Aiko Melendez on boyfriend Jay Khonghun: "Kapag nambabae siya, goodbye bunot!"

by Rachelle Siazon
Sep 8, 2020
Aiko Melendez on happy relationship with boyfriend Jay Khonhun: "Alam mo, sa lahat ng bagay talaga, panahon at oras ang makakapagsabi na ilalagay ng Diyos yung tamang position ng lahat ng aspeto ng buhay mo."
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram

Sinabi ni Aiko Melendez na alam ng boyfriend niyang si Jay Khonghun na non-negotiable sa kanilang relasyon ang pagkakaroon ng third party.

Iyon daw ang isang bagay na hindi niya tatanggapin bilang babae.

Kaswal na pahayag ni Aiko, "Basta huwag lang mambababae si VG, wala kaming magiging problema.

"Kapag nambabae siya, goodbye bunot! Alam niya yun. Hahaha!"

VG ang tawag ni Aiko sa nobyo at vice governor ng Zambales na si Jay.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa PEP Exclusive, na ipinalabas sa PEP.ph Facebook kahapon, September 7.

Kuwento ng Prima Donnas star, panatag siya sa relasyon nila ni Jay ngayon.

Pero hindi raw ibig sabihin ay wala silang mga dinadaanang hindi pagkakaunawaan.

Noong Agosto, may pagkakataon daw na apat na araw silang hindi nag-usap.

Paliwanag ni Aiko: "Mga ka-cheapan lang pinag-aawayan namin.

"Siguro bored kami nitong quarantine, yung napagtaasan lang niya ako ng boses.

"So ako, parang sensitive ako, feeling ko, 'Bakit niya ako pinagtaasan ng boses? Hindi ko siya kakausapin.' 'Tapos hindi rin niya naman ako natiis."

Continue reading below ↓

Sinuyo raw ni Jay si Aiko.

"Wala, ite-text lang niya ako, 'Huwag ka na masungit.' Sasabihin ko lang, 'Okay. Kasi naman bakit mo ko tinaasan ng boses?'

"Sabi niya, 'Hindi kita tinaasan ng boses, high-pitched lang.' Kasi nga si VG, pag lumalakas ang boses, akala mo sumisigaw. Pero hindi, high-pitched lang yung boses niya.

"E, OA [overacting] ako pag medyo baggong gising. Medyo sensitive ako.

"E, masama gising ko, so feeling ko nasigawan ako. Ang OA ko."

Natatawang komento pa ni Aiko sa isyu nila ni Jay, "PBB teens yung away namin, di ba?"

Continue reading below ↓

AIKO'S KIDS APPROVE OF HER BOYFRIEND

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Aiko ay maganda ang relasyon ng mga anak niyang sina Andre, 22, at Marthena, 14, kay Jay.

Si Andre ay anak ni Aiko sa kanyang first husband na si Jomari Yllana, habang si Marthena ay anak ng aktres sa second husband niyang si Martin Jickain.

Ang mga anak pa raw niya kung minsan ang magpapayo sa kanya kung paano reresolbahin ang isyu nila ng nobyo.

Ani Aiko: "Si Marthena ang magsasabi na, 'Ma, please lower your pride. I think it's better you call na Tito Jay.

"Si Andre naman, 'Ma, alam mo kaming mga lalaki, ganito kami mag-isip.'"

Natutuwa raw si Aiko dahil nakikita niyang lumalaking may sensibilidad ang mga anak.

"Hahaha! May mga paganyan si Andre. Sabi ko, 'Talaga ba?' 'Oo, dapat ganyan...' So binibigyan ako ng tips ni Andre.

"Kaya naa-appreciate ko yung edad ng mga anak ko ngayon kasi para kaming barkada.

Continue reading below ↓

"At the same time, they treat me with respect, siyempre nanay pa rin nila ako, di ba."

GOING STRONG THREE YEARS

Kung tutuusin ay hindi rin naman daw biro ang pinagdaanang mga pagsubok nina Aiko, 44, at Jay, 42.

Continue reading below ↓

Sa October 28 ay magtatatlong taon na ang kanilang relasyon.

"Kasi naman, for the first few years namin ni VG, medyo magulo, ang daming intriga. Alam niyo 'yan, sa mga taga-PEP, nahe-headline kami lagi dati," saad ni Aiko.

Naintriga noon si Aiko na siya ang itinuturong dahilan ng hiwalayan ni Jay at estranged wife nito.

Pero mariing pinabulaanan iyon ni Jay noong April 2018.

Sa kasagsaganan ng kampanya para sa 2019 elections, may mga paninirang ibinato kay Jay.

Pero nanatiling buo ang suporta ni Aiko sa nobyo hanggang sa nanalo ito sa eleksyon.

Balik-tanaw ni Aiko, "Kasi hindi biro yung pinagdaanan namin. Yung inakusahan siya ng kung anu-anong bagay.

"I was the only person who stood by him and fought for him.

"So doon nasubukan namin ang isa't isa. Through thick and thin pala andito kami para sa isa't isa."

Sa tulong ng dasal, tinatamasa raw nila ni Jay ang masaya at mas matibay na relasyon ngayon.

Continue reading below ↓

"It pays when you pray for everything to be okay.

"Alam mo, sa lahat ng bagay talaga, panahon at oras ang makakapagsabi na ilalagay ng Diyos yung tamang position ng lahat ng aspeto ng buhay mo."

Narito ang kabuuang video ng PEP Exclusive featuring Aiko Melendez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on happy relationship with boyfriend Jay Khonhun: "Alam mo, sa lahat ng bagay talaga, panahon at oras ang makakapagsabi na ilalagay ng Diyos yung tamang position ng lahat ng aspeto ng buhay mo."
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results