Megan Young admits to "diva" past: “I wasn’t pleasant to work with when I was much younger."

by Bernie V. Franco
Sep 9, 2020
Megan Young: “I was working on a show and I didn’t know how to make pakisama. [At] the back of my head, I was just thinking na, ‘Ok, I’ll go to work. If I don’t like something, I’ll tell people that I don’t like it.’ But I didn’t realize that there was a nicer way of saying things.”
PHOTO/S: @meganbata on Intsagram

Inirereklamo raw noon si Megan Young na mahirap katrabaho at “diva” kung umasta.

Ito ang ibinahagi ni Megan at ng asawang si Mikael Daez sa kanilang YouTube vlog noong September 6, Linggo.

Ayon kay Mikael, narinig niya ang masasamang kuwento tungkol kay Megan noong unang taon nila bilang magkarelasyon.

Baguhan pa lamang noon si Mikael, na dating fashion model, habang si Megan ay ilang taon na sa showbiz.

Nasa bakuran pa ng ABS-CBN noon si Megan, habang si Mikael ay nagsisimula pa lamang sa GMA Network.

Gayunpaman, hanga na raw noon si Mikael sa commitment ni Megan sa trabaho bilang host at aktres.

“Sipag, ‘cause she had to do all these things. And I also remember you did ASAP. You were hosting for three hours and just talking for three hours. I was like, ‘Wow, that was quite a commitment,” pagbabalik-tanaw ni Mikael.

Kasabay ng pagpasok ni Mikael sa showbiz, nakilala niya at nakatrabaho ang mga taong nakakatrabaho rin ni Megan.

Continue reading below ↓

Dito raw narinig ni Mikael ang mga kuwento tungkol sa kanyang nobya na hindi maganda.

“As soon as I entered show business and I started working with brands, clients, and started to know people, who you worked with as well, I came across a couple of stories.

“Someone told me that Megan was suplada, that she was a diva… so those two words were specifically the two words that I heard.

“And I was like, ‘Really?’ Sagot daw ng nagkuwento sa kanya, ‘Yeah. She has [her] make up done, she has her resting b [b*itch] face on. She just wasn’t pleasant to work with.’

“And that caught me off guard because, of course, that wasn’t the experience that I had with Megan,” lahad ni Mikael.

Hindi raw iyon dinibdib ni Mikael, “but I put it at the back of my head.”

Hindi raw niya tinanong si Megan tungkol sa mga kuwentong ito, hanggang sa makabalik si Megan sa GMA Network noong 2015.

Continue reading below ↓

MEGAN EXPLAINS

Aminado naman si Megan sa akusasyon sa kanya. Pero paliwanag niya, bata pa siya noon at hindi niya intensiyong maging maldita.

“I wasn’t pleasant to work with when I was much younger. Siguro I was, like, around 18-19, maybe 20 [years old].”

Ang akala raw ni Megan noon ay nagiging vocal lang siya sa kanyang nararamdaman. Iba pala ang dating nito sa ibang tao.

Sabi ni Megan, “I was working on a show and I didn’t know how to make pakisama. [At] the back of my head, I was just thinking na, ‘Ok, I’ll go to work. If I don’t like something, I’ll tell people that I don’t like it.’

"But I didn’t realize that there was a nicer way of saying things.”

Nalaman lang daw niyang pinag-uusapan siya nang minsang prangkahin siya ng kanyang personal assistant (PA).

Pahayag ng Miss World 2013, “And it even came to a point where my PA, at that time, told me, ‘No one wants to do your makeup because you’re such a diva. Because you always make reklamo and you always, like, say you don’t like this, you don’t like that.’

Continue reading below ↓

“And I was like, ‘Ohh,’ I felt so bad after that.”

Matapos daw niya itong mapagtanto ay humingi ng dispensa si Megan sa mga taong nagalit sa kanya.

“And that was like a shifting point for me and talked to the makeup artists on my team, and then I apologized to them for acting that way.”

Aminado si Megan sa kanyang kakulangan, na aniya'y “ignorance” sa parte niya.

“It was ignorance and it was me not knowing any better,” sabi ng aktres.

Gayunpaman, hindi raw nito binabago ang isyung sumama ang loob sa kanya ng ibang tao.

“At the end of the day, I wasn’t being a nice person. I wasn’t being a good person and I didn’t have the proper guidance from the people around me at that time.”

Si Megan ay produkto ng Kapuso artista search na StarStruck Season 2 (2004-2005).

Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2007, at nagkaroon ng acting at hosting jobs sa loob ng halos walong taon bilang Kapamilya.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga ginawa niya sa ABS-CBN ay ang Kokey (2007), I Love Betty La Fea (2008-2009), Pinoy Big Brother: Celebrity Edition (2008), at hosting stints na US Girls (2011) at ASAP sa loob ng apat na taon.

Pagbalik niya sa GMA, bumida siya bilang Marimar noong 2015 at sa The Stepdaughters noong (2018).

Ikinasal sina Megan at Mikael noong January 2020, matapos ang siyam na taong relasyon bilang magkasintahan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young: “I was working on a show and I didn’t know how to make pakisama. [At] the back of my head, I was just thinking na, ‘Ok, I’ll go to work. If I don’t like something, I’ll tell people that I don’t like it.’ But I didn’t realize that there was a nicer way of saying things.”
PHOTO/S: @meganbata on Intsagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results