Kylie Padilla describes early part of relationship with Aljur Abrenica as "toxic"

by Bernie V. Franco
Sep 8, 2020
Kylie Padilla on early part of her relationship with Aljur Abrenica. “Hindi siya naging maganda. Strict kasi yung tatay ko. Ayaw pa niyang magka-boyfriend ako."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla and @ajaabrenica on Instagram

Aminado si Kylie Padilla, 27, na hindi naging maganda ang simula ng relasyon nila ng kanyang mister na si Aljur Abrenica, 30.

Tinawag pa nga itong "toxic" ng aktres.

Unang na-link ang dalawa noong 2011 nang pareho pa silang nasa bakuran ng GMA-7. Si Kylie ay 18 anyos lang noon, habang si Aljur ay 21.

Naging magkasintahan sila, pero nag-break din noong 2014.

Nagkabalikan sila noong 2016, o dalawang taon at apat na buwan matapos maghiwalay.

Pero ayon kay Kylie, simula pa lamang ay hindi talaga boto sa relasyon nila ang ama niyang si Robin Padilla.

“Nung start pa lang ng relationship namin, medyo hindi siya maganda,” kwento ni Kylie sa YouTube vlog nila ni Aljur na in-upload noong September 4.

“Hindi siya naging maganda. Strict kasi yung tatay ko. Ayaw pa niyang magka-boyfriend ako.

“'Tapos noon, nung malaman nila na I was seeing someone, yun na, nagkagulo na.”

Hindi nagdetalye ang aktres kung anong gulo ang tinutukoy niya. Pero maraming pagsubok na pinagdaanan sina Kylie at Aljur, lalo na noong magkabalikan sila.

Continue reading below ↓

Ani Kylie, “Based on my experience sa earlier part ng relationship natin, ang dami talagang toxic na nangyari na hindi naman kailangan.

“Hindi kailangan ng dirty laundry mo iere mo. That’s not how I want my life to be like.”

Aniya, mas gusto ni Aljur na gawing pribado ang mga bagay pagdating sa kanilang relasyon.

Katwiran ng aktor, mas gumulo sa pagitan nilang dalawa nang hinayaan nilang ma-involve ang mga tao sa paligid.

Saad ni Kylie, “That’s why now, medyo low key kami, kasi nga toxic ng first part of our relationship.

"And now that everything is under our control, we try to keep it private.”

THE ISSUE ON PREGNANCY AND ENGAGEMENT

Noong 2017 ay naging laman ng balita ang relasyon nina Kylie at Aljur.

Simula pa lang ng taong iyon ay napabalitang buntis si Kylie. May lumabas ding balita na engaged na umano sina Aljur at Kylie dahil nabuntis ang aktres.

Continue reading below ↓

Ayon kay Kylie, ang mga isyung ito ay hindi na raw dapat lumabas sa media.

“There were things na nailabas sa media na ayaw ko sanang mailabas, malaman [ng publiko]. Di naman kailangan. That is private, pero lumabas pa rin.

"Kasi pag nasa loob ka ng sitwasyon, hindi mo nakikita na hindi pala maganda sa lahat ng naapektuhan.”

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Kylie at Aljur noong January 2017, nilinaw ni Aljur ang tungkol sa engagement nila at ang pagbubuntis ni Kylie.

Inere noon ni Aljur ang pagkadismaya niya sa talent management company na kinabibilangan ni Kylie, ang Vidanes Celebrity Marketing (VCM), na inunahan umano sila sa pag-announce na engaged na sila.

Nilinaw rin ni Aljur na nag-propose siya kay Kylie noong October 2016 nang nagpunta sila ng Japan.

“So, yun yung mga nangyari, engagement muna bago nangyari yung mga rumored pregnancy," bahagi ng paglilinaw noon ni Aljur.

Continue reading below ↓

Hindi rin lingid na dismayado si Robin sa relasyon nina Kylie at Aljur dahil gusto nitong kasal na ang dalawa bago mabuntis si Kylie.

Noong kabataan ni Robin ay kilala siya sa kanyang pagiging matinik sa babae.

Bago pa man sila ikinasal ng kanyang unang asawa na si Liezl Sicangco noong 1996 ay mayroon na silang tatlong anak—sina Queenie, Kylie, at Zhen. Pagkatapos nilang ikasal ay nagkaroon pa sila ng isang anak, ang nag-iisang lalaki na si Ali.

Mayroon ding mga anak si Robin sa mga dati niyang nakarelasyon na sina Jobelle Salvador at Leah Orosa.

Sa interview kay Aljur noong September 2017, sinabi niyang ilang beses nilang pinuntahan ni Kylie si Robin sa bahay nito, pero hindi raw sila hinaharap ng former action star.

Indikasyong masama pa rin ang loob ni Robin.

Hindi rin dumalaw sa ospital si Robin nang isilang ni Kylie ang unang baby nila ni Aljur, si Alas Joaquin, noong August 4, 2017.

Continue reading below ↓

Unang beses nakita ni Robin ang apong si Alas noong November 2017, nang three months na ang bata. Pero hindi pa rin kasama si Aljur sa pagkikitang iyon.

Nagkaayos lamang sina Robin at Aljur noong February 2018, nang magkaroon ng reunion ang Padilla family.

December 11, 2018 nang magpakasal sina Kylie at Aljur.

Ipinanganak ni Kylie ang pangalawang anak nila ni ni Aljur na si Axl Romeo noong December 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on early part of her relationship with Aljur Abrenica. “Hindi siya naging maganda. Strict kasi yung tatay ko. Ayaw pa niyang magka-boyfriend ako."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla and @ajaabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results