Leandro Muñoz on why he gave up showbiz 17 years ago: "Ang daming hindi totoong tao."

by Rachelle Siazon
Sep 9, 2020
Leandro Muñoz on life in showbiz in the past: "Hindi ako malinis. I was that person that I didn't like. Hindi ko nakita yung what kind of person I became when I was in showbiz."
PHOTO/S: @leandromunoz Instagram / Screengrab from Kahit Isang Saglit

Inamin ni Leandro Muñoz na isa sa mga dahilan kung bakit iniwan niya ang buhay-showbiz ay dahil hindi nito kinaya "yung mga fake na tao" na kanyang nakakasalamuha sa trabaho.

"Everytime na may nakikita akong mga Pilipino dito, and then nare-recognize nila ako, maraming nagtatanong sa akin niyan, 'Why did you leave showbiz?'" bungad ni Leandro.

Labimpitong taon nang naninirahan si Leandro sa Fairfield, California. Siya ay 44 anyos na ngayon.

Dati siyang homegrown talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Nakatambal ni Leandro si Judy Ann Santos sa pelikulang Isusumbong Kita Sa Tatay Ko (1999), na pinagbidahan nina Judy Ann at yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Continue reading below ↓

Leandro (second from left) with Isusumbong Kita Sa Tatay Ko co-stars Berting Labra, FPJ, Judy Ann, and Anita Linda

Nakatambal din ni Leandro si Claudine Barretto sa teleseryeng Saan Ka Man Naroroon (1999-2001).

Leandro with Claudine Barretto

Kilala rin siya sa romantic-drama film na Kahit Isang Saglit (2000), kunsaan ka-love triangle niya sina Judy Ann at Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

Leandro with Judy Ann Santos

Pero taong 2003 nang maramdaman ni Leandro na gusto na niyang umalis ng showbiz.

"Tama ka, I left actually at the peak of my career," saad ni Leandro.

Noong September 2, nakapanayam si Leandro ni Paolo Contis sa online show na Just In, na mapapanood sa GETS channel ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Leandro, "It's a very sensitive subject to talk about, but I need to tell everyone.

"I love the craft. I love acting. I love the actors like you.

"Konti lang naging close sa showbiz. Ikaw, si Patrick Garcia, Miko Palanca, si Rico Yan—iyan mga naging close ko.

"Pero ang daming hindi totoong tao. Kahit hindi ko na-mention yung iba [na naging ka-close ko], it doesn't mean sila yung mga fake na tao.

"Pero ang daming hindi totoong tao. Medyo hindi ko kinaya, e, yung mga fake na mga tao."

Aminado si Leandro na siya mismo ay "guilty" sa mga bagay na sa palagay niya ay talamak sa showbiz.

Pag-amin niya, "Yung infidelity, it's a matter of fact. I'm guilty of that.

"I was married to my first wife back then when I was in showbiz. Hindi ako malinis. I'm not gonna tell you that I was clean.

"I was that person that I didn't like. Hindi ko nakita yung what kind of person I became when I was in showbiz."

Continue reading below ↓

Malayo rin daw ang loob niya sa Panginoon noong panahong iyon.

Balik-tanaw pa ni Leandro, "Not to be religious, but I didn't have a relationship with God back then.

"So naging ano ako, very playful... Talk about whatever you think negative about showbiz, that's what I did.

"And I didn't like myself. So sabi ko, 'I had to leave. I had to go somewhere far in order for me to change.'"

THE TURNING POINT

Nagpaalam daw si Leandro sa ABS-CBN management na nais niya magbakasyon sa U.S.

Naisip ni Leandro na sa U.S. na rin ipagdiwang ang kanyang 27th birthday noong March 27, 2003.

"Three days pa lang ako nandito, tumawag si Carlo," tukoy ni Leandro sa nakababatang kapatid na si Carlo Muñoz.

Continue reading below ↓

Carlo Muñoz

Dugtong ni Leandro, "Namatay yung daddy ko habang nandito ako [sa U.S.]. On my birthday, he passed away. Nagka-heart attack yung daddy ko. So bumalik ako."

Malaking dagok ang pagpanaw ng ama para sa magkapatid na sina Leandro at Carlo.

"Masyado kami nalungkot ni Carlo. Para sa amin, if we stayed in the Philippines, it will always remind us that Papa has gone. Sobrang close kami ni Papa," dagdag ni Leandro.

Doon daw nagdesisyon ang magkapatid na subukan ang kapalaran sa U.S.

Tinapos lang daw nila ang kanilang kontrata sa pag-aartista bago lumipad patungong California.

Nahirapan ba siya noong nagsimula siya ng bagong buhay sa U.S.?

Sagot ni Leandro: "As an actor, pag pumunta ka ng Amerika, you have to accept the fact na it's either magiging celebrity ka ba or you're gonna start from scratch.

"So kami, pinili namin we're gonna start from scratch.

"Hindi kami artista, kailangan kainin namin pride namin, have some humility. So ganun ginawa namin."

Continue reading below ↓

BACK IN PH FOR A YEAR

Makalipas ang walong taon, noong 2011 ay bumalik ng Pilipinas si Leandro.

Nakagawa siya ng dalawang TV series sa TV5—ang Rod Santiago's The Sisters kunsaan nakatambal niya si Nadine Samonte at ang Felina: Prinsesa Ng Mga Pusa katambal si Arci Muñoz.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon ay naiulat na halos magkasunod na naugnay si Leandro kina Nadine at Iwa Moto.

Pero isang taon lang daw namalagi si Leandro sa Pilipinas bago bumalik ulit ng U.S.

"I went back because sabi ko lang, 'Why don't I give it a shot again?' My love for the acting craft is so up there.

"But yung stay ko nung one year, na-experience ko ulit yung reasons kung bakit ako umalis.

"Kaya umalis na naman ako. But this time, it's for good."

HAPPY & CONTENT IN THE U.S.

Fast-forward to present time, tumatanggap pa rin naman daw si Leandro ng short acting stints kapag may mga producers na nagpupunta ng U.S.

Pero pitong taon na raw siyang may sariling negosyo na bunga ng sipag at tiyaga.

Ipinaliwanag niyang may kinalaman ito sa financial investment services tulad ng life insurance, home insurance, at refinancing ng mga bahay.

May mga tao raw siyang tini-train para ibahagi ang serbisyo ng kanyang kumpanya.

Continue reading below ↓

Ang kanyang asawa na si Sheryl Espero ay dating nurse, hanggang sa naging katuwang na rin daw niya ito sa negosyo.

Sa ngayon, masaya raw si Leandro sa piling ng kanyang second wife na si Sheryl.

Magwawalong buwan pa lang ang sanggol nilang anak na lalaki na si Mason.

Ang 26 anyos na anak ni Leandro sa unang asawa ay kasama rin ng aktor na naninirahan sa U.S.

Sabi ni Leandro, "So now I have a relationship with God. Now I'm very faithful to my family and to my wife."

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leandro Muñoz on life in showbiz in the past: "Hindi ako malinis. I was that person that I didn't like. Hindi ko nakita yung what kind of person I became when I was in showbiz."
PHOTO/S: @leandromunoz Instagram / Screengrab from Kahit Isang Saglit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results