Alessandra de Rossi, Nadine Lustre hit Manila Bay white-sand project amid pandemic

by Jet Hitosis
Sep 9, 2020
Alessandra de Rossi, Nadine Lustre
Actresses Alessandra de Rossi (left) and Nadine Lustre (right) criticize the timing of the P389-million Manila Bay beautification project while Filipinos suffer from poverty and unemployment amid the COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @msderossi, @nadine on Instagram

Bad timing.

Ganito ang dating ng kontrobersiyal na Manila Bay white sand project kina Nadine Lustre at Alessandra de Rossi.

Kabilang sina Nadine, 26, at Alessandra, 36, sa maraming kumukuwestiyon kung bakit kailangang pagandahin ng gobyerno ang Manila Bay ngayong nasa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic ang bansa.

Para sa proyekto, tinatambakan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng synthetic white sand ang baybayin ng Manila Bay.

Ang mistulang white sand na ito ay pinulbos na dolomite rock, na minimina at inaangkat mula sa Cebu.

Naglaan ang DENR ng PHP389 million para magkaroon ng white-sand beach ang Manila Bay.

MALACAÑANG: WHITE-SAND MANILA BAY GOOD FOR MENTAL HEALTH

Ang wala sa timing na proyekto at ang malaking budget para rito ang sentro ng mga pagbatikos.

Ngayong marami ang walang trabaho at aminado ang Malacañang na kinakapos na ang budget ng bansa sa pagtugon sa pandemya, nakuha pa raw pagtuunan ng pansin ang pagpapaganda sa Manila Bay.

Continue reading below ↓

Giit ng mga kritiko ng proyekto, malaking tulong sana ang PHP389 million kung maidadagdag ito sa pondo para sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Pero may depensa rito si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ngayong may pandemic ay makatutulong daw ang white-sand Manila Bay para “pangalagaan ang mental health.”

Sinabi ni Roque sa Malacañang reporters nitong weekend: “I think yung pagpapasyal sa mga lugar, gaya ng Manila Bay na may white beach, hindi mo maka-quantify ang epekto niyan pagdating sa mental health ng ating mga kababayan.”

Nilinaw rin ni Roque na noong 2019 pa pinaglaanan ng budget ang proyekto, o bago pa magkaroon ng pandemya.

ALESSANDRA MOCKS ROQUE: “BUSOG NA SA VIEW”

Sa pamamagitan ng isang tweet nitong Linggo, September 6, tinuya ni Alessandra ang argumento ni Roque.

Sarkastikong humiling ang aktres na apurahin ang pagtatambak ng white sand sa Manila Bay para mapakinabangan na ito.

Kapag nagkataon daw, sabi ni Alessandra, hindi na makakaramdam ng gutom ang mga walang trabaho ngayong pandemic “dahil busog na sa view.”

Continue reading below ↓

Tweet ni Alessandra: “Pakibilis-bilisan naman ang paglatag ng white sand sa Manila Bay para sa mental health ng lahat.

“Baka sakaling wala nang magutom dahil busog na sa view. #ayudaparamasa”

Trending ang tweet na ito ni Alessandra. At press time, mayroon na itong mahigit 30,000 likes at 6,500 retweets.

NADINE: “INUNA PA TALAGA NILA YUNG WHITE SAND”

Kinabukasan, Lunes, September 7, ibinahagi ni Nadine sa kanyang Instagram Stories ang art card ng CNN Philippines tungkol sa kontrobersiyal na DENR project.

Continue reading below ↓

Nakasulat sa art card ang babala ng Department of Health (DOH) na delikado sa kalusugan ang dolomite, na pinanggagalingan ng synthetic white sand.

May clown emoji sa dulo ng caption na ito ni Nadine: “Inuna pa talaga nila yung white sand no?!”

Gaya ni Alessandra, ipinunto rin ni Nadine ang mistulang wala sa lugar na pagbibigay ng prayoridad sa pagpapaganda sa Manila Bay habang maraming Pilipino ang naghihikahos.

Continue reading below ↓

DOH: DOLOMITE DUST HAS HEALTH HAZARDS

Ang dolomite, o calcium magnesium carbonate, ay ang non-metallic material na ginagamit sa paggawa ng semento, bricks, plastics, at iba pang construction materials.

Nitong Lunes, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na ang dolomite ay maaaring magdulot ng eye irritation kapag napuwing nito, diarrhea kung aksidenteng pumasok sa bibig, at sakit sa baga kapag laging nalalanghap.

Kinontra ni DENR Secretary Roy Cimatu ang DOH.

Paliwanag ni Cimatu, delikado lang ang dolomite habang ipinoproseso o pinupulbos ito.

Ang itinatambak sa Manila Bay ay finished product na, kaya wala na raw itong banta sa kalusugan, ayon kay Cimatu.

ENVIRONMENTAL GROUPS VS WHITE-SAND MANILA BAY

Nauna nang pinalagan ng environmental at fisheries groups ang proyektong ito ng DENR.

Giit nila, ibang rehabilitasyon ang kailangan ng Manila Bay, na matagal nang apektado ng matinding polusyon.

Sa isang pahayag nitong September 3, sinabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na ang white-sand project ay isang “artificial rehabilitation focusing on aesthetic appearance rather than addressing the environmental degradation problems.”

Continue reading below ↓

Manila Bay

Ayon naman sa Oceana Philippines, black sand ang natural substance ng Manila Baywalk, na nilalatagan ngayon ng synthetic white sand.

Makakasira raw ang proyekto sa natural ecosystem ng lugar.

Sa isang video message sa media ng araw ding iyon, sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na “itong white sand ay magsi-signify ng kalinisan.”

Continue reading below ↓

Makukumbinse raw nito ang publiko na huwag dumihan ang Manila Baywalk, anang DENR official.

Sinagot din ni Antiporda ang pangamba ng environmental groups na tatangayin lang ng alon o baha ang white sand papunta sa Manila Bay.

“Meron po tayong mga engineering interventions na gagawin diyan para ho masiguro na ma-preserve ito at ma-sustain natin yung ika nga’y napakagandang Manila Bay,” ani Antiporda.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actresses Alessandra de Rossi (left) and Nadine Lustre (right) criticize the timing of the P389-million Manila Bay beautification project while Filipinos suffer from poverty and unemployment amid the COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @msderossi, @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results