Kim Chiu chooses to stay with ABS-CBN amid shutdown: "Dito pa rin po ako sa Kapamilya."

by Julie E. Bonifacio
Sep 8, 2020
Kim Chiu: "Ang takeaway ko sa mga nangyari ngayong 2020, ang lala! Hindi pa tapos ang taon ang daming nangyayari. Ano lang, ang main goal natin ay mag-survive sa taon na ‘to."
PHOTO/S: Instagram

Sa kabila ng pagsasara ng ABS-CBN at nararanasang pandemya sa bansa, hindi nababakante sa trabaho ang Kapamilya star na si Kim Chiu.

Bukod sa kanyang trending song na “Bawal Lumabas” at dance cover ng “Not Shy” ng ITZY, nag-resume na rin si Kim ng shooting para sa horror film na U Turn.

Kaya kahit maraming bawal ngayong pandemya ay nakakalabas pa rin siya upang magtrabaho.

Sabi niya, “Marami naman ang nangyayari sa akin kahit na quarantine. Maraming bawal gawin. Pero thankful ako na ano, kahit paano, meron akong ginagawa.

“May trabahong dumadating. May mga ginawa ako para sa YouTube ko. So, ayun.”

Nang magsara ang ABS-CBN, matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application nito, ilan sa mga kasamahan niyang artista ay tinanggap ang offer sa ibang network, partikular na sa TV5.

Si Kim daw ay may natatanggap ding offers mula sa ibang TV networks, pero mananatili raw siya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pahayag ng 30-year-old actress, “Meron naman po. Pero dahil meron naman pong ibinibigay ang Kapamilya network na shows sa akin, dito pa rin po ako sa Kapamilya."

Wala na ba siyang kontrata sa ABS-CBN?

“Utang na loob, meron!” natatawang sagot ni Kim sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, September 6.

Dahil din sa "utang na loob" at pagiging vocal niya, mas gusto ni Kim na manatiling loyal sa ABS-CBN at huwag gumawa ng programa sa ibang network.

Ano ang reaksiyon ni Kim sa mga nagsasabing huwag niyang isara ang kanyang "pintuan" na magtrabaho sa ibang TV networks?

“Siyempre, kapag ngayon mo gagawin, parang hindi kaya ng loob mo na gawin yun.

“Na, nung May lang nangyari lahat, ‘tapos ano, mapapanood na nila ako sa ibang channel.

“Pero siyempre, yung utang na loob ko nandoon. Yung bahay na inuuwian ko, yung kotse na meron ako, yung buhay na meron ako, parang hindi ko naman matatalikuran kung sino ang nagbigay noon. So, yun.

Continue reading below ↓

“Ilang buwan pa lang ang nakakalipas tapos, may pang-kain pa naman ako. Hahaha

“[Siguro] Pag paalisin na nila ako, sige.”

Noong May 5, 2020 ay ipinasara ng pamahaalaang Duterte ang ABS-CBN sa bisa ng cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC).

Noong July 10, 2020, tuluyan nang ibinasura ng Kongreso ang franchise application ng Kapamilya network.

KIM CHIU ON 2020

Ano ang opinyon niya sa mga nangyayari ngayon sa bansa?

Sabi ni Kim, “Ang takeaway ko sa mga nangyari ngayong 2020, ang lala! Hindi pa tapos ang taon ang daming nangyayari.

“Ano lang, ang main goal natin ay mag-survive sa taon na ‘to. Huwag susuko, yung taon na punumpuno ng trahedya, pangyayari. Yung mga masasamang nangyayaring hindi natin in-expect at hindi natin napaghandaan.

“So, kailangan lang nating mag-survive.”

May nagsasabi namang si Kim daw ang perfect example ng Pinoy na "nadapa" pero nakakabangon ngayong pandemya.

“Oo, ay! Oo, talaga,” pagsang-ayon niya.

Continue reading below ↓

“Ganoon naman, di ba? Kapag nadadapa tayo, ano, doon ka na lang sa sahig?

“Siyempre, hindi pwede. Siyempre, kailangan mo ring tumayo. Gamitin mo ang paa mo.

“Sumayaw ka, maglakad ka, tumakbo ka. So, yun.

“At the end of the day, sarili mo pa rin talaga ang kakampi mo, ‘tsaka yung magtitiwala sa ‘yo.

“Pag hindi, pag sinabi mo sa sarili mo hindi mo kayang tumayo, hindi ka talaga tatayo.

“So, okey naman. At least, nakabangon…”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu: "Ang takeaway ko sa mga nangyari ngayong 2020, ang lala! Hindi pa tapos ang taon ang daming nangyayari. Ano lang, ang main goal natin ay mag-survive sa taon na ‘to."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results