Ted Failon's four-hour Radyo Singko show to start on October 5

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2020
Ted Failon's Radyo Singko show, initially scheduled to start on September 21, has been moved to October 5, according to PEP.ph's reliable source.
PHOTO/S: Courtesy: Failon Ngayon on Facebook

Nausog sa October 5, Lunes, ang pagsisimula ng radio show ni Ted Failon sa Radyo Singko 92.3 News FM, ang radio station ng TV5.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 1, nakasaad na sa September 21 magsisimula ang programa sa radyo ni Ted matapos nitong magpaalam sa DZMM at TV Patrol ng ABS-CBN noong August 31.

Ngunit sa pakikipag-usap ng PEP.ph sa isang TV5 insider kagabi, September 8, sinabi nitong sa Oktubre na uumpisahan ang programa ni Ted.

Ang timeslot daw na ibibigay sa beteranong radio at TV anchor ay mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga.

Bale apat na oras daw ang itatakbo sa ere ng programa ni Ted araw-araw.

Ayon sa source, ang unang dalawang oras—mula alas-6 hanggang alas-8 ng umaga—ay para sa pagbabalita.

Ang nalalabing dalawang oras—mula alas-8 hanggang alas-10—ay para naman sa komentaryo.

Katulad ng unang napaulat, kasama ni Ted sa programa niya sa Radyo Singko si DJ Chacha at ang lahat ng kanyang dating staff sa Failon Ngayon ng nagsarang DZMM.

Continue reading below ↓

Kinumpirma rin ng hepe ng News5 na si Luchi Cruz-Valdes kahapon, September 8, na lilipat na nga sa kanilang network ang award-winning broadcaster.

WHAT WILL HAPPEN TO BOLJAK AND EARLY ALL READY?

Magandang balita naman para sa mga tagasubabay ng programang BolJak nina Atty. Jess Falcis at Atty. Bruce Rivera.

Ayon sa PEP.ph source, hindi na raw mawawala sa ere ang programa ng dalawang abugado sa Radyo Singko, taliwas sa naunang napabalita.

Sabi pa ng TV5 insider, ililipat daw sa 11:00 a.m hanggang 12:30 p.m timeslot ang BolJak. Pero hindi pa raw ito pulido hanggang sa pagdating ng Oktubre.

Ang masamang balita, tuluyan na raw magpapaalam ang Early All Ready, ang radio program nina dating Senator Orly Mercado at Cheryl Cosim sa umaga.

Naintindihan naman daw ni Ka Orly ang desisyon na ito ng management.

“Nothing personal” daw ang sabi ng batikang komentarista at public servant, ayon pa rin sa aming source.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ted Failon's Radyo Singko show, initially scheduled to start on September 21, has been moved to October 5, according to PEP.ph's reliable source.
PHOTO/S: Courtesy: Failon Ngayon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results