Iza Calzado recalls manifesting the man she wants to marry two months before meeting Ben Wintle

by Rachelle Siazon
Sep 9, 2020
Iza Calzado on meeting husband Ben Wintle almost nine years ago: "I really think he came in my life at the right time...God led him to me at that very specific moment and I know why." They got married (right photo) in Coron, Palawan, in December 2018.
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram

May halong kilig na inalala ni Iza Calzado ang isang hindi malilimutang karanasan bago pinagtagpo ng tadhana ang landas nila ng asawang si Ben Wintle.

Tandang-tanda pa raw ni Iza na nagbakasyon siya nang mag-isa sa isang kilalang wellness resort sa Batangas.

Nangyari iyon noong August 2011 o isang linggo bago ang kanyang 29th birthday.

Ilang buwan na silang hiwalay noon ng businessman na si Atticus King, na naging boyfriend ni Iza ng dalawa at kalahating taon.

"I just came from a bad breakup. I was broken. That's why I went there for healing talaga.

"My friend at the time said, 'Be open for what the universe has in store for you.' So I just went," balik-tanaw ni Iza sa panayam niya sa PEP Exclusive, na ipinalabas sa PEP.ph Facebook noong August 27.

Video: Rommel R. Llanes

Si Iza ay isa sa mga bida ng ABS-CBN drama series na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Continue reading below ↓

Sa kanyang pagmumuni-muni, bigla raw naalala ni Iza ang isang tip mula sa isang kaibigan na subukang i-visualize ang kanyang ideal guy.

Patuloy ni Iza: "I was there, and I remember Cheska Garcia Kramer, she was telling me before, siya raw parang isinulat niya yung man that she wanted to marry...

"I'm not sure, ha, basta I remember she was the one who told me.

"Hindi ko sinulat but I was verbalizing it there, 'I want a man who is like this, who is like that...'

"Ang dami kong sinabi, without even thinking talaga na parang wanting it."

Hindi pa raw niya gaanong alam noon ang "manifesting" o konsepto kunsaan kinokondisyon ang sarili na manatiling positibo ang disposisyon at takbo ng pag-iisip para makamit ang minimithing personal goals.

May kaugnayan ito sa konsepto ng "law of attraction" o pag-translate sa realidad ng mga bagay kunsaan madalas nakatutok ang pag-iisip at nararamdaman ng isang tao.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Iza: "Actually gusto ko nga maging single pa nun ng one year.

"Hindi ko inisip na mina-manifest ko, darating agad. So, sabihin ko raw.

"Sige, hindi ko man naisulat [yung man of my dreams], basta nasabi ko run."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

IZA meets AN "ANGEL"

Kinagabihan daw matapos ng kanyang pagmumuni-muni, mag-isang nag-dinner si Iza sa kainan sa loob ng wellness resort.

Bigla raw may lumapit sa kanyang isang Asian-looking woman na hindi niya kakilala.

Kuwento ni Iza: "She said, 'Hi! I think I just have to tell you that you're beautiful.'

"Alam mo yung pag may pinagdadaanan ka, lalo na pag heartbroken ka, parang pag may nagsabi nun sa 'yo, 'Huhuhu... Salamat.'

"I wasn't sure if she knew if I was an actor. I wasn't sure if she knew who I was. Kasi meron siyang accent and very Asian yung face niya. So, sabi ko lang, 'Thank you.'"

Kinabukasan ay nakita ulit ni Iza ang estranghera, at napag-alamang ang pangalan nito ay "Lucy."

Nagkuwentuhan daw sila at nalaman niyang isa itong life coach sa Taipei.

At dahil nagkagaanan sila ng loob, naibahagi raw ni Iza ang pinagdadaanan niyang heartbreak at pagkakasakit noon ng kanyang yumaong ama na si Lito Calzado. Si Lito ay dating TV director at choreographer.

Continue reading below ↓

"I started crying. I tell her, 'First of all, I had a breakup and my dad is sick.' So iyak ako.

"Then she goes to me, 'I have a friend who I think might be able to help with your healing. Would you like to meet my friend?' Sabi ko, 'Sure.'"

REACHING A STATE OF PEACE

Pumunta raw sina Iza at Lucy sa isang bahagi ng resort na may mayabong na puno ng mangga.

Lahad pa rin ni Iza: "Akala ko naghintay kami ng tao. Mamaya-maya, sabi niya, 'This is my friend.' Pinoint niya yung napakagandang puno.

"She said, 'You know, the energy of this tree is very healing. It's happy and healing and can help you.'

"At the time, that was a little far-out. Sa isip ko, 'Sakyan mo lang.'

"Kasi, di ba, sabi ng kaibigan ko, 'Be open to what the universe has in store for you.' So I kept that in mind."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito, inengganyo raw ni Lucy si Iza na maka-attract ng positive energy.

Paliwanag ni Iza: "She prayed. She made me touch the tree. She said, 'Talk to the tree.'

"Hindi ko sinamba yung puno, ha! Because somebody might be watching this and say, 'This tree is not a god.'

"You know, this was before I even would know about interconnectedness and how everything is connected, which is a belief I have now. So ginawa ko yun."

Nakuha raw niya ang e-mail address ni Lucy, pero nang subukan niyang kontakin ito ay hindi ito sumagot sa kanyang mensahe.

"And then that's it. I never saw her again," ani Iza.

Pero kung anu't ano man, nakatulong daw ang karanasang iyong para magkaroon ng sense of peace si Iza sa kabila ng kanyang pinagdadaanang mga problema noon.

Namamanghang dagdag ng aktres: "I don't know, in some ways, parang totoong tao naman yata siya. Ano yun, angel?

Continue reading below ↓

"Parang ibinigay lang ng Panginoon sa akin at that time."

MEETING BEN

Hanggang sa nakilala na raw ni Iza ang Filipino-British businessman na si Ben sa isang magazine event noong October 2011.

Balik-tanaw ni Iza, "And then, cut to two months after that Batangas trip, I met Ben. Then a month after that, I lost my dad.

"My dad was very, very sick. Feeling ko nga rin parang si Ben lang din ang hinintay ng dad ko."

Ngayong binabalikan ni Iza ang pagkakakilala nila ni Lucy sa Batangas, napagtanto niya kung paanong ang karanasang iyon ay tila itinadhanang mangyari bago ang pagtatagpo nila ni Ben.

Nakita raw kasi ni Iza kay Ben ang lahat ng mga katangiang ipinalangin niyang mahanap sa kanyang mapapangasawa.

"For me, I didn't even realize I was manifesting my partner," manghang sabi ulit ni Iza.

Nag-propose si Ben kay Iza noong October 2017 o pitong taon mula noong una silang nagkakilala.

Continue reading below ↓

Ginanap ang kanilang beach wedding sa Coron, Palawan noong December 19, 2018.

THE POWER OF WORDS

Isa pang napagtanto ni Iza ay may bisa raw pala talaga ang pagbitiw ng mga salitang galing sa puso.

Continue reading below ↓

"Tandaan mo, kapag raw na raw yung emosyon mo, di ba, kapag galit na galit ka, kapag napakasaya mo...

"Kaya talagang be careful with your words. Because, di ba sumpa yung mga out anger?

"Words truly have power so be careful how we use it."

Patuloy ni Iza: "And that's what I remind myself especially when I'm, let's say, galit. 'Be careful what you say. Be careful what you wish for.'

"At buti na lang sa kuwentong ito, magandang dulot ang aking mga binigkas."

WHAT IZA SMELLS LIKE FOR BEN

May isa pang senyales na pakiramdam ni Iza ay may kaugnayan sa kanyang karanasan nang ipagdasal sa Diyos ang lalaking mapapangasawa niya.

Sabi ni Iza: "And then Ben always says I smell of mangoes, which is funny. Parang, 'Talaga ba?'

"Actually, when he proposed to me, that was part of his speech, something like that.

"Sobrang nakakatuwa na there's that story."

Continue reading below ↓

Marahil ay may ibang tao raw na kumuwestiyon sa hindi malilimutang karanasan ni Iza.

Pero aniya, "Bahala kayo. Basta eto paniniwalaan ko. I really think he came in my life at the right time.

"Gusto ko man maging single pa ng one year at that time, God had other plans.

"God led him to me at that very specific moment and I know why."

Noong August 17, 2020, nag-post si Iza ng litrato nila ni Ben na kuha sa Batangas resort kunsaan unang hiniling ni Iza ang kanyang man of her dreams.

Naging "favorite place" na raw nila ni Ben iyon mula noong sila ay magkasintahan pa lang hanggang ngayong mag-asawa na sila.

Bahagi ng caption ni Iza: "I value the hard work and time we put into building a strong foundation to make our relationship withstand the challenges that life may bring.

"Rooted and grounded, @benmwintle, you are my beautiful and strong tree."

Continue reading below ↓

May sweet message din si Ben para kay Iza.

Sabi ni Ben, "It's ironic that you manifested me under the mango tree and you smell like mangoes to me.

"Thank you for being patient and supportive of me and my endeavors.

"If I am your tree then I am your soil."

Continue reading below ↓

"THROUGH SICKNESS AND IN HEALTH"

Nitong March 2020, lalong mas pinagtibay ang relasyon nina Iza at Ben nang kapitan ng COVID-19 at pneumonia si Iza.

Hindi lang sa salita, kundi sa gawa ay napatunayan ni Iza ang pagmamahal sa kanya ng kabiyak.

Pareho silang 38 taong gulang ngayon.

Lahad ni Iza: "Na-strengthen talaga relationship namin dahil sa pinagdaanan namin.

"Sabi ko nga, ang mga katagang binitawan namin almost two years ago, 'for better or worse, in sickness and in health, till death do us part,' we didn't realize that we would be tested straight away.

"Nakita ko talaga kung paano niya hindi pinabayaan ako. Yung para sa kanya 'Lumaban ka.'"

Si Ben ang nagbantay kay Iza nang mahigit isang linggong ma-confine ang aktres sa ospital.

"He would do anything. He would make sure na kakain ako. Nag-research siya, tinitingnan niya how else will my health improve.

"Sobra yung pinagdaanan namin that clearly strengthens the foundation of the relationship."

Continue reading below ↓

Mas lumalim din daw ang pananalig nilang mag-asawa sa Diyos.

Madamdaming sabi ni Iza: "Di ba sa buhay, marami ka talagang pagdadaanang challenges? Siguro maganda dun, as early as now, pinapatibay na kami ng Panginoon.

"Hindi naman sa sinasabi ko na, 'Lord, magbigay pa kayo ng challenges.' Lord, huwag muna please!

"Pero sana, di ba, dahil strong yung foundation namin, nawa'y anuman ang dumating sa aming buhay ay mapagtagumpayan pa rin namin nang magkasama.

"Siyempre, all by the grace of God."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado on meeting husband Ben Wintle almost nine years ago: "I really think he came in my life at the right time...God led him to me at that very specific moment and I know why." They got married (right photo) in Coron, Palawan, in December 2018.
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results