, siya na. Eto na. Forever na ito. Forever na ito.

"Only to realize hindi naman ako ang forever nila. Hindi naman sila ganoon mag-isip.

“Kahit na yung pinakasalan ko, hindi pala ako ang forever niya.”

Pinakasalan ni Janice ang aktor na si John Estrada noong 1992; mayroon silang apat na anak—sina Inah, Kaila, Moira, at Yuan.

Continue reading below ↓

Naghiwalay sina Janice at John noong 2001, kasunod ng pagkaka-link ni John sa dating ABS-CBN actress na si Vanessa del Bianco.

Co-hosts sina John at Vanessa sa dating Kapamilya noontime show na Magandang Tanghali Bayan.

Na-annul ang kasal nina Janice at John noong 2004.

Muling ikinasal si John, noong 2011, sa Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles. Mayroon silang isang anak, si Anechka, 8.

JANICE ON LOVING HERSELF

Sa matagal na panahong single siya, pinag-uukulan daw talaga ng pansin ni Janice ang sarili.

“So, now that it’s me, feeling ko ‘til this day. Ilang taon na ba akong single? I’ve been single for the past twelve years.

“Even if twelve years na akong single, I still feel that yung pag-ukulan ko ang sarili ko ng oras, pag-ukulan ko yung sarili ko ng love, means to take care of myself, to decide on things na para sa akin na gusto kong gawin.”

Continue reading below ↓

Sa katunayan daw, kung kailan siya tumanda at saka niya nae-enjoy ang pagta-travel para pasayahin ang sarili.

“Like for the past five years, saka ko lang na-enjoy ang mag-travel. Na lagi kong sinasabi, ‘Sana pala nag-travel ako nang mas madalas when I was younger.’

"Now, di ako makapag-travel kasi may pandemic."

Ipinakita pa ni Janice ang tattoo niya sa kanyang kanang braso.

“It says, ‘Love yourself.’ Because love starts from you. Love starts from within.

"Kung hindi mo mahal ang sarili mo, there is no way that you can actually love another person.”

ON HER CHILDREN MARRYING

Sinagot din ni Janice ang tanong kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling mayroon sa mga anak nila ni John ang gusto nang magpakasal, lalo't nasa edad na ang mga ito.

Tugon niya, "If they’re ready, anong gagawin ko? If they’re ready, yeah, sure, fine.

"Kasi yung sa akin lang naman, I keep on telling my children, ‘Before you get married, you need to be selfless.'

Continue reading below ↓

"Because when you get married, your decisions are no longer just yours, because decisions will be made with another person, di ba?

“Parang buhay na natin ito, e. This is now our life. Two become one.

"Technically, that’s the thing. Kung sino man ang ready emotionally."

May paliwanag si Janice sa tinuran niyang “emotionally ready.”

“You will never be ready because there will be things that will surprise you. I was surprised by many things.

“When I say 'when you are emotionally prepared,' that means being emotionally open to what may come.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janice de Belen, when asked if she wants to have a significant other: "Alam mo, minsan... minsan parang masaya, di ba? Pero there are times na iniisip ko, especially now, marami akong kaibigan na laging may problema, laging may problema sa boyfriend."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @super_janice on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results