News5 head Luchi Cruz-Valdes confirms Ted Failon’s transfer to TV5

by Arniel C. Serato
Sep 8, 2020
In a virtual presscon today, September 8, News5 head Luchi Cruz-Valdes (left) ended weeks of speculation about where ABS-CBN radio-and-TV anchor Ted Failon will migrate to, with his staff, after the closure of the network he served for 30 years.
PHOTO/S: Courtesy: Margie Cabanayan-Natividad / Failon Ngayon on Facebook

Kinumpirma ng News5 head Luchi Cruz-Valdes na magiging bahagi na ng TV5 ang beteranong radio at television anchor na si Ted Failon.

Inanunsiyo ito sa official Facebook page ng News5.

Ayon kay Luchi, magiging Kapatid na si Ted mula sa pagiging Kapamilya.

Dahil dito, natuldukan na ang ilang linggong haka-haka ukol sa paglipat ni Ted sa TV5.

Continue reading below ↓

Hindi sinabi ni Luchi kung kailan magsisimula si Ted sa kanyang anchor duties sa istasyon.

Ngunit base sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay sa September 21, Lunes, magsisimula ang radio show ni Ted sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Ang Radyo Singko ang radio station ng TV5.

Makakasama pa rin ni Ted ang ka-tandem niya sa Failon Ngayon, ang dati niyang radio show sa DZMM ng ABS-CBN, na si DJ Chacha.

Ayon pa rin sa balitang nakalap ng PEP.ph, dala ni Ted ang lahat ng staff niya sa DZMM sa Radyo Singko.

Magkakaroon din daw si Ted ng public affairs program sa TV5 na katulad ng Failon Ngayon, ang dati niyang palabas sa ABS-CBN.

“RADIO IS MY THERAPY”

Sa opisyal na pamamalaam ni Ted sa DZMM noong August 30, naging emosyunal ang veteran broadcaster sa kanyang mensahe para sa mga tagapakinig at tagahanga.

Tatlong dekada naging kabahagi ng ABS-CBN at DZMM si Ted.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa kanyang mensahe, “Kahit anong hirap bumangon sa umaga dahil sa sama ng pangangatawan, sakit na iniinda, may pasan man na problema, babangon at babangon ka para sa iyong programa.

"Radio is my therapy. Dito po ako kumukuha ng lakas, dito ko po nakakalimutan ang napakaraming problema sa buhay."

Kinagabihan, nagpaalam na rin si Ted sa TV Patrol, ang flagship newscast ng ABS-CBN.

Hahalili sa kanya si Julius Babao sa newscast.

Dahil sa pagkabasura ng Kongreso sa franchise application ng ABS-CBN, ayon na rin sa kagustuhan at banta ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagpaalam na sa himpapawid ang network.

Lahat ng regional stations ng ABS-CBN ay nagsara na rin noong August 28.

May iilan pang programa sa radyo at television ang ABS-CBN pero sa online, cable, at iWantTFC na lamang ito napapanood.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a virtual presscon today, September 8, News5 head Luchi Cruz-Valdes (left) ended weeks of speculation about where ABS-CBN radio-and-TV anchor Ted Failon will migrate to, with his staff, after the closure of the network he served for 30 years.
PHOTO/S: Courtesy: Margie Cabanayan-Natividad / Failon Ngayon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results