Andi Eigenmann tells netizen complaining about her "nakakaumay" ads to unfollow her

by Jet Hitosis
Sep 8, 2020
Celebrity mom Andi Eigenmann has 2.7 million Instagram followers, 3.3 million followers on Facebook, and 1.44 million YouTube subscribers.
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram

“Please feel free to unfollow.”

Ito ang isinagot ni Andi Eigenmann sa isa niyang Instagram follower na nagreklamong “nakakaumay” ang dami ng ads sa vlogs ng celebrity mom.

Nag-react ang netizen sa latest Instagram post ni Andi ngayong Lunes, September 7.

Ipinost ni Andi ang picture ng one-year-old niyang si Lilo, na malaki ang pagkakangiti habang nakatingin sa camera.

Si Lilo ay anak ni Andi sa partner niyang surfer na si Philmar Alipayo.

Nitong August 30, inanunsiyo ni Andi na buntis siya sa ikalawang anak nila ni Philmar. Isisilang niya ang baby sa susunod na taon.

May eight-year-old daughter din si Andi, si Ellie, sa ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, nasa Metro Manila ang mag-iinang Andi, Ellie, at Lilo. Naiwan naman si Philmar sa bahay nila sa Siargao island sa Surigao del Norte.

ANDI AND KIDS IN THE CITY

Sa caption, ibinahagi ni Andi sa kanyang 2.7 million followers na bahagi na ng quarantine life nilang mag-iina ang magbihis at mag-ayos kahit nasa bahay lang at walang pupuntahan.

Napagkakatuwaan na lang daw nila itong libangan ngayong nasa Metro Manila sila, dahil “we’ve had a lot of time on our hands being at home pretty much 100% of the time.”

Nagsilbing teaser na rin ang post na ito ni Andi upang maimbitahan ang kanyang Instagram followers na panoorin ang bagong vlog sa kanyang YouTube channel.

Sa vlog, may pasilip daw ang mag-iinang Andi, Ellie, at Lilo sa iba pang bagay na “we get busy with on (almost) daily!”

Continue reading below ↓

NETIZEN COMPLAINS ABOUT “NAKAKAUMAY” ADS

Excited na nagkomento ang Instagram followers ni Andi na aabangan at panonoorin nila ang bagong vlog ng celebrity mom.

Pero isang netizen ay nagkomento na sana raw bawasan ang ads sa vlogs ni Andi.

Giit ng netizen, ang ginagawa lang ng pamilya ni Andi ang interesante para rito, kaya mistulang naiirita ito kapag nagbabanggit ng produkto ang celebrity mom sa kalagitnaan ng vlog.

Eksaktong comment ng netizen: “Please limit ads. Nakakaumay eh. What we want are your family’s activities.”

Sinagot ni Andi ang netizen. Kung hindi raw ito kumportable sa pagbanggit ni Andi ng “local brands that i would like to support and help out, specially in these trying times, because i believe in their products, then please feel free to unfollow.”

Continue reading below ↓

Hindi na nag-reply kay Andi ang netizen, lalo na nang kinuyog ito ng batikos mula sa iba pang Instagram followers ng aktres.

Bukod sa halos 3 million followers sa Instagram, may 3.3 million likes ang Facebook fan page ni Andi.

Nasa 1.44 million naman ang subscribers sa YouTube channel ni Andi, ang Happy Islanders.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity mom Andi Eigenmann has 2.7 million Instagram followers, 3.3 million followers on Facebook, and 1.44 million YouTube subscribers.
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results